Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, September 16, 2012

Aling Zeny's Eggs Recipe

Hiningi ko ang recipe na ito sa mommy ni N, si Aling Zeny. Bongga sa sarap yung gawa niya na natikman namin sa office last August2011. Isang taon nang nasa akin ang recipe na sinulat ni Aling Zeny sa papel at nagawa ko rin sa wakas last month. Isang taon, worth the wait. Presenting... Aling Zeny's Eggs!

Ingredients:
  • Eggs - 15 pcs
  • Pork Giniling - 1/2 Kilo
  • Carrots - 2pcs
  • Patatas - 2pcs
  • Onion - 1pcs
  • Garlic - 5 cloves
  • Kinchay - 1 tali
  • Paminta
  • Asin
  • Isang oras
Paano gagawin:




  1. Ilaga ang itlog for 15 minutes.
  2. Balatan, hatiin sa gitna at sungkitin ang dilaw. Itabi for the fun lamasan later.
  3. Gumamit ng cheese grater (or kung anong hightech equipment na meron kayo) para sa bawang, sibuyas, patatas at carrots. Tatawagin natin silang drug addict ingredients (sila ay durog).
  4. Ipunin ang galit sa dibdib, hugutin at pagkatapos ay tadtarin ang kinchay. Tingnan natin kung di mapino ang hiwa ng kinchay...
  5. Ihalo ang drug addict ingredients, pinagdiskitahang kinchay, giniling, dilaw ng itlog,  asin at paminta. Ang dami ng asin at paminta ay dapat na ayon sa panlasa ng kakain.
  6. Lamasan na!
  7. Ilagay ang isa-dalawang kutsara ng mga Olivia (Lamasan) sa mga bahay-sisiw na pinakuluan mo kanina.
  8. Iprito ang mga almost-finished product. Kung may matira, pwede ring gawin silang meatballs.





Ma-share ko lang. Matanda na si N (haha!) at ang kanyang mga kapatid pero si Aling Zeny ay matiyaga pa ring nagluluto araw-araw para sa bahay at para sa baon nilang magkakapatid. Nakakabilib. Sana ako rin,  kahit matandang matanda na ako, hindi ako magsawang magluto. Nakapila pa ako sa ilang recipe ni Aling Zeny. Excited akong subukan lutuin ang mga baon ni N na natikman ko na!

1 comment :

  1. I'd like to add my name to a wait list, just in case you plan to write an actual cookbook in the future ;)

    ReplyDelete

Yum-ment!