Nuffnang

Pages - Menu

Wednesday, June 13, 2012

Ang taray ni Orlando...

OVERwhelmed

Bong and I (2007)
Fact # 1: LAHI NAMIN ANG MATATABA
Halos lahat ng babae sa angkan ng nanay ko ay matataba. Kung hindi mataba, may topak. 'Ung iba, mataba na, may topak pa. Kaya masaya. Magulo. Laging may drama.
Dahil kabilang ako sa mga babae sa pamilya, hindi ako ligtas sa sumpa nang pagtaba. I had my share of unwanted pounds for years. Nang nagsimula akong mag-dalaga hanggang sa late adolescence, I never developed the love for fashion. Kapag mataba ka, ubusin mo ang pera mo sa pagkain. Saka na ang damit. Pero OK lang naman. Fashion is only secondary, if not last, in this world. Mabubuhay at tatalino ka pa rin naman.
Pero it doesn't change the fact na nasa lahi pa rin namin ang matataba.
Kapag piesta o may okasyon sa probinsya, walang tigil ang mga pinsan, tiyahin at tiyuhin ko sa paglantak ng mga ulam na nag-uumapaw sa sebo at mantika. May isa akong tiyuhin na isa sa mga negosyo ay ang mag-lechon ng baboy tuwing Sabado't Linggo. Dumating na ako sa puntong pinagsawaan ko na ang Lechong Baboy. Pero kahit sawa ka na'y hindi mo pa rin mahi-hindi-an ang kulay at amoy ng malutong na balat sa likod nito.
Ang nakakapagtaka nga lang, tanging lola ko lang ang hindi tumaba sa amin. Oh well, siya 'un 'e. Baka nakuha namin ito sa lahi ng lolo ko.
Kaya ayun, there's nothing I can do about it. It's genetic. It's tradition. There's no escape.
Fact # 2: MAHILIG AKONG KUMAIN.
Sino bang hindi mahilig kumain? Sabi nga ng Science teacher namin nung Elementary, "kung ang gasolina ay sa kotse, ang pagkain ay sa tao."
It is something to live for – kaya tayo nagta-trabaho; to die for – kaya tayo may kung anu-anong sakit.
At malakas ako sa kanin. Kasi naman, lumaki kaming kailangang walang natitira sa plato. Sinigurado ni nanay noon na ubos hanggang kahuli-huliang butil ng kanin. Isa pa, sa kakuriputan ng nanay ko, kadalasa'y dadalwang gilit ng karne ng Sinigang ang napagsasaluhan namin ni Arvin. Isang kapirangot na karne noon ay sinasabayan namin ng limang subo ng kanin.
Kaya naman lumaki akong malakas sa bigas. Lagi akong naka extra rice. Masarap ang kanin, aminin mo. Yan ang nagpapabusog sa kumakaing Pinoy!
Fact # 3: TAKOT AKONG MAGUTOM
Sino bang hindi. Kaya tayo nagta-trabaho, para huwag magutom. Kaya kahit hindi pa kumukulo ang tiyan ko, nakabantay na ako sa ref namin.
Just in case.
Fact # 4: AYOKONG MAG-GYM
Kalokohan noon, para sa akin,  ang pag-ji-gym. Gagastos ka rin lang, sa libro at sine na, at hindi sa mga bagay na magpapahirap sa'yo. Marami akong kilalang pumayat sa gym. Pero mas maraming akong kilala na tumaba uli noong tumigil sila.
Kalokohan ang pag-ji-gym. Noon 'un.
Fact # 5: MAHILIG AKONG MAHIGA
Sex aside, lahat na ng pwedeng gawin na nakahiga, ay nagawa ko na. Magbasa, kumain, manood ng TV, tumunganga, mag-crossword puzzle, mag-blog (kaya marami akong typos) at mag-Tetris (tanda mo 'un?).
Walang kasing sarap ang humiga matapos kumain. May isang bagay sa kanin (sugar) na nag-ti-trigger ng antok at lampa sa katawan mo, that makes you feel like you'd like to sleep or at least lie down. Hindi ako lumalaban doon.
***
Mid-2007, I was diagnosed with hypertension. Mataas na rin ang sugar level ko. I was not getting any younger, and I was at 210 pounds.
I was 45 pounds overweight!
Isa pa, mahalaga sa akin ang confidence ko. Humaharap ako sa iba't ibang tao at minsan, naisip kong I'd be more confident if I'd be able to play with style and looks. Labanan ko man ang sistemang komersyal, wala na rin akong magagawa. Thin is in. Bulk is out. Umamin ka!
Kaya noong 2007, sa tulong ni nanay, nag-South Beach Diet ako. Pinahiram ako ni Nadia ng libro on South Beach. I didn't just read it; I devoured it. Si Hazel naman, binigyan ako ng Pinoy South Beach Diet Plan. Mas madaling gawin dahil puro Pinoy recipes.
After a three months of faithfully doing SBD, I lost 39 pounds. From 210, nag-171 pounds ako.
This was me in 2008.
Take note: walang work-out, work-out yan, ah? Remember? Hindi ako naniniwala sa gym!
Me (2008)
Na-achieve ko na ang goal ko: ang pumayat. Tama na 'un. Ok na. Isa pa, si nanay, nagsimulang ma-paranoid: "Orlando! Ampayat mo na! Baka magkasakit ka n'yan."
"Hindi ka lang sanay, 'nay!"
"Kumain ka na uli ng marami. Ok na yan. Di na yan babalik."
At dahil masunurin akong anak, kumain uli ako tulad ng dati.
The problem was, I was already addicted to bad carbohydrates when the pounds started coming back.
"Mas gusto ko yan be," sabi sa akin ni Syme noon. "Mas gusto kong mataba ka, para di ka nagloloko!"
At dahil masunurin akong boyfriend, kumain uli ako ng kumain.
While I was gaining weight I started asking people for confirmation: "Mataba na ba 'ko uli?"
"Hindi, Orly. Matangkad ka naman. Bagay lang sa'yo," ang kadalasang response.
At dahil masunurin akong kaibigan, kumain pa ako lalo. Pati ibang tao, inaagawan ko ng pagkain.
Cloud and I (2009)
The thing about the South Beach Diet is that all the pounds you've lost will not come back easily when you go back to regular eating habits. Totoong nawala ang mga taba ko noon, and it took a while before I started gaining again.
During those years, I started gaining back to my initial weight in 2007. Actually I went beyond! By November 2010, I was at 125 pounds; 10 pounds heavier than my initial weight of 215 in 2007.
Ayaw n'yong maniwala? Eto.
Me from 2008 to 2010
Tumaba ako uli. At higit pa. Hindi ako masaya. Lagi akong lugmo, tinatamad, nahihiya. Yan ang buhay ko noon.
Pero kain pa rin ako ng kain.
I was once again diagnosed with Hypertension. Mataas na naman ang blood sugar ko. Overweight daw ako, sabi ng company doctor namin. Actually, lahat naman sa opisina namin ay sinasabihan n'yang overweight. Wala na ata siyang ibang masabing alam n'ya. But that's another issue. This is my story. Not hers. Besides, I don't go to her anymore. #imbey.
It was until nanay and I decided that we consider South Beach Diet again. Sabay kami this time. She needs to manage her sugar too, and it will be a great to have a support team.
At that time of the year, nagkaroon din ng Biggest Loser challenge sa office. Umabot hanggang 30K ang price.
I've done it before. I was sure I can lose those pounds again.
All the motivations were in. All I needed to do was to take on the challenge.
On the first week of January 2011, nanay and I went on the SBD's First Phase (again).
On May 2011, I enrolled in Fitness First (RCBC). Since I already lost 36 pounds from SBD, and was already eating good carbohydrates, I can finally continue my program by doing extra cardio and resistance training.
Bong and I went to Boracay last May. Sabi ko kay Bong, eto na ang panahon para magka-alaman kung sino ang tunay na may ganda!
Boracay, 2012
Eto pa.
Boracay, 2012
I began uploading the pictures a few weeks after our trip to Boracay. Hindi para magyabang, promise. Para mag-share lang ng mga photos.
I was overwhelmed by the reactions from the FB friends. I never thought that I'd get such favorable responses from them!
You see, I didn't go through the weight loss program for other people. I did it for myself. I did it, for health reasons and also for my own confidence.
But I must say, that the kind of response from friends is the cherry on top!
Payat na ako uli. But I still go to the gym. If you'd ask me if I'm still on South Beach, hindi na. Kinakain ko na ang lahat ng gusto kong kainin. (O, wag madumi ang isip!) But I'm maintaining my weight, because I religiously burn those calories immediately.
Totoo. Nakakatulong ang pagwo-work out.
Me (June, 2012)
'Di ko gustong maging bato-bato. Wala pa naman sa plano ko ang maging macho dancer. Isa pa, bakla ako. Aanhin ko ang muscles? Saka na, kapag contruction worker na ako.
It is still a work in progress. I'm at 173 pounds now. Medyo tumataas ang timbang ko dahil sa mass, pero ok lang. Nasusuot ko ang mga gusto kong isuot. But there are still flabs that are still to be toned.
I started helping other people in their weight loss programs, as well. May mga kaibigan na rin akong nagsisimulang mawalan ng mga beer bellies and it serves as an additional inspiration for me.
If you'd like to have a copy of the Pinoy South Beach Diet that I used in 2008 and 2011, just let me know. You can shoot me an email at orly.agawin@me.com and I'd send you a PDF copy the soonest.
Because whenever you help others, you can't help helping yourself, diba?
FACT # 6: KAYA YAN!!!

1 comment :

  1. Salamat sa endorsement, Yummylicious! I'll send your copy later this afternoon! Amishu!

    ReplyDelete

Yum-ment!