May manok na. Yey?
Throwback: Nung vegan pa sila.
(Recipe ito ng nanay ko, palakpakan naman diyan! Ito ay mainam sa mga nagaambisyong mag-diet, magpaka-healthy o sadyang ginagahol lang sa oras ng pagluluto.)
INGREDIENTS
Sayote (Google mo, may English yan!)
Chicken (skinless fillet kung nagbabantay ng BP)
Garlic and Onion
Salt and Pepper
Chicken Bouillon Cubes (optional)
INSTRUCTIONS
1. Maglagay ng swabeng dami ng tubig sa kaldero.
2. Ilagay ang sayote na hiniwa ayon sa binubulong ng iyong damdamin.
3. Matapos ang 15-20 minuto (o basta kapag mukhang hinog na sa kulo ang sayote, ilahok ang manok).
4. Antayin silang maluto. Kung wala ka ng ipin, mas matagal ang paghihintay para madgurog ang sayote (pero titigas ang manok so choose wisely).
5. Ilagay ang mga pampalasa. Chicken cubes ang madalas ilagay pero hindi na kami gumagamit nun, (isang taon na yata ang nakalipas). Asin/patis at paminta ang kakampi kung ayaw makaramdam ng awa sa sarili.
6. Tapos na. May gusto ka pa ilagay? Tapos na, ok? Tanggapin na natin.
Wednesday, July 08, 2015
Nilagang Sayo-Te Amo
Tuesday, July 07, 2015
Creamy Corned Beef Spaghetti
Disclaimers:
1. This is not a paid ad nor a sponsored post. Brands are specified because I have been cooking this for so many years now and have learned to trust my preferred options.
2. More calories, more fun. This isn't a very healthy option.
3. Measurements are "to taste." I have not had the time to measure.
4. I am selling the recipe if you are willing to buy and call it your own. PhP 100,00 if you are one of the brands mentioned in this post. :p
INGREDIENTS:
2 Big Cans of Purefoods Corned Beef
2 Boxes of Nestle or Alaska Crema All Purpose Cream
1 Medium Box of Eden QuickMelt Cheese
Tomato Sauce (250-500 mg)
8 pcs Purefoods Tender Juicy Hotdog (optional)
Half a head of garlic (8-10 cloves)
1 medium sized onion
Salt and pepper
3/4-1K spaghetti noodles (cook it whichever way you want)
INSTRUCTIONS:
1. Sauté minced garlic and onion in two tablespoons of cooking oil.
2. Add corned beef and give it a couple of minutes for trivial niceties and courtesy introductions with your garlic and onions. Use this time to break stubborn family ties in the strands of beef (you want to spread out the glory of those chunks that escaped the machine).
3. Add tomato sauce. Wait for a little over five minutes to avoid conflict with the new kid in the pan.
4. Add hotdog. Because. Hotdog!
5. Stir well because tomato sauce has antisocial tendencies and will tend to stick to the bottom of the pan.
5. Shift to medium fire and add your all purpose cream and smile. This social butterfly will make everyone gel in less than 5 minutes.
6. Add your quick melting cheese. It only takes two minutes to be cheesy. And it's totally worth it.
7. Shift to low fire then add salt and pepper to taste. Careful with the salt. Cheese likes to be the center of attention.
8. Stay on low fire for five minutes before you switch off the stove. Because gentle transitions apply to all things bright and beautiful.
9. Make an informed decision. Mix noodles with sauce or let your "customers" do their own version of bliss.
10. Wash everything that you used for cooking. It's good for the soul.
Sunday, September 16, 2012
Aling Zeny's Eggs Recipe
- Eggs - 15 pcs
- Pork Giniling - 1/2 Kilo
- Carrots - 2pcs
- Patatas - 2pcs
- Onion - 1pcs
- Garlic - 5 cloves
- Kinchay - 1 tali
- Paminta
- Asin
- Isang oras
- Ilaga ang itlog for 15 minutes.
- Balatan, hatiin sa gitna at sungkitin ang dilaw. Itabi for the fun lamasan later.
- Gumamit ng cheese grater (or kung anong hightech equipment na meron kayo) para sa bawang, sibuyas, patatas at carrots. Tatawagin natin silang drug addict ingredients (sila ay durog).
- Ipunin ang galit sa dibdib, hugutin at pagkatapos ay tadtarin ang kinchay. Tingnan natin kung di mapino ang hiwa ng kinchay...
- Ihalo ang drug addict ingredients, pinagdiskitahang kinchay, giniling, dilaw ng itlog, asin at paminta. Ang dami ng asin at paminta ay dapat na ayon sa panlasa ng kakain.
- Lamasan na!
- Ilagay ang isa-dalawang kutsara ng mga Olivia (Lamasan) sa mga bahay-sisiw na pinakuluan mo kanina.
- Iprito ang mga almost-finished product. Kung may matira, pwede ring gawin silang meatballs.
Ma-share ko lang. Matanda na si N (haha!) at ang kanyang mga kapatid pero si Aling Zeny ay matiyaga pa ring nagluluto araw-araw para sa bahay at para sa baon nilang magkakapatid. Nakakabilib. Sana ako rin, kahit matandang matanda na ako, hindi ako magsawang magluto. Nakapila pa ako sa ilang recipe ni Aling Zeny. Excited akong subukan lutuin ang mga baon ni N na natikman ko na!
Tuesday, January 24, 2012
Recipe: Pritong Talong and Winding Road
Forever Disclaimer: Note that I'm no expert. Matakaw lang ako. I'm from the tantiya-tantiya-nakukuha-sa-tikim-ang-tamang-lasa school of cooking. Walang sukat-sukat dito friends.
Aminin nating lahat, masarap ang talong. Here's a very simple recipe na kasing popular ng pagprito ng itlog. Prito lang. For the kinky minds, para sa inyo talaga ito.
Sangkap:
- Talong
- Salt
- Pepper
- Mantika
- (Sawsawan) Bawang at Suka
Paano Lutuin:
1. Hugasang mabuti ang talong. Kahit anong sitwasyon, kahit anong nasyon, kahit anong kultura, kahit gutom na gutom ka na, siguraduhing hugas ang talong bago kainin.
2. Dahil Pilipino tayo, gusto natin na ang talong ay may hiwa ("cut"). Walang batas sa kung ano ang dapat na hiwa - kanya kanyang trip yan. Ngayon, kung medyo afam ang hanap mong talong, fine, huwag mo hiwain. Un-cut kung un-cut. Desisyon mo yan.
3. Tuyuin ng bimpo (o kahit anong mahagilap na pamunas) ang mga talong pagkatapos hugasan para hindi sila mapasma. Ilatag ang mga talong at budburan ng asin at paminta. Itaktak mo 'teh! Go! Chance na rin ang step na ito para mag-experiment. Paprika? Asukal? Harina? Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Basta hindi puwede ang lotion.
4. Isipin mong ikaw ang talong. Hinugasan kang maigi. Binimpuhan. Nilamas sa asin at paminta. Siyempre, galit na galit ka na diba? Dahil diyan, masasabi nating handang handa na ang mga talong. Init na init na sila. Ibigay ang hilig, iprito na!


5. Magiging makatas ang finished product kaya maghanda ng dry towel para patuluin ang mga basang talong. Mangunguluntoy sila pagkatapos ng lahat. Ganun talaga ang buhay. Ang talong, minsan matigas, minsan malambot. Ako gusto ko ang tustado (see below).
Simple sawsawan, no sweat. Suka, bawang at konting asin para labasan ng lasa ang dalawang sangkap.
I'm supposed to post one entry per day, just because... This is a make-up post for 01/20/12. All photos were taken last 01/05/12, 4PM.
Thursday, January 05, 2012
Recipe: Toge-der Again With Tofu
Disclaimer: Note that I'm no expert. Matakaw lang ako. I'm from the tantiya-tantiya-nakukuha-sa-tikim-ang-tamang-lasa school of cooking. Walang sukat-sukat dito friends.
Sangkap:
Bawang
Sibuyas
Kamatis
Toge
Tofu
Paano Lutuin:
2. Ilagay ang toge (at kung ano pang gustong isama, gaya rito may mga buto ng manok galing sa manok na pina-fillet ko sa palengke)
3. Medium fire - pakuluan ng mga 10 minutes
4. Maglagay ng toyo (bahala ka na kung gaano karami)
5. Ilagay ang tofu
6. Budburan ng asin at paminta (tantyahin mo na lang ulit)
7. Haluin at maghintay na maluto ang tofu
8. Hayaang magpahinga ang mga nahilong sangkap sa low fire. Tantanan mo sila for 3 minutes.











