Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, January 22, 2017

Decisions, Decisions, Lagi na lang!

Sa bawat segundo ng buhay ko, lagi na lang akong kailangang gumawa ng desisyon. I'm sure kayo rin naman. Ang kaibahan lang natin, blog ko ito kaya ako ang nagkukuwento. And you will read on and on and on because I said so. Harhar! Peace tayo, biro lang. Basahin mo please. I write for the betterment of my self esteem and this is all that I have. Maawa ka na, wag mo akong iwan. Charot!

Hemingways, nagdesisyon akong mag-me time sa newest favorite spot ko kanina. Pampabawas negatrons sa sistema, pang-refresh, pampakalma, pang-renew ng faith sa kabutihan at sangkatauhan. Pero kailangan ko na umuwi at mag-impake dahil maaga ang biyahe bukas para sa isang work-related, offsite, three-day event. E umulan. Ayan, sinasabi ko na nga bang hindi dapat mawalay sa akin ang higanteng knapsack ko e. Wala tuloy akong payong. Kasalanan ko kasi pinanaig ko ang kapekpekan kanina para magmukhang presentable. Ang dala ko tuloy na bag ay isang maliit na woman human bag. Seriously ladies, how do you survive?

So ito ang itsura ng utak ko habang nagmumuni-muni. Director's cut ang flow na ito, hindi ako nage-edit. Hindi ko pa alam sa paragraph na ito kung ano ang gagawin ko.

-Kailangan ko na umuwi pero hindi puwedeng mabasa ang bago kong sapatos na compliant
sa dress code ng conference. Ay, thank you pala sa boss ko na pinagtiyagaan akong i-coach sa definition ng resort chic.

-Puwede kong iplastic ang paa ko at maglakad sa ulan pero wala akong payong, mababasa ang mga gamit ko. Kaso, san naman ako kukuha ng plastic bags sa ganitong oras?

-Puwede ako bumili ng payong pero kulang ang pera ko. May ATM across the street pero basa na rin ako bago pa makarating. Bakit pa ako gagastos ng P200?

-Puwede ako magpasundo kay Sir_Ko pero may sakit siya. Hindi siya puwedeng maulanan at malamigan.

-"Heto akoooo, basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang makakapitan."

-Dito na lang ako. Mauubos din naman ang ulan. Babae nga, natutuyo. Langit pa. Langit lang yan!

-Joke lang Baby Jeezas. I didn't mean to insult your home. Pero ano nga kayang depresyon ang pagdadaanan ko pag natuyo na ako at nag-menopause? Think positive! Sisikat na ako gaya ni Madonna by then. Makakasulat din ako ng libro.

-Pero paano nga ako uuwi?

-Dapat talaga meron akong kotse. Yung kulay violet. Eh san naman ako kukuha ng pambili?

-Bakit ba ako nagtatrabaho kung di ako makabili ng payong at kotse.

-Sabagay ayus lang. Di naman ako marunong mag-drive. I have a strong feeling, hindi ako matututo niyan.

-"Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan."

-Masarap siguro kumain ng Andok's habang naliligo sa ulan. Yung hindi chopped, yung buong manok ang hawak ko tapos lakad lang ako nang lakad. Kaso acid rain na ang ulan ngayon, baka ikamatay ko pag humalo ang ulan sa manok na binabanatan ko.

-Kailan kaya ako mamamatay? Erase, erase, di puwede yan!

-Ayoko na isipin. Dito na lang ako.

-Ultimatum. Pag 2am na at umuulan pa rin, susugurin ko na. Basa kung basa!

-Pero sayang talaga ang P300 na pinambili ng sapatos. Kulay red pa naman.



No comments :

Post a Comment

Yum-ment!