Nuffnang

Wednesday, May 04, 2016

Halalan Na, Hangalan Na!!!

Halos tatlong buwan na pala akong walang post. Siguro lungkot na lungkot na ang walong readers ko. Haha! Tumataginting siguro (siguro lang) na mga late post ang mga susunod. Sana!!!

Meanwhile, eleksyon na very very very soon. Todo ang basagan sa social media, parang lahat kamag-anak ng kandidato. Hindi ako makapaglagay ng political posts sa FB ko (yes, bumalik ako at saka na ang paliwanag) kasi mahirap na... baka machismis at mahatulan pa nang kung anu-ano.

Pero sa lahat ng nababasa ko, ito lang ang masasabi ko. Ang dapat na pamagat ng eleksyon na ito ay...

A Second Chance
Popoy and Bashing






































A Second Chance kasi...

  • Mar - second chance ng administrasyon (actually, infinite chances na yan)
  • Miriam - second chance talaga kung mawawala ang cancer
  • Duterte - second chance ng... Erap administration
  • Poe - second chance... sa citizenship at posthumous award ni FPJ pa kung manalo
  • Binay - a second chance, at robbery

Popoy, kasi kung alam niyo yung 80's na ibig sabihin ng salitang "popoy" e alam niyo na rin na pinopopoy lang nilang lahat ang ating sensibilities.

And Bashing. Because... well kung hindi ka nakatira sa kuweba, alam mo naman ang nangyayari. Naga-asal barbaro ang mga tao. Para sa one big, six-year, popoy ng paborito nilang kandidato.

Hindi pa panahon para ireveal ko kung sino ang iboboto ko. As if you care. Pero kasi, hindi ko rin ma-reveal dahil ang desisyon ko ay base lang sa "lesser evil." Nakakahiya. Sa totoo, gusto kong iblangko na lang ang presidente. Kaso, innovative ang mga mandaraya. Baka lagyan ng pangalan ng iba. Pero pag dinalaw ako ng prinsipyo, baka pangalan niya (see below) ang isulat ko.

Belat kayong lahat ha, ito ang bilat para sa inyo. Para sa ekonomiya at sexual healing.




















Halalan Na. Hangalan Na.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!