Bago ko pa nabasa ang kakikayang libro na "He's Not Just Into You" dinurog na ng tatay ko ang lahat ng aking mga nakakahiyang pantasya pagdating sa pag-ibig. Ishe-share ko ito sa inyo kasi baka makatulong. Babae ka man o lalake, bakla o tomboy, o kung ano pang gender (di na ako makasunod these days sa dami ng acronym), applicable ito. Wala naman kasing pinipiling kasarian ang pagpapaka-dalubhasa sa BK (Bigay Kahulugan). Sana maka-recover ka na. Kung ang ibig mang sabihin niyan ay mangumpisal ka ng marubdob mong damdamin sa subject of your affection o di kaya e maghatol ng amnesia sa sarili para makalimot, go. Push mo iyan. Kasi kung hindi, padadalhan kita nung certificate diyan sa ibaba. Ipaaabot ko sa crush mo para mas may audience impact.
Ako: Papa, yung isa kong kakilala lagi akong inaayang mag-kape at saka kumain. Lagi kaming sabay. Tingin mo ba type ako 'nun?
Papa: Ahh... hindi. Lagi lang siyang gutom.
Ako: Naman eeeeh!
Papa: O bakit, may sinasabi ba siyang gusto niyang maging steady na kayo?
Ako: Wala po.
Papa: Ayun naman pala. Kung walang sinasabi at laging nag-aaya, ibig sabihin lagi lang siyang gutom. Yun lang 'yon.
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!