Nuffnang

Pages - Menu

Showing posts with label Frends. Show all posts
Showing posts with label Frends. Show all posts

Monday, December 26, 2016

Pleasure is yours, always.

This yuletide season, may you find joy in life's simplest pleasures. Do everything within your capabilities and capacity to find out what gives you pleasure. In moments that you find your heart's purest desires, pursue them relentlessly. You don't have to rely on anyone. You are your own pleasure machine.

Speaking of pleasure. This is us (me, BF and MP), trying to decode the pleasure points in this scene from our best "Friends." Seven zones are mentioned but recent studies indicate... twelve. How fun is that?

Have a pleasurable rest of the year and in all years to come!






Wednesday, December 21, 2016

Bugbugan sa Vogue


Ito yung classic na music video ng Vogue. Parang walang kahirap hirap si Lola sa mga galawan niya dito pero kung Madonna fan ka, alam mong there is no such thing as maskipaps (maski papano) steps sa Lola natin. Bawat hakbang may bilang, bawat kampay ng kamay, parang magic. Itong si Madonna, ang mga kamay at paa niya ang tunay na PRECISION TOOLS. Ayaw maniwala? Tingnan ang sumunod na video. It's 30 minutes of OMG.

Salamat kay Masikip na nakahanap ng outtakes.



Napagod ako rito.

Tuesday, December 20, 2016

Welcome to our 2016 Baranggayan Christmas Party!

Ang paborito kong Christmas Party since 2014 ay ang aming napaka-espesyal na "Baranggayan" version. Hindi ko na maalala kung paanong yung pangalan ng Viber Group namin ay naging "Baranggayan" pero sigurado ako na may kinalaman yun sa pagka-war freak ng mga tao sa grupo. Grabe ang murahan at awayan sa chat group namin, sure kami na madalas naming mapaiyak si Mama Mary.

Noong unang dalawang taon, pang-tradisyunal na Pinoy noche buena ang mga handa namin. Pero ngayong taon, may mga cravings ang mga dominant force sa grupo. Dominant force being the beklas. Yes, mga bakla. Sa relasyon namin na maraming taon na rin naman ang pinagdaanan, ito ang solidong batas: laging bakla ang nasusunod. So sabi ng dalawa...

E ano pa bang magagawa kundi ibigay ang hilig. Umabot pa kami sa talipapa ng Carmona para maghagilap ng tinapang tamban at galunggong. Nagtanong din pala kami kung saan may tindang mga kuwitis na pang-fireworks display kasi may pinagdiriwang kaming career milestone ng isa sa amin (secret pa muna kung ano yan). Kaso, negative. Nalungkot ako ng slight.

Image Source: http://carmonagov.net/mhome/images/CarmonaPubllicMarket.jpg
So, nung mairaos ang tinapa, ayus na ang lahat. Ito ang kinalabasan ng aming Christmas spread.


Nagkataon, ang ulam nila Luz Klarita nung araw na iyon ay munggo. So pak na pak sa eksena, pasok na pasok sa banga, kaldero, plangganita, planggana at lahat ng sisidlan. Ito ang Christmas spread kasama ang munggo.


Swak na swak ang description ni Dory sa aming handa. Sabi niya nga sa Facebook:

In the spirit of Christmas this month, and the Lenten Season in April, please see the fulfillment of our collective cravings below:
- Christmas Ham (fried and unfried; mayaman slices)- Ginisang Munggo- Elusive Tinapang Tamban and Galunggong- Itlog na pula with Kamatis and Sibuyas - Quezo de Bola- Kanin (siempre) - Ice Cream (not in the picture)- ...'s Cream-Cheese-Yoghurt-Garlic Dip - ...'s Blueberry Cheese Cake (not yet in the picture, too) - Coke#ChristmasYearThree #PeopleSupport #PeopleCulture

Nung unang taon naming mag-Christmas Party, si Gabby, ang napaka-kyut na inggleserong little boy ni Luz Klarita ang nag-lead ng prayer before meal. Nuong ikalawang taon, si Dory naman. Siya kasi ang pambansang mandarasal ng grupo. Pero note na hindi ibig sabihin nun ay mabait siya (biro lang, Dory!). This year, si Pussy ang leader. Maganda naman ang pagdarasal niya. Very sincere at mula talaga sa puso. Nalito lang kaming lahat pagkatapos kung talaga bang tapos na kami magdasal. Kasi biglang tanong siya ng "Ganun ba magdasal?"

Marami pa akong kuwento sa mga naganap. Kaso hindi ko naman ito full-time job, saka na lang ang iba pang detalye. Ang punto lang naman ng lahat ng gusto kong sabihin ay iisa. Masayang, masayang, masaya ako kapag kasama ko sila. Sana kahit 85 years old na kami, meron pa ring Baranggayan Christmas Party.



Friday, December 16, 2016

Feelingerang Froglet

Nangyari na ang kinatatakutan ko. Meron na yatang may gusto sa akin sa trabaho. Prinsesa raw ako o. Chareng. Maraming salamat kay Anonymous for my gift na ang lakas maka-puberty. Lipistik pala akala ko crayons.






Monday, July 25, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 2

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Nandito ang Part 1....

===

"Punyeta, Dindin. Kanina pa kita inaantay. Nagka-varicose veins na ang mga tahong sa tinola sa tagal mo. San ka ba nagsuot na bata ka?"

"Sorry, 'tay. Trapik po kasi."

"Paano kang natrapik e naglalakad ka lang?"

"Ay oo nga pala. Napatagal kami sa paga-ani tay. Ang dami kasing janitor fish ngayon. Mahirap mag-ani ng tahong kapag maraming nakaharang na janitor fish."

"Aba bakit? Kasinglaki mo ba yang mga janitor fish na yan at hindi ka makakakilos pag nandyan na sila? Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pa-andar mo Dindin."

"Tay, nagda-drugs ka na rin ba? Tama na ang sugal. Hinay hinay lang sa bisyo please. Hindi po malaki ang mga janitor fish pero ang dami dami damiii po nila. As in. Parang mas marami pa sila sa tubig ngayon. Sabi nga ni Mang Bestre, baka raw sinasabutahe sila ng malalaking korporasyon ng tahong. Hindi naman daw ganyan dati, hindi umaabot sa atin ang mga janitor fish ng ilog Pasig at Marikina."

"Baka may passport na sila kaya umaabot na sa atin."

"Huwaw naman, sugarol ka na nga kumedyante ka pa. Angshoshyal ng tatay ko!"

"Puro ka kalokohan. Maghain ka na at kumain na tayo."

Inilagay ni Dindin ang supot ng pasalubong niyang tahong para kay Mang Dondon sa ilalim ng lababo. Nasulyapan niya na kumikinang ang talong na bigay ng misteryosang matanda. Binulungan niya ang talong. "Diyan ka lang muna ha, mamya pag wala na si tatay, subukan natin yung sinasabi ni lola kanina."

"Ok, wait lang me sa 'yo."

Nabitawan ni Dindin ang isang pinggang mainit na NFA kanin. "Amputanginang talong nagsasalita!!!"

"Dindin! Anubayan! Sayang ang kanin! Pulutin mo habang wala pang five minutes. Dali!"

Nagmamadaling pinulot ni Dindin ang natapong kanin. Minsan, nalilito siya sa kung puwede ba talaga sa kanila ang five minute rule e wala naman silang sahig. Kada may natatapon, humahalo sa lupa at putik. Pero malaki ang tiwala niya sa tatay niya. Naniniwala siya sa five-minute rule na pauso nito mula noong maliit pa siya. Pero mas nalilito siya sa mga nangyari ngayon. Nagsasalita nga ba ang talong o marami lang siyang nainom na maruming tubig kanina habang umaani ng tahong?

"Yes, nagsasalita me."

Napailing si Dindin. Tahimik siyang kumain kasabay ng tatay.

"O Dindin, bakit tahimik ka yata ngayon?"

"Tay, tingin mo ba may mga talong na nasobrahan sa fertilizer kaya nakakapagsalita?"

Natigilan si Mang Dondon. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ng nanay ni Dindin. Ang sabi, nangungusap daw ang talong ni Balong, ang kapitbahay nilang basurero. Sino raw ba siya para tumanggi. Ang alam ni Dindin ay sumakabilang buhay ang nanay niya at inagos ng matinding baha kaya di na niya nagisnan. Ang totoo, sumama kay Balong. Tinangay ni Balong ang asawa niya at hindi nanlaban. Nang dahil sa talong.

"Dindin, ang mga gulay ay hindi nagsasalita. Kaya nga pag na-comatose ang tao, sinasabi "gulay na" kasi hindi na nagsasalita at nakakakilos. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman po. Naisip ko lang." Sinilip ulit ni Dindin ang talong mula sa kinauupuan niya.

"Laging may exception to the rule. Ako iyon."

"Narinig mo yun tay?"

"Alin?"

"Yung nagsalita ngayon lang."

"Anak, mamya kung malambot ang dumi mo at parang nasusuka ka, sabihan mo ako. Baka na-red tide ka. Kung anu-ano yang naririnig mo. Pupunta tayo sa health center agad."

Tapos na silang kumain ay hindi pa rin matahimik si Dindin. Una, yung lolang nagte-twerk na nahimatay, naglaho. Ngayon naman, nagsasalita ang talong. Naisip niyang baka nga na-red tide siya. At kahit nami-miss niya ang tatay niya sa tuwing umaalis, sa unang pagkakataon, excited na siyang umalis ito para masubukan ang pinagagawa ng matanda.

"Dindin, aalis na ako. Mahaba haba ang session namin ngayong gabi. Hindi ako titigil hangga't hindi buo ang pambayad natin ng upa sa bahay. Magpahinga ka na agad. Uulitin ko, pag malambot ang dumi mo at nagsuka ka, puntahan mo ako agad para makatakbo tayo sa health center."

"Hindi po ba puwedeng itext na lang kita? Malayo rin iyong pasugalan e."

"Puwede naman kung pareho tayong may cellphone."

Itutuloy...

Tuesday, July 19, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 1

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Si Vilatra ay ang makabagong superhero ng mga malabong pangangailangan. Si Dindin siya sa tunay na buhay, ulila sa ina, at kaisa-isang anak ni Mang Dondon, kilalang sugarol sa Baranggay Tulyahan. Pinagsikapang palakihin ni Mang Dondon si Dindin sa sipag at tiyaga. Dugo at pawis ang puhunan niya sa tong-its para may maipakain sa anak. Kapag holiday sa sugalan, suma-sideline si Mang Dondon sa tahungan kaya kinalakihan na ni Vilatra ang hapag kainan na mas masagana pa ang tahong kaysa sa kanin. Paborito niya talaga ang tahong. May sabaw o wala, gustong gusto niya itong kainin.

Noong minsang papauwi si Dindin galing sa pag-aani ng tahong, nadaanan niya ang isang matandang babae na tinatapat ang tumbong sa mga nakaparadang bus. Kakaiba man ang trip ng matanda, wala ng nag-abalang sawayin siya kasi nandun ang Bayan ni Juan sa bus terminal nung mga oras na iyon. Mahaba na ang pila para sa "bring me game." Ang pinabibitbit nung araw na iyon ay stool sample sa garapon. Dapat daw maligamgam kasi kung hindi, disqualified ka. Buti naman may disiplina ang lahat. Natakot si Dindin na kung magkagulo ay maghahalo ang balat sa nataehan.

Nilapitan ni Dindin ang matanda at tinanong. "Anong ginagawa mo nay?" Simple ang nakuha niyang sagot. "Eh di nagte-twerk." Napakunot ang noo ni Dindin. Kinalkula niyang mabuti yung mga nakikita niya sa TV kumpara sa ginagawa nung lola. "May problema ba iha?"

"E nay, nakatuwad ka lang nang slight. Nakatapat lang ang puwet mo sa tambutso. Asan ang twerking diyan?"

"It's all in the mind. Pawis na pawis na nga ako sa isip ko o."

Bigla na lang nahimatay ang matanda. Natakot si Dindin. Para kasing tinatakasan na ng buhay ang matanda. Niyugyog niya nang niyugyog ang lola. "Nay! Nay! Nay!!!". Ginalugad ni Dindin ang dala niyang plastic bag. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya pero parang may ideya siya na dapat painumin ng tubig ang nahihimatay. Sumabog ang laman ng plastic bag sa lupa. Puro tahong. Binilisan ni Dindin ang pagiisip ng solusyon. Pumitas siya ng isang tahong, dinai-daiti ang daliri dun sa kuntil sa gitna. Ayun, patak ng tubig! Tinapat niya ang tahong sa bibig ng wala pa ring malay na matanda. Mga naka-sampung dinaliring tahong bago nahimasmasan ang matanda.

"Shit. Dapat talaga nag-zumba na lang ako, hindi pa malakas ang core ko para sa twerking."

"Ayos ka na ba nay? Grabe naman ang pag-twerk mo sa isip mo. Nahimatay ka tuloy."

Dumukot ang matanda ng isang malaking talong mula sa kanyang bra. "Dindin, napakubuti ng iyong kalooban. Ikaw ang karapat dapat na magmay-ari nito."

"Nay, tahong po ang paborito ko hindi talong. Aanhin ko po yan?"

"Isusubo mo ito. Kapag sumayad ang talong sa iyong lalamunan, mapapasaiyo ang kapangyarihan ng lahat ng kababaihan sa buong universe."

"Magiging Ms. Universe ako?"

"Huwag kang masyadong ano. May height requirement yun. Kabisaduhin mo itong dalawang salitang ito. Isigaw mo bago mo isubo ang talong."

Inabot ng matanda ang palara galing sa isang lumang kaha ng yosi kay Dindin. May nakasulat nga na parang lettering sa lumang bote ng San Miguel Beer.































"Nay, kapampangan ka pala. Anong ibig sabihin ng ENGKANAKEPUH?"

Nagulat si Dindin dahil wala na ang kausap niya.

Itutuloy pag may time...

*Nandito ang Part 2

Thursday, June 30, 2016

Christmas In Our Hearts, In June

Last night, Phleymz, my playful friend from work, made a special request. She said that we should listen to Christmas hits. How do you say no to one of your mommy-wife-employee-beauty-kindness idols? Plus, W. said it's June-ber anyway. So I called Frank and we had fun.


Wednesday, June 29, 2016

Say whut?

A dear friend asks me at 7am, on my 17th hour of being awake, if I believe that this world is just a "made up" place. I got hit by a ginormous tide of blended theories and isms, I only managed to ask if she just smoked a joint. And wondered if she is a product of my imagination too.

The mind is such a vulnerable force. Now I just want to sit still and consume, and be consumed by, everything that I'm seeing, feeling and hearing. The elusive Senses Buffet just opened and I would love to please start with bittersweet dessert. Please?

But you know the only thing that's real for me in this supposedly ungodly hour? Lunch will not cook itself. So let me put a tiny dot at the end of this sentence before I imagine that this day is done and it's time for bed.



Wednesday, June 15, 2016

How to get a FREE Spotify Premium Account

Sorry for the unnecessary palpitations I may have caused. I do have a tip but I doubt that it will work because this is totally beyond your control. Here it is: You need to be blessed to have someone who treats you like family, to the point that she will add you and your husband to her Spotify premium family plan. :D See, not easy. And don't even think about being "user-friendly" because that is just too low and cruel.

Well, I just needed a post to send belated thanks to dear Ms. A. Thank you!

















Monday, June 06, 2016

Chooks To Go

Noong bagong agent ako sa call center (at hindi nawala ever), nalulungkot ako ng slight kapag ang pakain sa sangkatauhan ay pizza. Laging pizza. Gusto ko Andok's saka kanin. Kapag walang Andok's may mga alternative na puwede na rin. Gaya ng Sr. Pedro saka Chooks To Go.

Alam ito ng mga kasama ko sa trabaho. Noong mga unang araw pagkatapos ng balitang ito, hindi ko kayang mag-kuwento pero halatang hatala na ako'y wasak. Dahil customary ang sabay na pagkain ng hapunan, nagpaliwanag ako na kailangan ko munang mapag-isa. Inunawa naman nila kahit excited na excited ang aming mother figure sa panlilibre ng Chooks. Tinirhan nila ako ng manok at binilugan ang dalawang simpleng salita sa balot ng litsong manok.

Masarap ang manok (may forever diyan) at nakakabusog. Pero itong statement na ito, mas nakakabusog ng kaluluwa.



Wednesday, June 01, 2016

The Rings

Mahilig ako sa mga eksenadorang singsing. As in. Kaya lang, hindi ako bumibili. Minsan kasi, walang lukso ng dugo sa mga designs kaya ayoko. O kaya, may lukso nga ng dugo kaso mahal. Kaya kagabi, nung tawagin ako ni AC sa office niya para maging recipient ng kanyang maagang Pamaskong Handog Program, halos maglulundag ako sa tuwa nung nakita ko ang mga ito. At... akin na raw L A H A T! Salamat (sabay pahid ng isang patak ng luha mula sa kanang mata).

Therefore, pagbigyan niyo na ang naganap na photo op with the rings. Ang saya saya!




















Arte arteng caption: If you love me, you will feel, smell and taste every word I say...





































 Arte arteng caption (continued): Even when my rings are too loud.





































Ganda no? Ang gustong mag-regalo pa sa akin ay hindi ko pipigilan. :)

Saturday, November 14, 2015

Introverting :D


Nainlab ako sa image na makikita niyo ng tatlong beses sa ibaba. Ang simple pero ang powerful. Naisip kong gamitin para sa pakyut na artwork na alay ko sa isang kaibigan. Hindi kasi madali ang buhay namin. Kung pwede lang gamitin ito na parang bag-wa na magtataboy ng mga taong walang pahalaga sa aming pagkatao. Ok hanggang diyan na lang ang puwedeng sabihin.




Thursday, September 03, 2015

Nasa dulo ng dila ko... at niya rin


Noong minsang hindi namin lahat maalala kung anong tawag sa trabahong iyon ay napa-Google ako. Ayan, para hindi na namin ulit malimutan. Ever.







































Image is from http://www.urbandictionary.com
More definitions here.
Also a movie.

Tuesday, August 04, 2015

Ang Aking Slanket

Nitong mga nakaraang linggo ay sobra ang lamig sa office. Matanda na ako at hindi na sapat ang bilbil ko na panlaban sa ginaw kaya nagpabili ako kay Sir ng mumu (mumurahin) na slanket. Medyo matagal ko na gusto magkaroon ng slanket, nagkaroon lang ako ng valid excuse ngayon kaya sinagad ko na. Of course, kailangang aminin na lalong nagkaroon ng special place sa puso ko ang slanket noong nagustuhan siya ng idol ko na si Liz Lemon.
















Siyempre masayang masaya ako nung nakuha ko na. Alam niyo na, great things come from small beginnings kasi. Kahit di ako mahilig sa selfie ay talagang nagpapicture ako sa kunsintidora kong boss. Sabi ko, sige na po please? Sabi niya, ok fine. Una nakatalikod muna. Click. Tawanan kasi mukha raw akong madre rito.





















Sa take 2, sabi ko gusto ko pang-halloween. Parang si Kamatayan o kaya si Voldemort na nakatalukbong. Na-excite ang boss ko. Sabi niya, sige dali daliii patayin natin ang ilaw! Click. Sa picture na ito ay nahintakutan kaming lahat. Pati ako. Paano kasi, hindi ko kamukha! Parang may elemento na pumatong sa mukha ko.


























Kaagad kong kinonsulta si Josie Pussy, ang resident paranormal consultant sa aming grupo. Siya yung binibigyan namin ng picture ng globo para hulaan kung kailan magugunaw ang mundo or tinatanong kung kapag binigyan namin siya ng picture ng pechay namin e malalaman niya kung magkakaroon kami ng cervical cancer. Kinulit ko nang kinulit si Josie na basahin ang picture para malaman kung may sumanib ba sa akin. Sila ang aking takbuhang Viber Group, connected sa aorta ng fatty heart ko ang mga taong ito. Inurat ko nang inurat si Josie hanggang napikon na yata.
"Unang una, bumili ka ng slanket. Pangalawa, sinuot mo sa office. Pangatlo, nagpa-picture ka kasi gusto mong mukha kang Voldemort. And nung successful ang Voldemort eklat mo, ikaw pa ang natakot. Ang masasabi ko lang, kung sinaniban ka man, you deserve it. Tangina ka."
May pahabol pa...
"If you don't freakin get rid of that slanket, ako ang papatay sayo."
Apparently, hindi niya bet ang trip kong slanket.
Josie:  So bihira ko lang ito sabihin, pero Dear, maganda ka. You're not doing yourself any justice by wearing a slanket. Get a jacket na lang please.
YummyliciousLady: Tatlo na lang tayong gising nila Orly. Threesome!
Josie:  Ayan, pumangit ka na ulit.
YummyliciousLady: Hahahaha! Ah gets ko na. Kaya pala di rin boto si Sir sa slanket ay dahil nakakahiya?
Josie: Ayan putangina mo naman pala e, sinabihan ka na nga ni Sir, di ka pa nakinig.
YummyliciousLady: But he didn't say that it's cause I'm pretty. Sabi lang niya ayaw niya for himself kasi magmumukha siyang tanga. Di naman niya sinabi na magmumukha akong tanga.
Josie: I guess he assumed you would make that link for yourself, dahil matalino ka naman.
Hay. I miss you, Josie Pussy. I miss you, Dory. I miss you, B1. I miss you, Xylene. I miss you, Mother D. I miss you guysh kahit hindi niyo naman binabasa ang blog ko. Dahil wala kayo rito sa piling ko, I need a slanket to keep me warm. Really, really, really, warm.

Sunday, January 26, 2014

Mga napag-usapan at napag-isipan isang gabing halos mahulog ang buwan




























1. Kapag kailangan ng karpintero, dapat magpa-audition.

2. Kulang ba talaga ang mga lalake sa Pilipinas para sa lahat ng babae at baklang naghahangad ng tunay at wagas na pag-ibig? O choosy lang masyado ang mga hanggang ngayon ay bakante pa?

3. Karugtong ng pagkukuwenta (ibawas ang mga below 18, ang mga magpapari, ang mga may asawa na, ang mga may sakit sa pag-iisip, etc. para makuha ang value ng eligible males) ay ang pinakapayak at pinakagasgas na tanong: kapag may edad ka na at nauubusan na ng egg cells or freshness factor (para sa mga bakla), sinong pipiliin mo? Iyong mahal ka o iyong mahal mo?

4. Kapag nasa relasyong dulot ay panay sakit, dulot ng takot na maubusan ng lalake (kunektado pa rin?) o ng marubdob na pag-irog (sabeh!?!), where do you draw the line? Sabay-sabay naming sagot: sa dingding! Ibig sabihin, walang malinaw na sagot. Sang-ayon kami sa sabi ng isa, basta walang sakitang pisikal. Chaka kasi ang black ang blue. Eh yung emosyonal na sakit, ikakanta na lang ng "Sana'y Wala Nang Wakas."

5. Sa hirap ng buhay at sa mas mahirap na buhay pag-ibig, marami sa atin ang nanghihiram na lang. _____ is the way to go (insert name ng kahit sinong kakilalang nagtagumpay sa pang-aagaw). At inaabuso ito ng Star Cinema.

6. Paano mapuputol ang vicious cycle ng pamumuhunan sa anak dito sa Pilipinas? Paano titigil ang killer mindset na kapag nagsimula na magtrabaho ang anak eh tapos na ang parenthood?

7. Ano ang tamang paraan ng pagkulekta ng stool sample para sa mga annual physical exam? Yung dabes way na pwedeng gawan ng step-by-step guide?

8. Kung maliit na pirasong jebs lang ang kailangan para sa fecalysis, bakit wala man lang kutsarita, toothpick, chopsticks o kahit anong maliit na gamit na pwedeng gamiting panungkit man lang na binibigay ang mga clinic pag may test? Anong iniisip nilang ipangkukuha ng pea-size sample?

9. Kung magka-anak ako ng lalake at nabalitaan kong namamakla, ano raw ang gagawin ko? O kung ang anak kong babae ay nagbabayad/bumibili ng lalake dahil ayaw sa kumplikadong relasyon, ano naman ang gagawin kong aksiyon?

10. Kailan na naman tayo magkikita? Limang taon ba ulit?


Tuesday, February 19, 2013

Leadership by example

Si big boss ay gumawa ng dress code para sa lahat. Sinulat niya itong maigi sa email. Detalyado, plantsado, hanggang sa kung ano ang pwedeng isuot sa paa. Syempre, bawal daw ang tsinelas.

Kinaumagahan matapos niyang ipadala ang memo, may meeting para sa lahat ng empleyado. Dito niya iniyabang ang imbento niyang dress code. Habang siya ay nakatsinelas!

Meet Carlabasa. Marami pang kwento tungkol sa kanya kung lagi lang sana kaming nagkikita ni Pam (di tunay na pangalan).

Sunday, February 10, 2013

Back in FB

Hindi ako masaya sa ginawa kong ito ha. Lagpas limang buwan ko nang napangatawanan ang Facebook cleansing diet ko. Kaya lang, noong huli kaming nagkita ni Mother D, nabalitaan ko na nakakatuwaan niya ngayong mag-post ng masasayang kuwento mula sa aming nakaraan. Ayaw ng matandang diva na mag-blog. Gusto niya Facebook. Tse! So bilang ayaw kong malampasan ang kahit anong isusulat ni tanda (I'm a fan, I'll have to deal with it), bumalik na ako sa FB.

Si Masikip at Si Luz Klarita naman, pati si Judge B na dating walang social skills., ay nasa Twitter. Dun din naglulungga ang mga sinusubaybayan kong team mates, past and present. Kaya hindi ko titigilan ang Twitter.

Matanda na ako para sa peer pressure. Pero for the first time in my life, papatol ako. Kung di ko lang mahal ang mga baklang 'to...

Si Masikip, Si Luz Klarita at ako noong Sabado.
PS Batch 15, NSI Batch 7, 08/13/2001 (sana may pekatyur din kami noon para maikumpara ang mga timbang)




Friday, December 21, 2012

Jong & Jill's Wedding: #4 The Theme (1872)

Jong & Jill's Wedding: #1 A Little Introduction
Jong & Jill's Wedding: #2 The Invitation
Jong & Jill's Wedding: #3 The Church


1872, Ivory and Red. Filipiniana if you can't find anything 1872-ish... that got me really excited! I've always wanted to be able to wear something hardcore Filipiniana. So chance na ito... Kumarir kami ni hubby sa Divi! And that's the story behind these feelingero/feelingera pics.

BTW, why 1872? Read here...

Best In Costume Nominees with the Newlyweds


Tuesday, December 18, 2012

Jong & Jill's Wedding - #3 The Church

"Basilica de San Martin de Tours is a Minor Basilica in the town of Taal, Batangas in the Philippines. It is considered to be the largest church in the Philippines and in Asia, standing 96 metres (315 ft) long and 45 metres (148 ft) wide." - Wikipedia

Wala lang kaming masyadong pekatyurs kasi late kami dumating. Sorry naman. Malaki nga talaga ang simbahan, ang hirap kumuha ng pekatyur kahit powerful ang zoom functions ni Gyper.

from iglesiasdelasfilipinas.blogspot.com
Kule Peeps nagsimba! (Kuha ni Rem Zamora)

Monday, December 17, 2012

Jong & Jill's Wedding - #2 The Invitation


The best invitation I've ever seen... Halo-halo, in equal proportions:
  • Creative
  • Functional
  • Filipiniana Theme
  • DIY by the bride and groom

*** Jong & Jill's Wedding Series - Part 1 ***


FRONT: Brown envelope with native red-gold ribbon. 



Back: Stamp and our names.... when was the last (or first?)time someone
addressed you as Ginoo, Binibini or Ginang?
(4 Postcards inside) Photo #1


(4 Postcards inside) Photo #2

(4 Postcards inside) Photo #3
(4 Postcards inside) Photo #4




All 4 Postcards


Printed on the backside of the postcards (click for bigger view)...

Directions and driving instructions

Parents and Ninong/Ninang Roster with
Wedding Reception details

Secondary Sponsors (Mga Pangalawang Tagapagtangkilik)

Favorite! Letter from the Groom, for the Bride

Favorite! Letter from the Bride, for the Groom