Sunday, January 26, 2014
Mga napag-usapan at napag-isipan isang gabing halos mahulog ang buwan
1. Kapag kailangan ng karpintero, dapat magpa-audition.
2. Kulang ba talaga ang mga lalake sa Pilipinas para sa lahat ng babae at baklang naghahangad ng tunay at wagas na pag-ibig? O choosy lang masyado ang mga hanggang ngayon ay bakante pa?
3. Karugtong ng pagkukuwenta (ibawas ang mga below 18, ang mga magpapari, ang mga may asawa na, ang mga may sakit sa pag-iisip, etc. para makuha ang value ng eligible males) ay ang pinakapayak at pinakagasgas na tanong: kapag may edad ka na at nauubusan na ng egg cells or freshness factor (para sa mga bakla), sinong pipiliin mo? Iyong mahal ka o iyong mahal mo?
4. Kapag nasa relasyong dulot ay panay sakit, dulot ng takot na maubusan ng lalake (kunektado pa rin?) o ng marubdob na pag-irog (sabeh!?!), where do you draw the line? Sabay-sabay naming sagot: sa dingding! Ibig sabihin, walang malinaw na sagot. Sang-ayon kami sa sabi ng isa, basta walang sakitang pisikal. Chaka kasi ang black ang blue. Eh yung emosyonal na sakit, ikakanta na lang ng "Sana'y Wala Nang Wakas."
5. Sa hirap ng buhay at sa mas mahirap na buhay pag-ibig, marami sa atin ang nanghihiram na lang. _____ is the way to go (insert name ng kahit sinong kakilalang nagtagumpay sa pang-aagaw). At inaabuso ito ng Star Cinema.
6. Paano mapuputol ang vicious cycle ng pamumuhunan sa anak dito sa Pilipinas? Paano titigil ang killer mindset na kapag nagsimula na magtrabaho ang anak eh tapos na ang parenthood?
7. Ano ang tamang paraan ng pagkulekta ng stool sample para sa mga annual physical exam? Yung dabes way na pwedeng gawan ng step-by-step guide?
8. Kung maliit na pirasong jebs lang ang kailangan para sa fecalysis, bakit wala man lang kutsarita, toothpick, chopsticks o kahit anong maliit na gamit na pwedeng gamiting panungkit man lang na binibigay ang mga clinic pag may test? Anong iniisip nilang ipangkukuha ng pea-size sample?
9. Kung magka-anak ako ng lalake at nabalitaan kong namamakla, ano raw ang gagawin ko? O kung ang anak kong babae ay nagbabayad/bumibili ng lalake dahil ayaw sa kumplikadong relasyon, ano naman ang gagawin kong aksiyon?
10. Kailan na naman tayo magkikita? Limang taon ba ulit?
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!