5th anniversary ng blog ko kahapon. Hindi man lang ako nakapagpa-party sa 12 readers ko. Sorry naman.
Miss na miss ko na magsulat dito. Kaya lang ang dami-daming ganap, hindi ko tuloy maharap ang pagfi-feeling yummyliciouslady. Buti na lang at malakas ang ulan, hindi pa ako makauwi. Makakapuslit ako ng isang post.
Sinuwerte ako nang bonggang bongga. May bago akong trabaho, boss, team mates, opisina at schedule. May bago rin akong laptop (si Ate V, for victory and very good luck) at mumurahing telepono (si Tukyaw, kasi nabili for less than two kiyawsand). May paparating na bagong telepono pero sa dahil simply amazing ang bagal ng SMART sa lahat ng bagay, baka matagal pa yun dumating. So sa mga nakakaalam ng dati kong number, huwag niyo ako hanapin ron. Sabagay, wala na rin ako sa Fezbuk so malamang wala na ring makakaalala. Wekwekwek.
Estudyante ako ngayon. Maraming inaaral. Kasama sa learning agenda yung kung paano magmukhang disente at mabuting tao. Bale araw-araw na akong nagpupulbos, naglalagay ng sinampal-effect sa pisngi and... Wait for it... Nagli-lipstick. Maganda naman ang progress report. Nakakalimutan ko lang laging mag-retouch kaya madalas pakalat-kalat pa rin ako na oily. Saka pala madalas na rin ulit akong mag-english.
Health naman. Eh di ayun. Improving Ang hyperthyroidism ko kaya aim higher na ulit ang timbang ko. Konting panahon pa at magkakaron na ng sariling zip code ang aking double chin.
Family? Ay, no comment. I'm a private person. Tsareeeng! Basta masaya yung umuuwi na kumpleto sila.
And love. Hindi for the country, bakit ko naman isasama ang ganung update. Hindi naman ako kakandidato. Yung love na romantic ang tinutukoy ko. Yung gaya kanina na nakita ko si Sir_Ko sa sakayan ng jeep at para akong may UTI sa kilig. Ganern. So that sums up the love update. As it was in the beginning, now and ever shall be, world without end, since year 1997, siya pa rin ang gusto kong kinakalantari (hindi yan mahalay).
Quarter 3, 2016. Yummy beginnings and constants renewed. Thank you for listening to my stories. Kapit lang, 12 readers. Mas magiging makulay sigurado ang mga kuwento pagpalo ko ng menopause.
Thursday, August 11, 2016
Kumusta Naman? 5 Years!
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Marian and Dingdong updates flist! Charaught!
ReplyDelete