Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, January 27, 2013

Ella The Palawan Bearcat

Hindi kamag-anak ng bearcat ang bearbrand. Nye.

Hindi ko alam kung ilang pamilya sa Palawan ang may alagang bearcat. Pero kung pwede mag-alaga nito sa Maynila, kukuha ako ng isa. Tingnan natin kung hindi tumiklop lahat ng pusa sa barangay. Ang laking miming nito.


Itong si Ella ang sikat na sikat na superstar sa Palawan Wildlife Rescue and Consevation Center (dati raw mas kilala bilang Crocodile Farm). Pati sa TripAdvsior may page siya. 

Domesticated at may social skills, sarap kalaro



Natatakam sa braso ko.

Curious ako kung may lalake para sa kanya sa park. Feeling ko wala, kasi panay ang bukaka ni Ella sa lahat ng bisita. Parang hirap na hirap na nga. Kaya siguro matigas ang fur. Parang steel wool.

Oo nga, babae siya.



Tuesday, January 22, 2013

REAL and ALL NATURAL Food Porn

Everyone was titillated and shocked. Nobody set this up... Our tour guide prepared lunch though... Could it be her powerful repressed thoughts? :D Fish and banana action.
























01/19/13 Lunch in Pandan Island, Puerto Princesa Palawan

Saturday, January 12, 2013

Papel!

Napakasayang regalo.

Friday, January 11, 2013

Para kanino ka bumabangon?

Sabi yan sa isang madamdaming TV commercial. Madamdamin din ang mga sagot. Pero sa totoo, dahil di naman nakakabusog ang pag-ibig, ligaya, prinsipyo, pangarap at kung anu-ano pang di nahahawakan ng kamay, ang mga obrerong gaya natin ay bumabangon para rito. Para ibigay sa mga higanteng negosyante. Araw araw silang bumabangon para sa atin,
guysh. Para kumubra. Sweet lang. Syet.

Ang ilang taong pinaghirapan, ganito lang ang itsura kapag sinalansan.

Binubusising maigi ng teller sa bangko. 
Baka kasi kulang. At saka kailangan pahirin 
ang pawis, luha at dugong kumapit sa papel.

Monday, January 07, 2013

Hindi ako makapaniwala

... na may pasok na ulit mamaya. Hindi pa ako tapos magbakasyon. Hindi pa. Hindi pa talaga. Pramis.

Dalawang linggo dapat ang bakasyon pero kami ni Gagamgirl ay nanakawan ng ilang araw dahil sa sakit. Hindi ba yan pwedeng excuse? May medical certificate, medical abstract at pekatyurs akong maibibigay.























Oh well, mangyayari naman talaga ito. So see you all tonight (as if may readers)!