Nuffnang

Friday, May 20, 2016

Only 5 Billion Views Away From Being A Blogger Millionaire

Hindi ko pinagkakakitaan ang blog na ito (dahil siguro hindi ako marunong). Pero bilang katuwaan, nag-sign up ako sa Nuffnang almost two years ago. Dahil wala naman akong effort to optimize at dahil ang priority ko ay mag-dramatize lang naman ng lahat ng nangyayari sa akin, hindi ko madalas silipin ang aking Nuffnang account. Kaya kagabi, laking gulat ko nung makita kong kumita na pala ako ng tumataginting na sampung piso! Bigyan ng straitjacket yan!!!!



So ito ang aking kakarag-karag na Math. With a little over 50K views, kumita ako ng sampung piso, ibig sabihin, para kumita ako ng isang milyon, kelangan ko ng 5 Billion views. Chicken na chicken yan. Chicken shit.

O eto pa, sa 10,080 views per year (hindi yan magbabago), kailangan ko ng 490,196 years para maabot ang 5B views. Eh punyemas, nakakapag-claim ba ng tseke ang fossil? Neknek. Sige, Nuffnang, paki-issue na ng tseke ko please. Post-dated to year 492,212. Kita-kita tayo kung may earth pa.









No comments :

Post a Comment

Yum-ment!