Nuffnang

Thursday, June 16, 2016

First Phone Conversation With TNLO

TNLO (The New Little One) turned 2 last April. Sobrang daldal ng batang ito (puwera usog, sabi nga ng mga mas matatanda sa amin). In Q2 of this year, he started stringing two/three-word sentences (syet, very therapist speak). Parang may maliit na matanda kaming kasama. Laging may comment. Ang tawag ko sa kanya "dulo-dulo boy" kasi paborito niyang manggaya ng dulo ng lahat ng maririnig niya.

Madalas na kaming "nag-uusap" ni TNLO sa telepono pero one-way lang ang vocals. Siya, tatangu-tango lang sa kabilang linya. Kaya gulat na gulat ako nung Lunes. May sumasagot na sa akin. Ito ang aming nakakakilig na usapan.
TNLO: Elow?
Ako: Anong gawa mo?
TNLO: Dito lang ako.
Ako: Si Popot nasan.
TNLO: Dun upo. Popot, maya na lang! (pinapagalitan ang Ate TLO niya kasi nangungulit)
Ako: Si Dadda nasan?
TNLO: Luto.
Ako: Anong gagawin mo pagkatapos mo kumain?
TNLO: Dede.
Ako: Tapos?
TNLO: Toothbrush.
Ako: Tapos?
TNLO: Tulog lang.
Tapos binitawan na ang telepono. Sabi ng Ate J niya, "uy usap pa raw kayo ni mommy mo."

TNLO: Ikaw na lang.
(ayaw na akong kausapin, si Ate J na lang daw makipag-usap sa akin)

Ang brusko diba? Medyo nasosobrahan ako sa kilig sa batang ito pero kailangan na namin siyang turuan gumamit ng "opo" at "ate/kuya" at huwag ituro ang mga guard para sabihing "guard ka!" nang paulit-ulit.

Three different images found online, digital magic is mine.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!