Nuffnang

Pages - Menu

Tuesday, July 28, 2015

Patay kung patay!

Magmula nang ako'y matutong umawit... echoz! Kinaya pang humiram ng kanta eh. Hemingway, mula noong ako ay maging asawa at nanay ay nagkaroon ako ng di matatawarang takot na mategiboom boom. Nakakapagod ang mabuhay sa takot. Kaya naisip ko na sa halip na matakot ay mas maiging maghanda kahit hindi ko birthday. Iiwasan ko ang dramarama pero kapag kinakabahan ako, magsusulat ako ng mga habilin ni Huling. Pagkagising ko today ay naisip ko ang aking burol.

Dati, ito ang gusto ko. Pagkagaling sa pag-expire e diretso na sa cremation. Walang burol na magaganap. Pero tama si Sir ko. Ang burol ay hindi para sa namatay kundi para sa mga naiwan. Kaya gorah ako sa burol at sa ilang mga bagay na lovingly dedicated para kay Potling at Sopling at sa aking One Great Love. Itong listahan na ito ay para lang kung mamamatay ako anytime between 2015 to 2021. Maximum age at death ay 40. Ia-update ko na lang kung lumagpas pa ako sa 40 at kung uso pa ang blog by that time.

1. Ayoko nung nakaburol na naka-dress. Gusto ko maong at peasant blouse na purple pero may manggas (don't expose my flabby arms please). Gusto ko rin naka-Chucks ako saka nakasuot pa rin ng aking salamin. Sorry naman sa kung sinumang maghahanap pa ng aking outfit.




2. Gusto ko sanang sa bahay iburol pero wala pa akong naririnig na burol sa condo unit. Ligwak. Hindi rin puwede sa bahay namin sa Tatalon kasi kawawa naman ang bahay namin dun. Ayoko na masyado mapagod ang aking family sa kakaligpit ng kalat at pagasikaso sa mga bisita. Gusto ko sana sa Sto. Domingo Church o kaya sa St. Andrew kaso hindi naman ako active member kaya ok na sa punerarya capital somewhere in Araneta Ave. Sana maasikaso namin ang St. Peter funeral plan para wala ng hassle. Pero kung walang plan, oks na ako sa Arlington.

3. Ayokong maging tinapa kaya sana sandali lang ang burol, mga 3 nights. Pero bet ko ang libing ng weekend kasi mga empleyado ang mga kaibigan ko. Hindi sila makakapunta sa libing kung may pasok.

4. Pero hindi ako ililibing ha? Susunugin ako. Tapos ang abo ay ikakalat sa dagat. Kung may pera si Sir nun, baka pwede humiling na maglagay ng abo ko sa maliit na locket at tig-iisa sila nila Pot at Sop. Hindi naman sila required na isuot ang locket. Kung bet lang nila. Huwag akong iimbak sa urn please. I am hyperventilating just thinking about it. At nakakatakot ang risk na mapagkamalang paminta at ibudbod ako sa sotanghon o sopas.

5. Ito na ang madramang wish. Sana gabi-gabi kada may misa (yes bet ko yun) ay may eulogies. Paki-video para sa mga anak ko. Pakisabihan ang kahit sinong gusto magsalita na ang tema ay kinakausap niya sila Pot at Sop. Para sa kanila ang mga kuwento. How did we meet? What is your fondest memory of me? Mga ganyan... pero lahat ay para sa mga anak ko para makilala naman nila ang kanilang nanay kahit wala na.

6. Siyempre may mga mahiyain akong kaibigan kaya kung ayaw sa video, sulat na lang. Icocompile ni Sir para sa mga bata balang araw. Pakisabing kung hindi sila magsubmit e ako mismo ang magkukulekta. Ahoooo.

7. Music. Importante. I want a playlist. Laging may ambient music sa background the entire time ng burol at cremation pero di yung mga pang Marco Sison. Yung mga paborito kong kanta lang. Madonna, ABBA, Air Supply, ASIN, APO, Side A, The Company, Alanis, siyempre saka mga oldies but goodies. Alam na ni ito lahat ni Sir at ng bekla frends.

8. Utang na loob, don't post any dead photos of me in social media. Not even my casket (rent lang k kasi cremation naman e).

9. Food and refreshments will not be served during the wake. I want my family to be able to focus on my passing (superstar? Haha!), not the groceries. Pakiunawa na lang po.

10. Puwede mag-request na Jesuit priests lang ang mag-misa? I just love and trust them so much. Pero kung wala ok lang.

O ayan, malinis na ang listahan. Again, ayoko pa mamatay habang hindi pa stable ang buhay ng mga anak ko. It will not hurt to pray for a longer life for me and my hubby (tenkyu!). Ang dream namin mula pa noong 2001 ay sabay kami. That's the ULTIMATE dream.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!