Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, July 19, 2015

Ang Tunay na Pabebe Girls

#1 of #1001NannyChallenges

Ay nasa bahay namin. Sila ang nag-aalaga sa mga anak namin pag meron silang time (yes, nakakahiya sa kanila). Hired from the province ang magkabarkadang ito, referral sa nanay ko ng isang kakilala. Simula pa lang ay masakit na sila sa ulo pero bilang napakahirap humanap ng yaya, pinagtitiyagaan silang ilagay sa ayos ng aming pamilya. Ito ang mga nakakaloka nilang asal to date:

1. Sabay silang maligo. Noong una e inuunawa pa ito ng nanay ko. Baka raw kasi ganun sila sa probinsiya. Pero sa katagalan, kinailangang siguraduhin na magkahiwalay sila. Dahil napakatagaaaal nilang maligo. Naglalaba pa sila ng damit pagkatapos. Wala silang kebs sa oras ng ligo, basta ibibigay nila sa kahit kanino ang mga bata para magkasabay sila.
2. Sabay silang kumain at inaabot din ito ng lampas isang oras. Ginawan na rin namin ng paraan para di sila sabay. May sari-sarili silang schedule.
3. Bigla na lang silang nawawala sa bahay at kung saan-saan nagsusuot. Wala itong paalam kahit isang kalabit. Parang pag-ibig na biglang naglaho. Nawitness namin ito ng personal ngayong weekend.
4. Nung minsan ay masakit daw ang ipin nung isa. So agad pinainom ng gamot at pinagpahinga ng nanay ko. Maya mayang konti ay nawala si ate. Pagbalik ay may dalang pangkulay ng buhok. At nagkulay din agad.
5. Itong si #4 din ang sinabihan ng kapatid ko minsan na hilamusan na si TLO. Tinalikuran niya ang kapatid ko at umakyat sa kuwarto para gumawa ng... wala.
6. Ang isa ay nahuli kong hinugasan si TLO pagkatapos umuu ng baby boy namin. Walang sabon. Tinuwalyahan. Tapos. Sabi ko bakit hindi mo sinabunan? Kasi raw nasa labas ang sabon kaya tubig na lang.
7. Galing ang dalawang ito sa mahirap na pamilya sa isang liblib na lugar. Nang tanungin namin kung ano ang ibibili naming sanitary napkin para sa kanila, kinabog nila ang sagot ng lahat ng yaya namin over the past 4 years (ex. Charmee at Those Days). Whisper daw, with wings! Ok. Sige pagbigyan. Binilhan namin ng Palmolive Shampoo. Next time daw Sunsilk kasi binabalakubak sila sa Palmolive. At nung unang linggo sa amin, nagpapabili ng Ponds facial wash at Kojit San (yung pampaputi). Ayan mga ate ay hindi basic so hindi na namin pinatulan. Safeguard ang sabon naming lahat. Safeguard!
8. May mga kuto sila. Napapanood pa ng mga kapatid ko na kada pitas ay may masaganang ani mula sa kanilang colored hairs. Wala silang suklay nang dumating so ngayon ay may kuto ang mga tao sa bahay ng magulang ko (sigurado si TLO rin). Sinabihan sila na mag-Lice Aliz para di na makahawa. Ang sagot ng isa... "pano naman nangyari iyon?" Lord, have mercy.
9. Nasa amin sila nitong Huwebes hanggang ngayon. Pagkatapos nilang maligo ay parang parlor ang sahig. Panay buhok. At lubluban ng kalabaw. Maputik. Ang kinuskos kong sahig ay salaulang salaula at tuloy lang ang kanilang masayang buhay.
10. Noong Biyernes, nag-swimming sila sa pool area kasama ang 9-year old naming pamangkin. Iniwan nilang mag-isa para mag food trip daw (bumili ng tsitsirya).

Mahaba pa ang tatakbuhin ng mga kuwento ng pa-baby girls. Gusto na namin silang pauwiin pero umaasa pa yata kami sa himala.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!