Hindi ako masaya sa ginawa kong ito ha. Lagpas limang buwan ko nang napangatawanan ang Facebook cleansing diet ko. Kaya lang, noong huli kaming nagkita ni Mother D, nabalitaan ko na nakakatuwaan niya ngayong mag-post ng masasayang kuwento mula sa aming nakaraan. Ayaw ng matandang diva na mag-blog. Gusto niya Facebook. Tse! So bilang ayaw kong malampasan ang kahit anong isusulat ni tanda (I'm a fan, I'll have to deal with it), bumalik na ako sa FB.
Si Masikip at Si Luz Klarita naman, pati si Judge B na dating walang social skills., ay nasa Twitter. Dun din naglulungga ang mga sinusubaybayan kong team mates, past and present. Kaya hindi ko titigilan ang Twitter.
Matanda na ako para sa peer pressure. Pero for the first time in my life, papatol ako. Kung di ko lang mahal ang mga baklang 'to...
Si Masikip, Si Luz Klarita at ako noong Sabado.
PS Batch 15, NSI Batch 7, 08/13/2001 (sana may pekatyur din kami noon para maikumpara ang mga timbang)
Sunday, February 10, 2013
Sunday, February 03, 2013
Saturday, February 02, 2013
Pandan Island
Isa sa pinakasikat na parte ng Honda Bay tour sa Puerto Princesa, Palawan ang Pandan Island. Ito ang itsura ng isla kapag malapit na ang bangka.
Pagdating sa isla, maraming mga cottage na nakalinya sa shoreline. Walang resort, hotel o kahit anong pwedeng tirhan ng mga namamasyal. Sana hindi umabot sa ganun, para di naman malosyang gaya ng White Beach, Puerto Galera.
May libreng tanghalian na ang mga Honday Bay Tour package (sample food porn here). Pero marami pa ring nagkalat na nagtitinda ng mga lamang dagat, kasama ang sea urchin!
Sa Pandan Island, snorkeling at fish feeding ang kadalasang ginagawa ng mga utaw. Kung kagaya namin kayo na hindi very good sa swimming, hindi advisable ang magtampisaw na parang first time lang nakalublob sa dagat. Mabilis lumalim ang tubig... tipong hanggang baywang pero pag lumakad ka pa ng mga limang hakbang, lubog ka na (pwedeng ako lang ito dahil pandak ako).
Wala kaming nakitang kakaiba sa snorkeling kundi isang malaking baul. Hindi naman namin nakunan ng litrato dahil wala kaming underwater camera at wala namang kasyang waterproof case para kay Gyper.
We therefore conclude na ang Pandan Island ay para lang talaga sa tambay at sunbathing. Gusto naming subukan ang kayaking pero malakas ang alon, suspended ang pag-arkila ng mga kayaking boats (P100 per hour).

| Sea Urchin, 3 for P50 or P20 each |
| Kinailangan kong tanungin kung aling parte ang pwedeng kainin. |
| Mga dilaw na bahagi lang daw ang pwedeng kainin. Lasang aligi ng alimasag. |
Sa Pandan Island, snorkeling at fish feeding ang kadalasang ginagawa ng mga utaw. Kung kagaya namin kayo na hindi very good sa swimming, hindi advisable ang magtampisaw na parang first time lang nakalublob sa dagat. Mabilis lumalim ang tubig... tipong hanggang baywang pero pag lumakad ka pa ng mga limang hakbang, lubog ka na (pwedeng ako lang ito dahil pandak ako).
Wala kaming nakitang kakaiba sa snorkeling kundi isang malaking baul. Hindi naman namin nakunan ng litrato dahil wala kaming underwater camera at wala namang kasyang waterproof case para kay Gyper.
![]() |
| May markers kung hanggang saan lang pwedeng maglangoy. |
We therefore conclude na ang Pandan Island ay para lang talaga sa tambay at sunbathing. Gusto naming subukan ang kayaking pero malakas ang alon, suspended ang pag-arkila ng mga kayaking boats (P100 per hour).
Wednesday, January 30, 2013
Luli Island
Luli, for lulubog-lilitaw, is one of the many giant sand beds in West Philippine Seas (wag na raw nating tawaging South China Sea para walang dispute). This is where you won't want to be kapag high tide.
Luli Island is a typical destination of any Honda Bay tour
01/19/2013, 2PMish
| Dagat, dagat, dagat, kahit saan ka tumingin. Ang ganda nung babae sa kanan. |
| Dagat sa kaliwa |
![]() |
| Dagat sa kanan. Akoyung balyena sa shore! |
Luli Island is a typical destination of any Honda Bay tour
01/19/2013, 2PMish
Far fly for fireflies!
Ganitong ganito ang eksenang Firefly watching sa mangrove swamp pagtawid ng Puerto Princesa Baywalk.
Dalawa na raw ang Firefly watching sites sa Puerto Princesa. Isa sa Iwahig (mas maganda pa sabi ng marami) at isa sa magrove swamp. For PhP 1,100 per head, sulit na sulit ang tanawing hindi mo na makikita pa forever sa Maynila. Ang mga alitaptap daw kasi ay umiilaw lang na parang nasa COD (so old!) kapag malinis ang hangin. May magic tricks din ang tour guide. Synchronized blinking ang nagiging favorite sports ng mga alitaptap kapag sinisinagan sila ng pulang ilaw. Akala raw nila may kaaway kaya sinusubukan nilang magmukhang malaki sa pamamagitan ng pagkutitap on the count of... wait meron kayang cheerleader firefly na nagbibilang?
Mula sa baywalk, ang mga turista ay sasakay ng motor boat for 20 mins hanggang makarating sa malapit sa bukana ng mangrove (bakawan sa Filipino) swamp. Pagkatapos ng motor boat ride, sasakay naman ng mas maliit pang motor boat (max. 12 people kasama bangkero at tour guide) para pumasok sa Firefly community.
Magical. Yun lang ang pwedeng sabihin. Sa ilalim ng full moon at mala-Christmas trees na mangrove dahil sa libo-libong alitaptap, at sa simoy ng manamis-namis at malamig na hangin, ayaw mo ng umuwi. Ayaw mo ng makipag-away. Gusto mong bumait.
Pagkatapos ng 45-minute tour, balik sa motor boat for free dinner. Nakaparada ang bangka sa dagat, dim lights. Eto ang lafang sa mga malilit na mesang sine-set up sa katig ng bangka.

| Baywalk view from the ocean |

Firefly Watching
01/17/2013 7:30PM
Puerto Princesa, Palawan
|
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)