Nuffnang

Pages - Menu

Tuesday, August 28, 2018

Almusal ng choosy


Kung saan saan ako dinadala ng choosy na bata sa aking sinapupunan. Magagalit pihado ang mga "Best In Mother" awardees sa combo na ito kasi panay carbs na nga, panay freshervatives pa.

Eh sorry na guysh, hindi ako perfect.  At sa halagang Php 55, talagang pagbibigyan ko itong tawag ng laman na ito. Suuuuulit na sulit!


Monday, August 27, 2018

Bayaning Playground

Nag-iisa ang ugoy-ugoy na kotseng ito sa playground. Tahimik na naglalaro si TNLO, siya raw ang tsuper at ito raw ay school bus.

Ilang bata na ang nagtangkang magpaalis sa anak namin. May nakikiusap, may sumisigaw, may naga-amba ng palo. Sa mga batang ito, may Amerikano, may Muslim, may Iranian, may Chinese, at iba pang lahi na di ko mahulaan kasi di ko marinig ang salita.

Hindi natinag si TNLO. Hindi nasindak, pero hindi rin nanakit. Dapat yata siya na lang ang nagbantay ng Spratlys.

At saka siyempre naman, may lahi yata tayong bayani. Tayong lahat.

National Heroes' Day 2018



























Tagumpay! Sumuko na lahat ng kaaway.


Sunday, August 26, 2018

Farewell, Cat Cafe Manila


Sad news.



The hubby and the kids are cat lovers. Kahit saan kami magpunta, nadodoble ang tagal ng lakad basta may madaanan kaming mga pusa. Nung bumisita kami sa Cat Cafe Manila halos mabaliw silang tatlo sa tuwa. How about me? Kyut na kyut din naman ako sa mga pusa. In general, mahal ko naman ang lahat ng living things (puwera ahas at buwaya), pero kung kailangan talagang may groupings ang mga tao sa dog lover, cat lover, whatever lover... ako ay pet fish lover talaga. Hindi raw pet ang fish sabi ng iba. Ewalaakongpake. Walang kokontra.

Anyway, balik tayo sa malungkot na balita.

Sayang na sayang. Balak naming bumalik sa Cat Cafe Manila nang paulit-ulit, hindi lang namin nakarir ang pagluwas sa Maginhawa mula sa Meketeh Citeh. Binalak din naming i-date si BiyudaBeast dito kasi isa pa siyang tunay na mapagmahal sa mga miming. Actually dual citizen siya. Half Filipina, half feline.

Baka naman may kakilala kayo na balak humabol. Kailangan kasi nila ng investors. Kung nagpapawis lang ang kilikili ko ng pera, magzu-zumba talaga ako ng isang oras every day para ampunin ang business na ito eh. Kasi talagang saludo ako sa business model nila. Business na, advocay pa. At saka kumbaga sa mga kumpanya, equal opportunity employer sila. Hindi lang mga dugong bughaw na pusa ang meron sa kanila, karamihan pa nga mga ulilang pusa galing sa CARA.

Dahil sa Cat Cafe Manila, marami na ang mga ulilang pusa ang nagkaroon ng bagong pamilya. Sana sila rin, ampunin niyo*.

*Niyo - upper middle class, landlords, businessmen, businesswomen, philanthropists, mga artista na sooobrang daming pera, mga fairy godmother o godfather, basta gets niyo na yun






Saturday, August 25, 2018

Opsling vs Diazepam

I lost some memories from the days I spent at the hospital. They are being returned to me in bits and pieces.

Today I remembered the conversation about Diazepam.

In each of two seizure episodes, the doctors decided to give me an intravenous dose of this drug. It had to be explained to us that they had to think of both mommy and embryo when they made the decision - emphasis on "both," euphemism for "you may give birth to ground pork but at least you're alive." Sorry, I tend to rely on my dark sense of humor to make things light.

Opsling survived three seizure episodes. This is him/her today at 13 weeks. Still hanging on, residential components intact, and with a stable heart rate. I humbly ask that you include Opsling in your prayers and/or meditation. Please send strength, courage, and healing miracles his/her way. Thank you!

P.S. And to our whole family too.


Saturday, July 28, 2018

Nakakabaliw na pagnanasa sa Jolly Spaghetti

May Jolly Spaghetti sa bahay namin kahapon pero hindi nila ako binigyan. Hindi maalis sa isip ko ang kalungkutan na ito na dulot ng pagkain. Kaya kaninang mga alas tres ng madaling araw, sinuong ko ang malakas na ulan para rito ---

























Yes, akin lahat yan. Dalawa't kalahating order ng spaghetti, isang cheeseburger, at saka isang pirasong manok na barkada nung isang spaghetti.

Hindi naman ganito karami ang dapat na bibilhin ko kaso naisip ko, susugod na rin lang ako sa ulan, e di sagarin ko na.

Grabe guysh, ang sarap. Nangilid ang luha ko sa una, pangalawa, pangatlo... actually sa lahat ng subo.

O, yung mga may issue sa fast food diyan. Ang advice ko sa inyo, kung ayaw niyo kumain ng ganitong klaseng pagkain, e di huwag. Pero huwag na kayong mandamay ng iba. 
















Thursday, July 26, 2018

Week #08

This is Opsling now according to BabyCenter.

Other websites say that at 8 weeks, the baby is as big as a raspberry. So you will see my phone's wallpaper of the week below. Don't anyone say: "you're having that many babies?"

As for me... The past few days were days of me just wanting to sleep the day away, to sleep some more at night.

  • Pregnant Metaphor: I'm still a walking fart and pee machine
  • Dominant Feeling: Always tired, always sleepy. So weak, my thought bubble during my walks to and from work has consistently been "am I there yet? am I there yet? am I there yet? am I there yet? am I there yet?"
  • Crazy Smells I smelled: Dog and cat poop inside the bedroom. We don't have any pets.
  • (Fulfilled) Intense food craving/s: craved luncheon meat (MaLing FTW!), triggered by EDV saying they're having Ma-Ling for breakfast; also... danggit
  • (Unfulfilled) Intense food cravings: Filipino-style Chicken Macaroni Salad, Tinolang Tahong, Fish Bistek
  • Number of people I screamed at: One adult, Two kids



Sunday, July 22, 2018

146 Beats Per Minute


One of the most difficult phases of pregnancy for me is the two-week (not the other two-week wait when you're trying to find out if you are pregnant) wait for The precious heartbeat. And for this, I really have no one else to blame but my low to non-existent EQ. Atat kasi ako. In all my pregnancies, I'd find out, I'd tell the hubby, we'd go to the OB, we'd go in for the first ultrasound, we'd see no baby. Gestational sac pa lang kasi maaga pa. This will be followed by two weeks of anxiety for me. For this pregnancy, binalakubak ako towards the end of the two-week wait.

The thing is, you cannot unhear sad stories. I've heard other moms talk about blighted ovum, I've seen some of them up close, in tears. I've read, watched, listened to, one too many fertility journeys. I've lost a niece (or a nephew) to this cruel concept of false pregnancy. Some wounds are not personally yours, yet you bleed every single time you think about the wounded.

Wherever you are in your baby journey, I wish you all the best. I sincerely look forward to seeing you one day in mommy groups, being an annoying know-it-all and judgy mom to all of us who can't quit decaf while we're pregnant. I will not bite your head off, I promise I won't. Because I made a wish for us to be connected in this cool 'hood.

I wish you could send love and light my way too. For Opsling. Who now has a heartbeat. 💓




Wednesday, July 18, 2018

Where can you get a reliable and affordable baby ultrasound done in Makati?

I was Google-ing like crazy but couldn't find any recent nor decent content. Yes, yung blog post title ang search words ko, may reklamo?

Hope this helps kahit dalawa lang. Tawag na lang kayo kung ibang type of ultrasound ang hanap niyo. Hindi ko naman ito full time job 'no, bubuuin ko ba ang listahan? Biro lang. Update ko pa itong list kung may malaman pa akong iba.

Fortmed Makati, 3/F
Address: 239 N Garcia St, Makati, 1209 Metro Manila
Phone Number: 897 9111

  • Transvaginal Ultrasound - Pregnancy Confirmation | Cost: Php 2,000


Makati Medical Center, Delivery Room Ultrasound 
Phone Number: 888 8999 ext 3502

  • Transvaginal Ultrasound - Pregnancy Confirmation | Cost: Php 2,355
  • Congenital Anomaly Scan (20th-24th Week) | Cost: Php 3,160
  • 3D Ultrasound (28th-32nd Week) | Cost: Php 3,985
  • 4d Ultrasound (28th-32nd Week) | Cost: Php 5,105



Saturday, June 30, 2018

8th Stick

If you must know, yung last post ko from October 2017 ay tungkol sa career. Shogod na shogod na ang lola niyo sa kakakembot at tumbling sa trabaho (na apparently ay pang 2.5 katao matapos mag-analyze ng mga kinauukulan). But no, no, no, ibang level makinig minsan ang langit.

Ang binigay sa akin - sa amin - ay mas mainam pa nang ilang milyong beses sa career.

Binigay na sa amin si Opsling.

Ibang level ang kulo ng dugo ko sa pregnancy na ito. Gaya nito, pang-walong pregnancy test kit ito mga 'teh.

Kuwento na lang ako ulit next time. Naji-jingle bells na naman ako.

P.S. Nabalitaan ko lang sa ibang mommies sa work. May mga pregnancy test kit sa Ministop. Confeermed na meron dito. Katabi po sila ng mga condom, siguro bilang fair warning sa mga makati... Makati residents.