May dinagdag akong kaunting notes sa article pero very minimal lang. Layout lang talaga ang inayos ko. Habang nagre-resize ng mga picture, napaisip ako. Ang sabi kasi ay puwede pa rin ang mass gatherings sa "new normal" pero kalahati lang ng usual headcount ang puwedeng pumunta sa mga kasalan, burol, at kanhit anong mga "okasyon" na marami ang inaasahang dadalo. Grabe naman talaga ang perwisyo ng veerus na ito.
Alin ba ang tamang sisihin para sa nararamdaman kong pagkabuwisit? Mortality (bakit pa kasi kailangang mamatay ang tao, puwede bang magkakasama na lang tayo hanggang dumating ang kung anumang hinihintay natin?) o China? O wag kang sasagot, may nakikinig.
***
Ayoko ng malungkot na post kasi masaya naman na si Mommy Ely namin. Sure kami ron. Kaya eto na lang ang mga pekatyurs ng makulay na lamay bahay. Ngayon kasi nauuso na ang lamay funeral parlor. Eh pag ganun ang lamay, behaved. Ito ang lamay Pinoy style.
May tolda na nilalatag sa kalye, sa tapat ng bahay. Kakain ito ng halos 1/4 ng kalsada pero ayus lang iyon. Walang magrereklamo sa baranggay (lalo pa sa kinalakihan kong barangay kung saan negosyo ni Kapitan ang funeral services... tulong na rin daw niya yun sa mga constituents). Etong tolda ay pinahiram ng isang kandidato na obviously ang pangalan ay Bong Magallanes. Hindi ko siya nakita pero thank you na rin. Talaga raw pinahihiram niya itong tolda niya sa mga namatayan.
Pagsapit ng dilim, yung tolda may kinakabit na bumbilya para may ilaw. Tapos may fun and games. May dahilan kung bakit may fun and games. Sa bawat laro ay may "tong" na nadadagdag sa abuloy fund.
Ang tawag dito ay Color Game. Ang mga naglalaro ay pipili ng tatayaang kulay. May maliit na holen na ilalaglag sa pachinco tapos kung saan malaglag ang holen, yun ang kulay na panalo.
Baraha. Hindi nawawala. Para sa mga talamak na adik sa sugal, blessing ang may patay kasi nagiging legit as shit ang kanilang advocacy na ubusan ng pera at kidney.
Inuman. Ang paborito ko sa ganito yung ganitong jamming. Lalo pag maraming bakla.
Bingo. Na ba kayo? Nahagip pa ng kamera si TLO at ang panganay naming pamangkin. Ang liliit pa nila rito!
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!