Nuffnang

Monday, May 30, 2016

Tatlong Bibe Virus

Wala kaming mapanood sa TV sa bahay namin (walang cable, walang antenna, wala, wala, wala) kaya akala ko, bunga ng pasukan sa pre-school ang pagkalat ng "Tatlong Bibe" videos. Mali pala, galing pala ito sa isang eksena sa "Be My Bibe" ay mali, "Be My Lady" sa Channel 2.




Wala akong panahon para mag-review kung tungkol saan ba ang teleserye. Siguro magandang babae sa di kapani-paniwalang kalagayan sa buhay na may something sa isang magandang lalake sa equally unbelievable situation in life yan. Hindi ako nagrereklamo, bet ko yang mga di kapani-paniwala. Pero, may panahon ako para hanapin ang mahusay na Becky na hunyango ang boses. Gusto ko siyang maging kaibigan.

Tatlong Bibe by Vina Morales
 


Tatlong Bibe by Regine Velasquez
 


Tatlong Bibe by JAYA 


Pero ito ang pasabog. Bago mo ito maintindihan, pakinggan mo muna ang Justify My Love and/or S.E.X. Ngayon, presenting...

Tatlong Bibe by Madonna

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!