Nuffnang

Pages - Menu

Friday, October 09, 2015

Umasal ng naaayon sa lugar

Masama ang paninigarilyo. Walang duda. Pero kung ayaw po nating mausukan, huwag po tayong tumambay sa SMOKING area. At huwag na huwag nating titingnan nang masama at kukunutan ng noo ang mga nananahimik na nagsusunog ng baga dahil para naman sa kanila ang smoking area diba?



Tuesday, October 06, 2015

Email Me Maybe

Hindi ko alam kung bakit naimbento ang email. Aralin ko pag meron akong panahon. Pero sa trabaho, alam ko kung bakit may email. Kasi hindi tayo sindikato. Hindi rin tayo palengke. At lalong hindi lang tayo magkapitbahay.

Kailangang nasusulat ang lahat ng galaw at desisyon. Yung mga meeting at usapan sa personal o telepono, nilalagay din nga ang summary sa email para maging official ang mga bagay. Walang ganun sa sindikato para walang ebidensiya. Sa panahong wala pang email, I think nilalagay yun sa papel. At sa panahong wala pang papel, wala pang kumpanya. Ang smart ko lang, naisip ko pa yun.

Napakaraming tips at guidelines sa nararapat na paraan ng pakikitungo gamit ang email medium. Nakakatuwa at nakakatawa kapag may sumasablay. Nakakatakot kapag may nagwawala sa email. Parang nasisiraan ng bait at nakahanap ng bagong laruan ang mga ganyang tao. At nakakabuwisit most of the time.

Sa ilang taong pagtatrabaho at paggamit ng email, may tatlo akong pet peeve.

Una, siyempre yung magaspang ang laman at tono. In summary, tarantado. Yung mga Bullshit Artist sa corporate environment, ito ang nagpapasikat sa kanila. Lalo kung walang pumapatol. Ang variation nito yung mga taong ang husay sa email pero hindi naman nagtatrabaho sa totoong buhay - management by email ang tawag ko rito at may variation na rin ito na management by Facebook. Kay huhusay mag-post ng happy happy-joy-joy-I-love-my-job-and-my-employees pero nganga sa trabaho.

Pangalawa, yung hindi nagbabasa ng email tapos hindi makakasagot (at ikaw pa rin ang may kasalanan) o kaya uubusin ang oras mo kakapaliwanag at kakaisip ng maayos na paraan para sabihing, scroll down naman diyan. Yung una, uso yan sa mga matataas na tao. Kaya kailangan magpa-meeting lagi kasi hindi nagbabasa. May boss ako dati na lagi akong pinapaalalahanan na pagkasend ng email ay puntahan ko ang mga tao na kailangang sumagot kasi hindi sila nagbabasa ng email. Dahil gago rin ako at bata pa noon, binibiro ko siya lagi. Sabi ko, kung ganun pala baka dapat wala na lang silang email account. Sayang lang ang pera na ginagastos ng kumpanya sa maintenance at storage allocation ng mailbox nila.

Pangatlo, yung mga taong ayaw mag-email. Tinatrato ka na parang corrupt government employee, dadaanin sa under the table. Napansin ko na may mga ganitong tao rin dahil gusto nila bulyawan ka muna sa totoong buhay para walang ebidensya tapos kapag nag-orgasm na sila sa kanilang (evil) need to feel powerful ay saka ilalagay sa email ang gusto nilang mangyari. Hinahayaan lang mapagod ang ganitong mga tao, titigil din naman sila at mamamatay balang araw kaya hayaan na lang. Lahat tayo mamamatay balang araw kaya hayaan niyo lang din ako mag-post sa blog ko. At saka may mga ayaw din pala mag-email kasi lagi silang nagtatae. Dapat lahat now na, now na, now naaaa! Ayaw nila sa email queue ang request nila. Kung puwede lang kumandong sa iyo, kakandong talaga sila para unahin mo ang kailangan nila kasi sila ang mundo.

Sa tingin ko, hindi ko naman ito magiging mga pet peeve kung pinanganak ako at nagtrabaho na wala pang email. Nasanay lang talaga siguro ako. Pero salamat pa rin dahil nandito ako ngayon. Mababaliw siguro ako kapag lahat ng kailangang gawin e ilalapit sa iyo, live no satellite. Imagine, 1980s in Makati. Susmaryosep. Kaya siguro puwede pa magyosi noon sa mga opisina. Burat na burat lang ang mga tao sa walang humpay na chika.


Friday, September 25, 2015

Panata



Ganiyan ka-severe ang aking problema. Wala pa akong napagtagumpayan na paraan, maski isa. May iniiwasan akong gawin kasi mahirap saka sabi kung titigil ka sa adiksyon, dapat walang ibang dahilan kung hindi ikaw. Baka kapag inalay ko para sa panalangin e gumana.

Panata. Nung bata raw ako ay sobra akong sakitin. Hikaing payatot. Yan ako. Wala na ang signs niyan sa akin. Magaling mamanata ang mga magulang ko. Inalay daw nila ako sa Black Nazarene sa Quiapo. Isinisimba pa nila ako ron na naka-Nazareno costume. Wagi ako ron with my naturally African American curls. Hanggang ngayon pa nga para pa rin akong apo ni Bob Marley.

Kaya sige eto na. Susubukan ko talaga. Para sa mga dalangin ko para sa mga bata.


Tuesday, September 22, 2015

SABA_ _ _ _

 Ito ang ulam namin noong linggo ng gabi. Iginisa ko lang sa bawang at sibuyas, piyesta na. Pinagbabayaran nga lang namin ngayon ang sandaling ligaya. Iba ang amoy ng adobong pusit na nangunyapit sa dingding. Martes na, nadatnan ko pa rin ang aming bahay-kubo-kahit-munti na amoy basura. SABA. Sa basura. Uulit pa? Siyempre! Kahit mabaho, masarap. Parang ako lang yan kapag hindi nakakaligo. Tanong niyo pa kay Sir_Ko.


From GrabYourFork.blogspot.com


Monday, September 21, 2015

Korean Pork. So Baboy.

I don't want this to be a racist post pero medyo mahirap yata ma-accomplish yan sa tema ng isusulat ko. Sabihin na lang natin na hindi naman siguro lahat sila ganito ano? Siguro itong mga ganitong asal ay bunga pa rin ng formative years at free will ng tao. I hope so. I don't mean to generalize, but I need more reasons to believe that these are abnormalities in their gene pool. Sana, sana naman.

Anyways, kagabi ay nagrereklamo kay Sir_Ko ang isang kapitbahay. Yun daw korean na lalake na nakasabay nila sa elevator ay sumingit sa pila sa grocery. Inunahan daw siya. Walang habas. At napansin niya raw na madalas iyon ginagawa ng mga ganoong kulay at amoy ng tao (helow, kimchi!).

Hindi ko alam iyon about this Koreanovela people. Hanggang kaninang mga 10AM. Very fresh. Nasa 711 ako at tahimik na naghihintay para sa aking Hottarice. It happened to me too. Isang kuya ang bigla na lang lumitaw sa harap ko. Hindi ako prepared. Ni hindi nga ako nakapagreklamo. State of shock. Syet, totoo pala. Totoo pala na medyo hobby nila ang sumingit sa pila. Ang hindi ko matanggap, e punyeta, halos wala namang pila! Pangalawa nga lang ako sa naghihintay at sa likod ko ay pawang kawalan. Ang Pinoy minsan sikat din na sumisingit... kung mahaba ang pila. Pero ito? Hindi ko talaga gets. As in. Hindi naman siya mukhang nagmamadali, kalmadong kalmado pa nga siya e. Hindi rin siya mukhang tinatawag ng kalikasan (alam ko ang itsura nun, member ako ng club na iyon sometimes).

Bago ito, ang alam ko lang, ang tawag ko kanila ay mga Incredible Hulk. Da Hulk. Duh Hawk. D-A-H-A-K. Kuha mo? Grabe kasi silang magrolyo ng plema dun sa yosi area sa building namin. Tapos may mutant powers sila. Bilog na bilog yung plema nila pag nalaglag sa kahit saan nila gustong ilaglag. Ang dami-daming dura sa Lung Center (yun ang tawag sa yosi area). Mahihiya sa kanila ang mga ibon na paminsan-minsan ay naglalaglag naman ng ipot dun. Hindi ko rin maintindihan e. Bakit ba sila dura nang dura e wala naman silang ubo? Sila at ang mga pinsan nilang nanga-angkin ng Spratlys.

Nagbaba na ng batas ang building against spitting in public earlier this year pero wala namang nahuhuli. Wala naman kasi talagang Phlegm Police na nakakalat. Ang sarap isipin na sana meron tapos ikukulong ang mga arestadong violators sa isang maliit na kuwarto na pang-limang tao lang (pero sky is the limit sa bilang ng ikukulong). Kapag napuno iyon, tingnan natin ang ligayang makakamtan nila kapag naliligo na sila sa plema ng isa't isa.

Hay naku. Yun lang naman. Tolerant akong tao. Mapansinin lang pero tolerant. Hindi ako nagagalit kapag naka-strappy high heel sandals with white stockings ang mga babaeng ito kahit nasa Boracay o Puerto Galera. Ok lang iyon. Hindi ako nagwawala kapag nakakasakay ako sa elevator ng kalahi nila na naka-topless at boxer shorts. Pupunta naman sa pool area, gets ko na iyon. Hindi rin ako nagrereklamo sa kimchi scent, alam ko naman kasi na sumisingaw ang kinakain ng tao sa katawan kahit hindi ipaligo. Ako siguro may mga araw na amoy pork steak ng 711.

Dalawa lang ang hiling ko. Ok, demands. Una, huwag akong singitan sa pila. At pangalawa, huwag lang makalapit-lapit sa akin yang kinanginang dura na iyan at maghahalo ang kimchi sa tinalupan.

Ok, happy work week guysh!

*Dura disgust inspired by I.M.*