Mula noong nag-lockdown ay napapadalas ang pag-aaya ni Sir_Ko na kami raw ay mag-jampungan sa umaga. Ang madalas kong sagot, wala ako sa mood. At saka gising lahat ng bata, mahirap na.
Kahapon ay naisipan kong pagbigyan na siya. Kawawa naman kasi at saka to be fair sa asawa ko, nakaka-touch din kahit papaano na hindi siya namimilit. Mas tamang sabihin na siya ay nagmamakaawa. Sabi ko, handa na ako. Nagmamadali siyang naghanda ng mga gamit, tapos ay pumuwesto na sa tapat ko para sa una naming jampungan ngayong tag-init.
Biglang ako na ang kinabahan.
Ilang ulit akong napalulon pero mas lalo akong natutuyuan ng lalamunan sa bawat lulon ko ng laway. Rumaragasang tren ang puso ko na hindi matutong magtimpi matapos madaplisan ng mga basa niyang daliri ang aking mga palad. May diin ang mga bibitawang kong kasunod na salita, naghahamon, sumusuko, nangungusap.
"Bilisan mo na, Love. Gutom na gutom na ako."
Agad niyang binuksan ang dalawang paketeng Lucky Me Jjamppong. Opo ano po. Instant noodles po. May iniintay po ba tayong mature content?
Paalala: This is NOT a sponsored post. Masarap lang talaga.
Ang Lucky Me Jjamppong ay hindi palabiro. Talagang lasa siyang seafood noodles na may pinulbos na siling labuyo. Pero yung siling labuyo ay pinalaking mababa ang loob kaya hindi OA ang anghang at sakto lang para sa mga duwag sa spices na gaya ko. Kung may sipon ka, panalo rin ito. Para kang humigop ng vaporub pero kulay orange at hindi gel.
Naiimagine ko na kung meron kang buhay na lamang dagat ay puwedeng puwede mong ihalo rito sa noodles na ito at mas magiging mabuti pa ang tingin mo sa sangkatauhan. Let's say hipon, alimasag, pusit, fish tofu, mga ganyan. Ito lang kasi yung laman ng isang pakete. Pero magrereklamo pa ba tayo para sa presyo? Wag na, accept na lang natin tapos move on na sa palengke.
Ayan na, ayan na. Takpan ang ilong, nakakabahing yan 'tsong. Kung hahatsing ay lumayo sa lalagyan, baka masinghot mo lahat.
Lalagyan lang ng mainit na tubig, tatakpan, tapos uupakan. Ganon kadali. Tapos inom kang mga dalawang litrong tubig kasi hindi naman kaila sa ating lahat na ang instant noodles ay may halong isang bloke ng asin.
Bonus! Itong cheese buns ng Gardenia ay patok na patok na kapartner ng Lucky Me Jjamppong. Kapag ubos na ang noodles ay puwedeng puwedeng isawsaw ito sa sabaw. Masarap na sa dila ay masarap pa ang init sa tiyan. Yung alat-tamis ng cheese buns ay lumalaban sa anghang-asim-alat nung kung anumang authentic Korean spicy seafood na magic dust nung noodles. Yung bibig mo maiiwang nagtataka kung anong nangyari pagkatapos mag-rambulan ng mga flavors na yan. Tapos gugustuhin mong maintindihan kung anong nangyari at hindi ka titigil kumain hangga't hindi mo naiiintindihan. Tapos ubos na. Bukas na ulit. Ay wag ganon. Consume moderately and with lots and lots of water please.
Bonus question for Lucky Me: Why the dobol-dobol JJ and the dobol-dobol PP? Sabi ba yan sa Feng Shui? Kayteynks!
Pinipiktyuran ko yung cheese buns biglang may photobomber na daliri pala. Ayan si Gangjee, gigil na gigil sa tinapay.
Showing posts with label Highly Recommended. Show all posts
Showing posts with label Highly Recommended. Show all posts
Monday, June 15, 2020
Saturday, June 13, 2020
Do it right the first time (online classes) with Child Learning Center
TNLO studies at CLC. We are in love with this school. I don't know how I can explain the "love" without this post sounding like a paid post.
Fact-check. TLO studied in CLC too, and if we still have enough funds after the financial challenges brought about by the pandemic, Gangjee's going to be singing "happy at CLC" with his sibs in a couple of years. Enough said?
Last month, CLC offered a trial run of online classes to its SY 2019 students. TNLO looked forward to his sessions. Parang yun lang ang reason for being niya sa bawat araw na may klase. Teacher Kristine, TNLO's teacher in Senior Nursery, handled the sessions and she was way beyond awesome. Everyone in the academe is still getting their feet wet running virtual instructor-led classes. Teacher Kristine ran the show as if she's been teaching in the online classroom after she learned how to walk. She knew how to engage the kids. Pati ako napapatango pag may tanong na yes or no ang sagot. TNLO had only one complaint. Bakit daw ang bilis matapos.
The pandemic of 2020 shook and changed the way we looked at things, including geography. You may be many hours away from Makati but you may want to give CLC a try. Sabi nga sa kanta ba iyon? Malayo man, malapit din.
Labels:
Domestic Blah
,
Highly Recommended
,
Mommy Tales
,
TNLO
Friday, December 16, 2016
Feelingerang Froglet
Nangyari na ang kinatatakutan ko. Meron na yatang may gusto sa akin sa trabaho. Prinsesa raw ako o. Chareng. Maraming salamat kay Anonymous for my gift na ang lakas maka-puberty. Lipistik pala akala ko crayons.
Labels:
Frends
,
Highly Recommended
,
Work
,
Worldly Wonders
Wednesday, June 29, 2016
"Special" Feelings From "Finding Dory"
"Finding Dory" captured the ardent wishes of parents for their kids with special needs. For children with ASD To find love and care from strangers. For the little ones with down syndrome, cerebral palsy or ADHD to survive with minimal supervision. For the non-vocal, deaf, or blind, to find their courage, talents and strengths to be able to always come home, safe and whole. We wait and wait and wait for milestones and moments when they unlock their special gifts. And wish to have all the time and access to all possible resources to be able put shells in gaps where their minds and bodies' unique designs make it impossible to swim in the real ocean.
P.S. I think all parents have the same wishes. The level of fear and uncertainties vary though when your kid is a Dory, not a Nemo.
~Sunday, 06/26/2016
P.S. I think all parents have the same wishes. The level of fear and uncertainties vary though when your kid is a Dory, not a Nemo.
~Sunday, 06/26/2016
![]() |
| Image Source: Disney.com |
Wednesday, June 15, 2016
How to get a FREE Spotify Premium Account
Sorry for the unnecessary palpitations I may have caused. I do have a tip but I doubt that it will work because this is totally beyond your control. Here it is: You need to be blessed to have someone who treats you like family, to the point that she will add you and your husband to her Spotify premium family plan. :D See, not easy. And don't even think about being "user-friendly" because that is just too low and cruel.
Well, I just needed a post to send belated thanks to dear Ms. A. Thank you!
Well, I just needed a post to send belated thanks to dear Ms. A. Thank you!
Labels:
Frends
,
Good e-stuff
,
Highly Recommended
Sunday, June 05, 2016
More About Makati SPED Center
Mga dagdag kaalaman mula kay Teacher Lou. Tungkol ito sa mga sistema at proseso ng eskuwelahan, kasama na rin ang brief expectations setting session (meron pa sa pasukan, sinagot niya lang muna ang mga tanong ko).
1. Children are grouped by their condition to ensure proper care and attention. Napanood mo ba ang FAME? Ganun ko nai-imagine ang set-up. Ang bawat klase ay binubuo base sa specialty ng special needs ng mga bata. May sections for children with autism, down syndrome at intellectual disability (duon sasali si TLO).
2. Hindi basta bastang nilalagay ni Teacher Lou ang mga bata in sections. Inoobserbahan niya muna ng isang linggo bago mag-conclude kung sino ang gustong kasama ng bawat estudyante at kung ano ang tamang mix. Madalas daw kasing mag-walk out ang mga batang ito pag ayaw sa mga nagaganap o mga kasama. Nirerespeto ni Teacher ang choice at preference ng mga estudyante. I love her for that. Very humanist and progressive.
3. Ang mga magulang ng estudyante ay nagiging support group at community. Highly encouraged ang mingling ng estudyate AT parents. May mga binanggit na siyang pangalan ng mga magulang na feeling niya ay makakasundo ko. Dahil raw pare-pareho ang condition ng mga bata sa isang klase, malaking tulong sa parents na malaman kung ano ang mga nangyayari sa buhay ng bata at pamilya isa't isa. Bet ko yan.
4. It takes a minimum of 3 years bago maka-graduate ang mga bata sa SPED. Ibig sabihin, puwede na silang sumali sa regular school. May assessment na ginagawa taun-taon para makita kung handa na ba ang bata. May mga gradudates na sila na nasa regular school na ngayon.
5. Pending Teacher Lou's assessment pa ito pero mukhang Grade 1 na si TLO pagpasok niya sa June 13. Napatili yata ako rito. Sabi ko, Teacher, Grade 1? Hindi pa po siya nakakabasa. Pinakalma naman ako ni Teacher. To simplify, ang grade level ng SPED kids ay three levels lower ng sa regular kids. For example, ang Grade 6 na SPED student ay may faculties ng isang Grade 3 student.
6. Base sa malawak na karanasan ng mga teachers sa Makati SPED Center, ang batang may ID (Intellectual Disability) ay:
Ang bawat dagdag kaalaman sa kondisyon ni TLO ay either nakakadurog o nakakabuo ng pag-asa. Iniyakan ko ang posibilidad na hindi makakabasa si TLO. Ang mommy at daddy mahilig magbasa tapos siya hindi makakabasa? Kanino ako puwedeng makipag-away para diyan sa law of nature na yan? Pero hindi ko ito susukuan. Sa lahat ng nilatag na mga posibilidad kay TLO all these years, ito yata ang hindi ko kayang isuko at tanggapin. Idadasal ko ito ng non-stop.
====
Gen. Pio del Pilar Elementary School (SPED Center)
Nemesio I. Yabut Elementary School
- natututong magsalita
- natututong mag-alaga ng sarili
- likas na malambing at hindi marunong mag-sinungaling
- likas na performer
- matinik sa pagbabasa ng tao (hindi raw sila madaling lokohin)
- hindi nakakabasa (pero libre ang umasa)
Ang bawat dagdag kaalaman sa kondisyon ni TLO ay either nakakadurog o nakakabuo ng pag-asa. Iniyakan ko ang posibilidad na hindi makakabasa si TLO. Ang mommy at daddy mahilig magbasa tapos siya hindi makakabasa? Kanino ako puwedeng makipag-away para diyan sa law of nature na yan? Pero hindi ko ito susukuan. Sa lahat ng nilatag na mga posibilidad kay TLO all these years, ito yata ang hindi ko kayang isuko at tanggapin. Idadasal ko ito ng non-stop.
====
Gen. Pio del Pilar Elementary School (SPED Center)
| Address: Santuico St., Brgy. Pio Del Pilar, Makati Phone Number: (02) 659 8963 |
Address: Escuela Street, Guadalupe Nuevo, Makati City
Thursday, May 26, 2016
Cakes & Pastries by Hazel
I learned about Hazel's artworks from Phleymz. When Phleymz's Yana-banana turned 2, Hazel made a cake that matched the colorful, beautiful and adorable toddler-self of the birthday girl.
RAINBOW CAKE
Grabbed from the Facebook page of Cakes & Pastries by Hazel
Who will not fall in love with such artistry? We definitely wanted something like it for TLO's 7th birthday too (theme to be revealed in a bit). While working with Hazel for the design of TLO's cake, I told Kleyr, my sister-from-another-mother, about the Cake Lady's magic. She was also preparing for Gabby's 7th birthday then and she shrieked and giggled when she saw the Darth Vader cake that Hazel made for one of her clients. Gabby is a Star Wars fan so imagine his shrieks and giggles when he saw his Star Wars cake.
STAR WARS CAKE
Photos grabbed from the Facebook page of Cakes & Pastries by Hazel
And now this... was for our little girl's 7th birthday. TLO and her brother and cousins are Minion addicts. We ordered a cake and a LOT of cupcakes. The cake and cupcake stand is a labor of love (family DIY, with the patient and encouraging guidance of Hazel). The Minion cake looked too real, I did not find the heart to do the slicing ceremony. Only the Lola had the courage to slice the Minion.

And last Friday, a former boss, mentor and Woman idol of mine traveled all the way from sunny California to celebrate her birthday with friends and fans. :D She loves Hello Kitty and travelling. So she wanted a cake with Hello Kitty on a plane and a luggage. I shared the birthday girl's wishes with Hazel and she made this awesome cake and 25 equally fatally cute cupcakes.
Thank you for bringing color, love and joy in the dining table and in the hearts of everyone present in these events, Ms. Hazel. Sa uulit-ulitin!
Cakes & Pastries by Hazel
https://web.facebook.com/Cakes-Pastries-by-Hazel-853581584652101/?fref=photo
Contact Number: 0915 908 2383

| Photo by B'ley of Manila Eat Up. Sorry for the terrible resolution of your photo, B'ley, I just grabbed this from Ati's FB post. |
Thank you for bringing color, love and joy in the dining table and in the hearts of everyone present in these events, Ms. Hazel. Sa uulit-ulitin!
Cakes & Pastries by Hazel
https://web.facebook.com/Cakes-Pastries-by-Hazel-853581584652101/?fref=photo
Contact Number: 0915 908 2383
Saturday, May 21, 2016
Just Maki
Ito ang pinakamasarap na Maki na natikman ko sa buong buhay ko. Nagkaroon ng Food Sale sa office namin at pinalad kami na kasali ang Just Maki sa mga nagtinda. Ang sarap, sarap, sarap. Ok, hindi ako marunong mag-food review kaya take that.And this --- malinamnam ang kanin na nakikipagharutan sa mayonnaise, pipino at crab stick habang tumitili ang matamis na mangga. Sabi ng mga Tobiko (yung mga orange dots), sasali raw sila. Wala silang kapaguran na maghahabulan sa bibig mo mula sa una hanggang huling nguya. Iiwan ka nilang mas masaya kaysa noong una mo silang nakita. Just like great people and great loves in your life.
Tama na ang pagpu-push ko na mag-review. Basta, pag nasubukan mo, maiintindihan mo kung bakit araw-araw ko itong kinain (puwera isang araw na nag-work from home ako) for one week. One of these days, magba-bulk order ako at bahala kayo kung after two weeks, may orange dots na rin ako.
P.S. Uncompromising ang standards ni Justine (sya ang king in the kingdom of Just Maki). A fresh batch is made the night before at hindi na tinitinda ang natira - kung meron - the next day.

Saturday, November 28, 2015
A Second Chance – A Very Very Personal Reflection Essay
Walang bago sa kuwento. Sa totoo, marami pa ngang kulang.
Ganoon naman talaga kung pinilit isaksak ang isang uniberso ng katotohanan at
karanasan sa isang maiksing pelikula. Lalo pa kung ang paksa ay buhay
mag-asawa. Narinig na natin ito lahat. Yung tumatabang na tamis ng maraming
una. Unang hawak ng kamay, unang yakap, unang halik, unang pagniniig.
Pagkatapos ng una, merong pangalawa, pangatlo, pang-apat, pang-lima. At habang
tumatagal, kumukupas, naluluma.
Walang bago sa pinagdaanan ni Popoy at Basya. Mas kumplikado
pa nga ang kuwento ng ilang kakilala kung tutuusin. Pero ito kasi, itatali ka
sa harap ng isang malaking screen, tapos madilim, tapos ihaharap sa iyo ang mga
pira-piraso ng kuwento – puwedeng sa iyo, puwedeng sa kaibigan mo, puwedeng sa
nanay at tatay mo. Ibabad ka sa totoo at hindi ka isasampay. Uuwi kang
mahalagihay, gusot na gusot ang utak, maligalig ang puso.
Napakaraming heterosexual males in a relationship na
makakaray sa loob ng sinehan these days for sure. Sa ayaw nila at sa gusto,
manonood sila ng A Second Chance. Ang karamihan ay magpapaubaya. May ilang
magiting na tatanggi at babawi na lang ng regalo o himas na may bulong na
“mahal naman kita kahit hindi natin pinanood si John Lloyd at Bea.” Kailangang
matutuhan ito ng lahat ng lalake. Ituturo ko ito sa anak ko balang araw (kung
gusto niya ng babae). Kapag inaaya kang manood ng romantic-saksak puso film ng
karelasyon mo, hindi lang kilig ang hinahanap niya. Gusto niyang ikuwento sa
iyo ang mga bagay na hindi niya kinukuwento. Wala kasing may gusto sa babaeng
parang barker. Kung umiiyak siya, gusto niyang itanong mo kung bakit. Gusto
niyang mag-usap kayo, gamit ang mga metapora ng karakter at daloy ng kuwento.
Huwag kang tanga, anak. Kung gusto lang niyang manood ng pelikula, puwede niya
gawin iyon mag-isa. Hindi lang niya gustong manood, gusto niyang mapanood.
Isasabay niya ang panonood sa iyo habang pinanonood mo siya. Pero kung sabihin
niyang, manood tayo at sumulat ng film review at mag-focus tayo sa
cinematography, lighting, set design at kung anu-ano pang teknikal na aspeto ng
isang pelikulang puno ng puso, then fine. Pero try mo pa ring sumisid ng
tanong, anak. Minsan pakipot lang kami.
“Iiyak na naman ba si
Bea?”
Tanong yan ng asawa ko kaninang pinuwersa ko siyang manood.
Para kasing walang pagod si Bea at John Lloyd sa iyakan. Puwede na raw sigurong
masolusyunan ang paparating na tagtuyot sa dami ng nanood, manonood at
tutungayaw ng iyak kasabay nila. Ay mahal ko, kulang pa yon. Kulang na kulang.
Brilyo ang mga pangarap nila Popoy at Basya. Magtatayo sila
ng construction firm. Si Popoy ang Engineer. Si Basya ang Architect. Magtatayo
sila ng mga bahay na hindi gumuguho. Calamity-proof. Parang ang kanilang
relasyon. Magpapagawa sila ng dream home nila sa Tagaytay. Tapos magkakaroon
sila ng anak. Maraming anak. And they will live and love happily, ever after.
Ito ang mga hindi nila pinangarap. Malulugi ang negosyo,
makukunan si Basya, magkakalamat ang relasyon sa tindi ng mga pagsubok na
darating.
Kami rin, nangarap. Ikakasal kami, titira sa #17 Strawberry
Drive sa Antipolo (nung mas uso pa ang Antipolo sa Tagaytay), pagkatapos ng
dalawang taong pamamasyal at pagbibinyag sa bawat sulok at bubong ng bahay,
magkakaroon kami ng dalawang anak. Ako ang susulat ng mga kuwentong pambata
para sa kanila. Ako na rin ang illustrator. Lagi akong magluluto, mabango at
malinis ang bahay.
Well. Nabuntis ako. Sa huwes kami kinasal. Sa maliit na
condo unit kami nakatira. Nagkaroon kami ng anak, special needs child.
Nagkaroon pa ng isa, may problema sa balat at ayaw kumain. Akala niya yata
mabubuhay siya ng matiwasay na gatas lang ang iniinom habambuhay. Ubos na ubos
ang oras namin sa trabaho. Para kaming dorm mates. Pero hindi puwedeng hindi
magtrabaho sa dami ng bayarin.
Para rin kaming si Popoy at Basya. Pilit sinisiksik sa isang
kapirasong espasyo na tinatawag naming “bahay.” Umaasa na ilang taon na lang,
darating din ang lahat ng pinapangarap. Hindi nga lang kami nagbabasag ng
pinggan kasi makalat. Sinong maglilinis ng mga bubog? Ang nakaisip magbasag,
siya ang magwalis. Dapat may ganyang sign sa bahay. Hindi rin kami nagsisigawan
kasi hindi pa kami marunong mag-away. Balang araw siguro, pero not soon.
Maaligasgas at malamlam ang ilaw sa mga eksena sa bahay nila Popoy at Basya,
kabaligtaran ng linaw at liwanag ng mga kuha noong araw ng kanilang kasal.
Humihingi ng tawad si Popoy kay Basya kasi nawala niya raw
yung lalaking pinakasalan ni Basya. Hinahanap ko rin lagi yung young adult na
walang tigil ang pagsulat at pagtetext sa akin. Nawala na iyon. Naging
responsableng asawa at tatay. Sabi nga ng isang kaibigan, you fell in love with
a boy and now that boy is a man and you have to deal with it.
Responsibilidad. Bayarin. Kinabukasan. Mga higanteng salita
na dumudurog sa lahat ng taong sumusubok bumuo ng pamilya. Hindi mabili ni
Basya ang magandang baso kasi mahal. Pinigilan niya ang sarili niya pero
tinuloy niya rin. Kasi may nakita siyang kaklase. At pinakyaw ng kaklase ang
lahat ng pangarap niya. O e di bilhin ang lahat ng mahal. Ang hindi mabago sa
buhay, daanin sa bagong bed sheet, kurtina, baso at pinggan. Hindi yan uubra sa
amin. Lahat ng aming pinagkakagastusan ay dumaraan sa metikulosong
deliberasyon. Hindi ko na yata malilimutan kahit kailan na halos tatlong taon
akong humihingi ng shower curtain pero laging request denied. Kasi hindi
praktikal, gaya ng sabi nga ni Popoy. Compromise. Isa pang higanteng salita.
Ang buhay mag-asawa ay isang walang hanggang kuwento ng kompromiso. Ang mga
napapagod, naghihiwalay – sa ayaw at sa gusto ng batas ng Diyos, at batas ng
tao.
Nakakapagod ang paulit-ulit na kumprontasyon nila Popoy at
Basya. Hindi ko alam kung sinadya ito ng mga sumulat pero para sa akin, sa
lahat ng elemento sa pelikula, ito ang pinakamakapangyarihang mekanismo ng
reality sa A Second Chance. Nakakapagod, nakakadurog, nakakalungkot. Parang
buhay ng mag-asawa. Sa huli, magkakabalikan din naman sila. Parang sa totoong
buhay din. Sa gitna ng pagmukmok, may darating. Isang alaala, isang kuwento,
isang litrato, isang email, isang text tapos ayus na ulit. Renewal of vows.
Palakpakan! Rinse, repeat.
At iyan ang dahilan kung bakit laging umiiyak si Bea. At si
John Lloyd din siyempre.
“I will honor your process of becoming.”
Nabasa ko iyan sa isang libro ng recommended wedding vows
noong naghahanda kami para sa di natuloy na outdoor wedding. Payo rin yan ng
isang matalik na kaibigan. Sabi niya, kahit gaano ka ka-progresibo, dapat lagi
mong ipapakita, sasabihin at ipaparamdam sa asawa mo na ikaw ang head
cheerleader ng cheerleading team niya (kahit ikaw lang ang miyembro). Works
both ways, babae ka o lalake o kahit ano basta nasa relasyon.
Dalawang beses ko lang nakitang durog na durog si Popoy.
Yung emoterong eksena na kinukuwestiyon ni Basya ang kanyang vision para sa
calamity-proof design ng mga istruktura sa Pilipinas (nangilo ang ngipin ng
asawa ko noong tinanong ni Popoy si Basya kung pati ba siya ay hindi naniniwala)
at sa koleksyon ng mga maliliit na eksena na si Basya na ang nagpapatakbo ng
negosyo at buhay nila. Matining na naipakita sa pelikula ang extra challenge sa
married life. Paano mo pagsasabayin ang diskarte sa buhay na may pangko pangko
kang asawa (at mga anak kung meron). Hindi ko sasagutin yan. Nanood lang naman
ako at nagalingan. At napaalalahanan.
May isang eksena sa pelikula na talagang nagtulak sa akin sa
balon ng luha. Yung pinakilala ni Popoy si Basya sa opisina bilang “best
architect, misis ko.” Gusto ko rin iyon. Kailangan ko rin iyon. Ang
maipakilalang best, kahit best in dishwashing or toilet cleaning. Iyung may
post sa Facebook tungkol/para sa akin, lumalampas na ako sa langit. Alam ko na
mahusay ako sa ilang bagay, pero iba pa rin ang naririnig. Dati akong
Leadership Development Trainer (LDT).
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, akala nung ilang kasama sa dating trabaho
ng asawa ko, nagtatrabaho ako sa LRT.
Si Basya, ang lakas ng bilib kay Popoy. Pinagtatanggol nung
sinabi ng pinsan ni Popoy na ayon sa research e nalulugi na ang construction
firm. Ako rin bilib na bilib sa asawa ko. I think, kung may mangahas magsabi na
may grammatical lapses ang kahit anong gawa niya, makikipagbasagan talaga ako
ng bungo.
Where do we go from
here?
Sabi ng ilang kakilala, dapat ito na ang last pelikula ni
Popoy at Basya. Todo na raw. Hindi na malalampasan. Pero ako gusto ko pa ng
dalawa. Gusto ko pa ng isang sequel kung saan may anak/mga anak na sila – mula
infancy hanggang early adulthood. Tapos gusto ko ang huling sequel, matanda na
sila at nagsipag-asawa na ang mga anak. Kami ng asawa ko, may dream/imagination
eksena kami na nabuo 15 years ago. Nakatayo kami sa gate ng bahay. Kakaalis
lang ng huling anak na nag-asawa. Tapos yayakapin niya ako mula sa likod. Tapos
sasabihin niya, “o pano, tayong dalawa na lang ulit?” Tapos ako, walang
pasubali sa mga kulubot at puting buhok, sasagot ng “ako na lang ulit ang baby
mo.”
Umay? Yan ang overpowering ingredient ng wagas na pag-ibig.
Labanan ang umay at tayong lahat na mga married people ay makakaraos din.
Labels:
Highly Recommended
,
Musings
,
Vernacularism
Friday, August 28, 2015
Rare Finds at Lazada.com.ph
I'm a big fan of Lazada. Dito ko nga pinabili kay Sir_Ko ang aking slanket. Ang saya saya mag-window shopping sa site, lalo na sa app nila. Medyo nga lang creepy ang mga kaganapan pagkatapos tumambay sa kanilang website. Kahit saan ako magpunta, lumalabas na ads yung mga sinilip ko. Expected naman yun bilang ganun talaga ang buhay online. Pero nakakatakot pa rin sometimes. Anyways, sa kakakalikot ko ng mga puwedeng mabili sa Lazada, nakakakita ako ng mga produkto na talaga namang hindi ko inaasahan na ibebenta sa deal site.
Gaya nito. At least kung kailanganin ko, alam ko na kung saan bibili ng organic and inorganic chemistry models.
Gaya nito. At least kung kailanganin ko, alam ko na kung saan bibili ng organic and inorganic chemistry models.
![]() |
| Buy Now! Haha! |
At ito pa. Narating niyo na ba ang bituka ng Lazada kung saan nakatago ang Pleasure items? Unfortunately? Fortunately? Bahala na kayo mag-isip, pero yes. The answer is yes. At least din alam ko na kung saan ako bibili kung kailanganin... ng friends ko. :D
![]() |
| Image Source |
Labels:
Good e-stuff
,
Highly Recommended
,
Musings
,
Vernacularism
Tuesday, August 25, 2015
Desktop Wallpaper as Work/Life Mood Ring
(Same introduction from 2011) These are all products of carefully considered search results from Google Images. Minor edits and designs are mine.
06.10.15 - Now
So many things are happening. Trying to find balance through and by the grace of every day.

02.26.15 - 06.09.15
Tough times at work.
01.28.15 - 02.25.15
From when I couldn't seem to find my element.
12.03.14 - 12.28.14
The scary moon of The daily/nightly grind can be swallowed by the bright lights of the yuletide season.
10.31.14 - 12.27.14
Spooky existence may seem harmless with the right amount of capitalist distractions.
10.07.14 - 10.30.14
I wish I can bring the kids to work and put them in an adorable basket on top of my desk.
09.27.14 - 10.06.14
Feeling blue and extremely unstable. Three months after returning to work from maternity leave.
03.24.14 - 09.26.14
Less than a month before giving birth. I thought this penguin looked like the little one, based on his first pic (3D ultrasound).
Labels:
Digital Magic
,
Highly Recommended
,
Mommy Tales
,
Musings
,
Work
Saturday, August 22, 2015
Will the real personal blogger please stand up? Please stand up?
Nahihirapan akong patabain yung Lurking Spots corner ng blog na ito. Ito yung section para sa mga paborito kong binabasa na blog. Karamihan dito inactive na kasi sobrang busy sa trabaho o sa totoong buhay nung bloggers. Hindi ko lang tinatanggal ang links kasi I am sincerely hoping na babalik sila. Yung isa nga, sumalangit na e. Mahal ko lang siya talaga kaya hindi ko maalis ang links papunta sa blog niya.
Araw-araw kong sinisilip kung may bagong entry sa mga blogs na ito (yung sa RIP friend, bihira na lang kasi nakakatakot kung may bago siyag post). Sa ngayon ang pinakamasayang binababaran ko ay ang Dee's Days, Oh My Buhay at saka Sankage Steno kasi bukod sa lagi silang may update, tunay at may buhay ang bawat post.
Minsan nalulungkot ako sa nagaganap na extinction ng personal blogs. Nung kabataan ko (2002), lahat kami sa office may blog. Ang mahuli sa chismis, nirerefer na lang sa blog para hindi na magpaulit-ulit ng kuwento. May mga pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaway at mga bata na nabubuo dahil sa palitan ng comments sa blog. Naami-miss ko yung ganun (ang tandaaaa!). Sa sobrang pangungulila sa access sa community of bloggers, kapag may oras ako ay talagang nagli-link hopping ako para makahanap ng personal blogs. Madalas akala ko jackpot na and then a few posts later, nakikita ko ang trend at ads. Ah niche blogger din.
Mas gusto ko pa rin ang blog kaysa sa pa-like, like sa Facebook. That world is moving too fast for me. Noong may Facebook account pa ako, kapag nag-post ako ng blog link sa wall, may mga magla-like at magco-comment sa wall pero sa blog post mismo, walang kikibo. Nabasa ba nila nang buo o nabasa lang ang pamagat at first paragraph? Walang nakakaalam.
Indeliberate social media network elitism/exclusivity kaya ang tawag dun? Gaya nung mga nagsasabi na ang Instagram ay para sa mga kewl at shoshyal at ang Facebook ay para ng Divisoria?
Para na ring writing letters (lalo pa love letters) ang personal blogging. Long lost and forgotten. Ano kayang ipapakita balang araw ng mga lolo at lola sa mga apo nila?
O eto apo, tingnan mo nag-like si lola mo sa picture nung first date namin. Tapos niyan, a week later, nag-comment siya sa selfie namin nung ex-gf ko. Sabi niya, "miss mo siya?" Tapos nag-away sila ng lola mo. Inunfriend ako ng lola mo. Naging friend na lang kami ulit nung nag-propose na ako sa kanya ng kasal. Sayang patay na ang Facebook, puro tuloy malalabong screenshots na lang itong napapakita ko sa iyo. Sana nag-blog na lang ako. Buhay pa ang blogspot kahit patay na lahat ng kilala kong bloggers.

Sunday, August 16, 2015
Oo nga... Buti na lang may 711!
Linggo ngayon, hindi ako nagba-blog ano. Salamat sa scheduled posting function ng Blogger.
Ito ay isang pasasalamat sa 711 para sa kanilang masasarap na sandwiches. Hindi mura, P39-P49 ang isa pero mabubusog ka na talaga. Ang gusto ko pa sa sandwich, hindi ko kailangan umupo at kumuha ng kutsara at tinidor. Strike anywhere. Try mo kainin ito habang umiihi ka, walang kaproble-problema.
Kani Salad Sandwich. Hindi ko nga alam kung ano yung Kani. Parang kanin na supot. Joke lang. Alam ko yung Kani. Na-Google ko na. Nararamdaman mo yung crab sticks (na alam ng lahat na peke pero ok lang) sa bawat kagat. Tapos may hint ng wasabi sa dulo. Wasabi saka pipino, magra-rumble sa bibig mo. Maliligayahan ka. Yan ang sinasabi ng mga uzi (usyoso) sa kahit anong rumble.
Spice Ham & Cheese. Hindi ko pa masyadong mahanap yung lasa ng ham pero yung cheese, buhay na buhay. Hinahanap ko ang ham kasi paborito ko ang lasa nun kapag inuulam sa kanin. Dito, pa-hard to get talaga ang ham. Pero again, masarap. Sabi nga ng ibang lalake, masarap ang mga pa-hard to get. Aba malay ko. Hindi ko gawain yan.
Happy Sunday, wherever you are.

Monday, August 10, 2015
The YummyliciousLady Forever Wish List
"Sa may bahay ang aming bati,
Merry Christmas na maluwalhati,
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging pasko lagi.
Ang sanhi po ng pagparito, hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo,
Pasensya na kayo, kami'y namamasko!"
Kung gusto mo akong regaluhan ay hindi kita mapipigilan. Choice mo iyan, congratulations! Ito namang listahan na ito e para lang hindi na ako nahihirapang maglista at mag-isip kapag may nagtatanong. Ito ay isang kumpletong listahan at puwede sa kahit anong okasyon. Merong apat na showcase na pagpipilian. Pili ka na lang... <view the list here>
"Elsa Showcase"
Elsa ng Himala, hindi ng Frozen. Ang mga regalong hindi mabibili ng salapi.
"Wish Ko Lang Showcase"
Mabibili ng maraming maraming salapi pero wish ko lang na may magbigay dahil medyo todo naman itong listahan na ito. No indecent proposals please. Hindi ako willing magpakita o magpatikim ng kahit anong parte ng katawan ko para sa mga ito. Pero may mga talent portion ako na puwedeng gawin para sa iyo. Pag-usapan natin ang terms.
"13th Month Showcase"
Mabibili kung may budget o may binasag na dambuhalang alkansiya para sa akin.
"Mabibili Sa Suking Tindahan Showcase"
Mabibili kahit now na. Mura lang kung mahal mo naman ako.

Saturday, August 08, 2015
How Babies Are Made
Natakot talaga ako. Pakiramdam ko kung nadulas ang daliri ko, mabubuntis ako.
From WomanLog Baby App
Labels:
Highly Recommended
,
I like
,
Mommy Tales
Thursday, August 06, 2015
My "Immaculate Collection" (Playlists Work At Work)
I am able to recall details of projects and tasks by the songs that I was listening to while working on them. If being brutally honest were sincerely acceptable in the work place, I would have replied to a lot of questions this way...
"Yeah, I remember that. I was on Hard Candy when I submitted those files to you."
![]() |
| Add caption |
Wednesday, August 05, 2015
PartyProofers Photobooth - The Best And Most Affordable Photo Booth Service in Manila
This is a late "super thank you" post for PartyProofers Photobooth. We hired them for our kids' joint birthday party (nagtitipid kaya joint) last April and we just loved them. Ang mahal ng mga photo booth rental services, malapit na ako maglupasay. Ganun katindi. And then I saw them online. Mura, maayos kausap, may puso at kaluluwa. Tinulungan pa nila ako sa pagpapaganda nung final design kasi pakialamera ako at gusto ko kasali ako sa creatives.
Pareho kaming may work ni Hubby kaya bongga yung by bank deposit ang first payment installment at on the day of the event na ang next 50%. Natuwa rin ako na by email at FB messenger kami nagsisinop ng design ni Ms. Heidi. At ang pinakabongga sa lahat, bago natapos ang event ay hawak na namin ang CD ng lahat ng pekatyurs. Ay may mas pinakabonnga pa pala. Medyo natuwa masyado ang guests namin kaya nagkaubusan ng ref magnet printing paper. Nung nangyari iyon, maayos silang nakiusap sa guests na kung pwede mag-reserve ng papel para sa aming family. Hindi namin kinailangang sabihin yun, naisip na agad ng staff. Ang sweet.
Sana ay subukan niyo sila, mga suki! At sana ay magtagal pa ang business na ito kasi may mga party pa kaming paparating in the years to come. More children, more parties. Hehe!
Facebook Page: PartyProofers Photobooth
Mobile Numbers: 09055031271 / 0927345437
Phone Number: 8041650
Email Address: partyproofers@yahoo.com.ph
PACKAGES (as of April 2015):
Party Just Light
(Unlimited 1 Hour) – Php 2, 500.00 only discounted rate from Php 3, 000.00
With Customized Backdrop, Personalized frame, NO Stop Time
Party Just Right
(Unlimited 2 Hours) – Php 3, 500.00 only discounted rate from Php 4, 000.00
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time up to 30 minutes
Party of Three
(Unlimited 3 Hours) – Php 4, 500.00 only discounted rate from Php 5, 000.00
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time up to 30 minutes
Grand Party
(Unlimited 4 Hours) – Php 5, 500.00 only discounted rate from Php 6, 000.00
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time – 30 to 60 minutes
Corporate Shindig
(Unlimited 8 Hours) – Php 9, 000.00 only discounted rate from Php 10, 000.00
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time – 30 to 60 minutes
INCLUSIONS:
ADD – ONS:

- Automated Photo booth with Customized live view function
- Unlimited shots with print in 4R High Glossy Paper (Original CANON Ink and Photo paper)
- Customer theme photo lay out (designs in print) Three OR Four frames only (maximum of 6)
- Free Photo Standees
- Grab your pictures online thru our Facebook page www.facebook.com/Partyproofers
- Use of professional CANON DSLR camera
- Customized Backdrop (Tarpaulin Backdrop)
- Use of fun props and accessories
- On Site friendly Operators
- DVD/CD Copy of all pictures taken
- With lights and red carpet
- Set up and removal of booth
ADD – ONS:
- Full Photo Magnet (instead of Photo Standees) Php 400.00 only discounted rate from Php 500.00 per hour
- Customized Signature frame Php 500.00
- Less than 3 frames Php 500 per hour
- Double printing Php 700 per hour
Monday, August 03, 2015
Japanese Porn Star Diet
Jenna: I'm on a crash diet to get back to my old weight by Friday.
Liz: Well, what diet is going to do that?
Jenna: Oh, it's the Japanese porn star diet. I only eat paper, but I can eat all the paper I want, so...
~ From 30Rock
Gumagana kaya ito? Wala naman akong balak subukan. Napapaisip lang. Nakakaloka rin na may mga iba pa palang ganitong pauso. Nag-intensity 8 ang lindol ng baby fats ko sa kakatawa dun sa kumain ng cotton balls at saka i-stapler ang tenga para maging sexy. Tigil-tigilan niyo nga ako!
Captured screen from here
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)