Nuffnang

Tuesday, March 05, 2013

Best Poetry Reading

Kung magkakilala tayo, siguro alam mo na si TLO (The Little One) ay hindi pa nakakapagsalita hanggang ngayon.It's exactly one month before her 4th birthday pero hindi pa sinasauli ni Ursula ang maganda niyang boses.

Pero maingay na siya. Kung anu-anong ingay ang ginagawa niya, hindi ko maintindihan kung bakit di pa niya itodo. Kagaya kanina. Nagkukunwari akong tulog at dinig na dinig ko na nagro-roleplay siya. "Binabasa" niya ang Green Eggs and Ham, nililipat-lipat ang pages, at kahit puro "ah" ang tunog na gamit niya, kopyang kopya niya ang tono kung paano namin binabasa ang mga linya. Yun nga lang, nung nakita niya akong nanonood, tumigil sa pagbabasa. Ayaw na. Naipapamana ba ang stage fright?





























Ang dami na naming naimbentong posibleng ibig sabihin ng Green Eggs and Ham. Ngayon ko lang naisip na para sa aming bulilit, ito ay tungkol sa pagsasalita. Haha! Ayaw lang niya ngayon, pero konting kulit pa. Susubukan niya rin.

Fingers crossed.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!