Nuffnang

Wednesday, November 28, 2012

Major Backlog

Ipupusta ko ang aking 13th month pay. Hindi mo kayang talunin ang aming parent backlog. Si Little One ay 4 years old na sa April. Pero hanggang ngayon hindi niya pa kilala si Jesus, si Mama Mary, si St. Joseph, kahit sinong santo o santa. Kahit si Santa Claus. Hindi pa rin siya marunong magdasal.

Kaya naman siguro lagi siyang masaya. Walang kumplikasyon, walang pantasya. Ang lahat ay kulay lang at ilaw.

Pero next year, di na yan pwede. Kailangan daw ng bata ng routines. Guguluhin ko na ang kanyang buhay. Eto na. Sorry naman.


Lahat ng pekatyurs ay galing sa Pacific Star Plaza lobby. Ang ganda!


















No comments :

Post a Comment

Yum-ment!