Nuffnang

Pages - Menu

Showing posts with label Musings. Show all posts
Showing posts with label Musings. Show all posts

Sunday, October 20, 2024

Day 3: Ganun Talaga Iyon

 Kapag masaya ako ay tumataas ang timbang ko.

Kapag tumataas ang timbang ko, bumababa ang self-esteem ko.

Kapag bumababa ang self-esteem ko, napapadalas ang pagsusulat ko.

Kapag napapadalas ang pagsusulat ko, nagiging masaya ako.

At tumataas ang timbang. Blah blah yada yada yadah.

Saturday, October 19, 2024

Day 2: Ang Dress Code ng Maybahay

Isang kuleksyon ng mga tula, sanaysay, at maikling kwento tungkol sa mga bagay na walang nakakaisip magtanong

Paunang Salita

Ang underwire bra ay pangunahing sanhi ng breast cancer. Iyan ang paalala ng mga lola, tiyahin, ninang, at nanay sa mga baguhan sa industriya ng pagtatago ng utong. Dahil diyan, sa tuwing may pagkakataon ay pumupuslit ang mga maydede na mag-burn the bra movement mag-isa kahit medyo huli na sa uso. Nagkalat silang mga nahihiyang Galema, mga anak ni Zuma na nakasabit ang tuwalya sa balikat habang bumibili ng pandesal. Di bale ng aalog-alog basta ligtas sa mata ng iba ang mga holen ni Eba. 

Pagpalo ng edad na puwede na raw isampay ang suso sa balikat para magkuskos ng libag sa parte kung saan nakadugsong ang dede sa dibdib (urban legend yata iyon) ay gradweyt na ang mga maydede sa pagtatago ng lihim na mga holen. Masyado na silang maraming pinagdaanan para maging kimi at intindihin pa ang sasabihin ng iba. Dahil diyan, ang lahat ng gustong tumitig ay inaanyayahan sa mga ga-ubas na utong ni Lola Andeng. 

But wait! May bagong hulma ng maybahay. Napapanood natin sila sa kanilang mga YouTube channel, mga mom vloggers na kaygandang panuorin. Nakikita natin sila sa mga pelikula at palabas sa telebisyon na imported. Ang mga maybahay na naka-sapatos, naka-make up, nakapang-alis, at naka-underwire bra habang naghahanda ng pananghalian. 

Ano nga ba ang dress code ng mga maybahay? Ang sabi ng mga amoy alimuom na mister, dapat ay amoy pinipig si misis para ganahan sila anytime, all the time. Hindi naman yata parte ng dress code ang amoy pero pansinin na natin ang munting kontribusyon nila sa usapan, ganyang approaching erectile dysfunction na sila. Unawain na natin.

With or without bra? Naka-ponytail o nakapusod ang mahabang buhok? Sleeveless? Gaano kaiksi ang short shorts? Kailangan bang maputi ang kilikili at kuyukot?

Ang librong ito ay para sa mga maybahay at sa mga usisero at usisera nilang kaibigan at mahal sa buhay. Para rin ito sa mga nangangarap maging maybahay (kapit lang pero sure ka ba diyan?). Sige na nga aaminin ko na. Para ito sa lahat ng may biological nanay.


~November 17, 2020 | 02:15AM-03:00AM

...Itutuloy pero offline. Kung interesado kang gawing libro ang "Ang Dress Code ng Maybahay," makipag-ugnayan kay yummyliciouslady at gmail dot com. 

Friday, October 18, 2024

Day 1: Bakit ko nga ba gustong magsulat?

Naka-attend ako ng webinar ni Sir Ricky Lee kahapon. Masayang masaya ako na nakatapak sa mundo na pinapangarap kong tirhan. Yung mundo ng pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at panonood na kapaki-pakinabang. May ilang beses na nagilid ang luha ko at nagpigil akong magtaas ng kamay at magwagayway ng puting panyo. Amen, amen, totoo po iyan! 

Siyempre, nang mahimasmasan, napatanong na naman ako sa sarili ko kung bakit ko nga ba gustong magsulat. Sa totoo, meron akong nakahandang sagot na pira-piraso lang ng mas marami pang mga dahilan (I hope). Hindi lang ako satisfied sa sagot ko kaya ayokong lubayan ang pagtatanong. Makasarili kasi ang mga dahilan. Heto na. 

Una, ang pagsusulat ay sixth sense para sa akin. O kung pang-ilan man yan. Kapag may naiisip ako o nararamdaman, mas gusto kong magsulat kaysa magkuwento. Sixth sense, tama ba?

Pangalawa, marami akong gustong ikuwento pero mahina akong bumangka sa kuwentuhan. Siguro dahil likas akong mahiyain, hindi ako likas na mahusay na public speaker kahit tatlong tao lang ang kausap ko. Nabo-bore ako sa sarili ko at napapansin kong wala ring napupulot ang mga kausap ko sa kahit anong kinukuwento ko (iba kapag sa trabaho siyempre, pursigido ang lahat na marinig at umuuwing talunan ang mahina ang boses). Pero kapag tahimik ang paligid, at ang kuwento ko ay nakasulat, naririnig ako. Dinirinig ako. Wala akong hiya, wala akong kiyeme, matangkad akong nagkukuwento na parang isandaang pulutong ng mga alitaptap. Walang naiinip. 

Pangatlo. Marami rin akong pinaniniwalaan at kasama sa mga gusto kong ikuwento ang mga opinyon ko at paghihimay ng mga bagay-bagay. Siyempre paminsan minsan ay gusto ko ring magmagaling lalo kapag sigurado naman akong may baon akong husay.

At iyan ang mga self-serving na dahilan kung bakit gusto kong magsulat. Kung may self-serving ay meron ding in the service of Earthlings --- hindi lang mga Pinoy - -- ang dahilan. 

Pero sa susunod na lang iyan. Iiyak pa ako, mahaba pa ang gabi.

~November 16, 2020 | 12:48AM-01:25AM

Tuesday, June 16, 2020

Pig Fat and Asteroids

This is pig fat.

And I got it from a quarter of a kilo of supposedly lean pork from the supermarket (the biggest brand in the Philippines). 

Why call it lean pork? Why sell it at a higher price? Why is the big guy always winning?

Some days I get so hopeless about the state of affairs in the Philippines, I feel sad about asteroids missing contact with the Earth. I get tired of the bickering of "colors" in social media platforms. I get anxious thinking about all the money that we need to procure to be able to provide a comfortable life to the people who matter to us. I want to throw things out the window out of frustration when bad things happen to good people. And I am mighty scared of death, mine or otherwise. The impermanence of all that we hold in our hands drives me to a tall and indifferent wall behind which my imagination refuses to take me.

Some nights I just want everything to end. I lie wide awake until the wee hours of the morning and I periodically stare at my tiny and not-so-tiny loves, sometimes going in for a sniff-sniff-kiss and one too many light hugs. I thank the Universe for being faithful to me and then I ask that it take back everything that it has given me in one big flash of blinding light. In my selfish opinion, this is the best way to go. We all get to go at the same time. There will be no tomorrow to worry about. No poverty. No famish. No horrible politicians. No special needs children turning into special needs adults whose parents wish they are able to take care of until they, the parents, are 95.

And I do not need to worry about how to dispose the pig fat that has started to smell from inside the plastic container behind the door.


Friday, September 22, 2017

A Series Of Unfortunate Events


Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin? Ayoko sana maniwala pero minsan parang totoo.

Noong Miyerkules, bumiyahe ako papuntang Atlanta. Business trip. Maaga ang flight ko kaya mga 4:30AM pa lang, palabas na ako ng bahay.

Kakaiba ang ingay ng maleta ko habang naglalakad ako sa corridor. Inisip ko na lang na siguro (mas) marami akong dala ngayon kumpara sa iba kong biyahe kaya mas maingay din ang tunog. Pagdating sa elevator, ayun nalaglag ang rubber lining ng isang gulong. Yun pala ang dahilan. So malas sighting #1.

Pagdating sa ground floor, naisip kong magyosi muna. Habang naglalakad papunta sa 7-11, nakasalubong ako ng itim na pusa. Dan dan dannnn... malas sighting #2.

Pagkakita ko ng black pussy, naisip ko talagang umuwi na lang at hindi na tumuloy sa biyahe. Kaso natakot ako sa karugtong na gastos 'nun para sa kumpanya. Baka katayin ako ng buhay at mamatay ako sa kahihiyan kaya tinuloy ko na lang din ang lakad. At saka walang multinational company na tatanggap sa dahilang... kasi po, mamalasin ako ayon sa mga signos. So ayun, tuloy ang biyahe.

Sa airport ay naisipan kong mag-kape habang naghihintay ng boarding time. Sa Bo's Coffee sa NAIA, ayaw gumana ng card ko. Little background... kapag business trip ay pinapagamit kami ng company credit card para mabilis magtuos ng gastos. Kaya nung hindi gumana ang PIN ko, kinarir ko talagang subukan nang subukan. Sa ikatlong subok, ayun gumana.

Pagkatapos ng transaksyon na ito, nag-comatose ang credit card. Hindi na gumana kaya napagamit ako ng personal card. At yan ang malas sighting #3. Paano kung wala akong dalang personal credit card? Baka nakulong ako sa Narita nung kumain ako ng pananghalian. Mas malas iyon, buti na lang ay mabait pa rin ang langit.

Nakahinga na ako nang maluwag nung nangyari itong malas sighting #3. Kasi diba, sabi comes in three's? Kaso hindi pa pala tapos.

Nangyari ang pinakamalungkot na kaganapan sa buong buhay ko na bumibiyahe para sa trabaho. Na-confine si TNLO sa ospital. Pneumonia.

Ito ako ngayon, lakas maka-OFW ng karanasan (mas marami pa silang pagdurusa, maliit na bagay ito sa kanila). Ang isip, puso, at kaluluwa ko ay kalahati lang ang nasa akin. Ang kalahati nasa Pilipinas. Pasalamat ako at mahusay na tatay si Sir_Ko, paano pa kaya yung mga OFW na tarantado ang asawa?

Yun lang naman ang gusto ko ikuwento ngayon. Bittersweet.

Sana gumaling na si TNLO. Sana hindi mahawa si Sir_Ko, si TLO, at ang mga Ate nila.

At sana malaos na ang malas.





Wednesday, April 26, 2017

Overjoyed, over love, overwhelmed

Overwhelmed.

To atone for my blogging sins, I would usually do "late posts" until I don't have any dates with just "good intentions" to post. I don't know if I can do that considering the 30-day backlog.

Let's see.


Tuesday, April 25, 2017

Sobrang linis ba ng kunsensya mo?

Ako hindi, baka ikaw. Ayus lang, choice mo yan.

Anyways, hindi ako kumportable sa mga ganitong paandar sa airport. Oo, convenient. Oo, mabilis. Pero paano ang kaligtasan? Hindi na uso ang honesty system mga guys. Tigilan natin yan.




Monday, April 24, 2017

Skillz

Oha. Nakakabasa na ako ng nota!

Madali lang pala e. Tingnan ang mga kulay at numero...

























Tapos, irakenrol sa kapares na tiklada rito!



Joke lang. Bitter lang ako na hindi ako marunong.

Sunday, April 23, 2017

Detox for my curly tops


Meron akong running joke para sa mga nagtatanong kung naturally curly ba ang buhok ko. Ang lagi kong sagot: Oo, kasi nung pinagbubuntis ako ng nanay ko, nanipa siya ng pulubi. Ayun, sinumpa ako.

Yes, sumpa ang tingin ko sa buhok ko. Paano ba naman, may sariling buhay at paninindigan ang hitad. Habang napaka-perfect ng instant ayos hair ng mga kababaihan sa paligid ko, ako mukhang walis tambo kapag hindi naglagay ng gel.

Pero last week, nagkaron ako ng hair epiphany (wow!). Naisip ko kasi, kapag ba lola na ako naglalagay pa rin ako ng gel araw-araw? Parang hindi ko gusto ang imahe. Saka parang mauubos yata ang buhok ko sa tulong ng global warming. Kaya naisip kong itigil na ang pagma-martial law sa wild hair ko. Ito na ang bagong hair routine.

  • Monday - DIY hair spa treatment (thank you, kaibigang Watsons)
  • Tuesday - Shampoo
  • Wednesday - Conditioner
  • Thursday - Nothing
  • Friday - Conditioner
  • Saturday - Shampoo
  • Sunday - Conditioner
  • Anti-frizz: Nivea Hand Cream (nabasa ko na ok raw ito) at saka yung regalo sa akin na tsubaki oil. Inuubos ko lang ang mga supplies na ito. Nasa research phase ako ng ipapalit na mas permanente. Kung may suggestion kayo, please send them my way. Mas konting chemical, mas maganda.

Nakakailang araw pa lang ako sa routine na ito. Napapansin ko na mukha akong gusgusin sa unang dalawang araw. Para akong nalosyang na manikang basahan. Pero habang tumatagal, mas kumakalma naman ang baby bangs ko. Sana magtuloy-tuloy na ito. At sana maraming magregalo sa aking ng conditioner ngayong pasko. Ang mahal!

Bless me, Mother Chaka.


Saturday, March 25, 2017

Fragile Little Things


...that happened since my last post.

Feb-17: Our 17th Boyfriend-Girlfriend Anniversary
Feb-17 to Feb-19: Anniversary Getaway --- Cancelled because...
Feb-18 to Feb-26: Atlanta Business Trip
Mar-04 to Mar-05: Tagaytay Trip - Despedida event for Josie
Mar-15 to Mar-15: Turned a year older
Mar-19 to Mar-21: Singapore Business Trip
Mar-18 to Mar-23: Anniversary Getaway in Singapore --- Cancelled because we're poor
Mar-19: Josie's flight to Bangkok

It's all bittersweet, with new experiences painted over different shades of sadness. I am blessed, I am happy, I am sad, I am counting my blessings. But truth be told, most days from the last post had me worrying that I may just die of overstimulation. I am exhausted from trying to stand still in the middle of this cruel vortex that I made for myself. But we are all tired and we're all in this together. That makes me feel good about myself and all these fragile little things.


I knew it. With faith, dragons can be real.



Saturday, December 24, 2016

Noche Buena Mano




Hindi ako nagbabasa ng blog ko pero ako ang nagsusulat kaya sigurado ako na mga 100 times na ako nagkaroon ng post na ganito ang tema. Sa totoo, scheduled post ito. Hinahanda ko na rin ang aking sarili para sa mga gusto kong gawin forever at sisimulan sa December 23 (unang araw na wala akong pasok ngayong yuletide season). Gagayahin ko yung START-STOP-CONTINUE tapos lalagay ko ang help needed para may ambag ka naman sa ekonomiya ko.

START
  • Magbasa ulit ng libro. Minimum of one book per month
  • Swimming, thrice a week.
  • 24-hour fasting. Once a week.
  • Saving some money from my 10-25 payday allowance. Minimum P50 per week.
  • Sending one email per day to Sir_Ko

STOP
  • Smoking
  • Drinking coffee and all colored and flavored drinks (except pag may manlilibre or pag may espesyal na okasyon)
  • Extra rice

CONTINUE
  • Blogging. Minimum of three posts per week.


HELP NEEDED
  • Don't think that I've changed kung hindi muna ako sasama sa mga yosi-kape-inuman sessions until stable na ako.
  • Don't make me spend on unplanned shit. Nakakagulo sa budget ko.
  • Support me. Remind me about this post kapag nate-tempt akong gawin yung mga nasa "STOP." Pero be gentle. Masama ang ugali ko kapag binabraso ako. Yung isang stick kaya kong gawing isang kaha yan.
  • Patience. Baka mag-beast mode ako.
  • Prayers.


Thursday, December 22, 2016

Puro na lang hugot, pasok naman please.


























Nasira ang barista robot kanina lang. Sinusubukang ayusin ng mga tao sa tindahan pero ayaw talaga magtino. Nagtanong na ang kahero.

"Cancel na ba o hihintayin niyo maayos?"

Nagpaka-bibo yung kasabayan kong naglalaway sa kape.

"Sanay naman akong maghintay."

Nagkagulo na. Tawanan, kantiyawan, tapos ang pinakamaingay na salita ay "HUGOT."

"Ang lalim ng hugot ni sir ah!"

Bigla akong nainis. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa caffeine deprivation, pero naisip ko lang bigla na balang araw, mamamatay ang mga salitang gaya ng:

  • Niloloob
  • Saloobin
  • Kinikimkim
  • Dinaramdam
  • Piping pagnanasa
  • Piping paglingap

Nalungkot akong bigla. Sa sobrang bisaklat sa pakiramdam ng mundo ngayon, lahat na lang nilalabas at ginagawang katatawanan. Don't get me wrong. Nakikitawa din ako sa mga hugot lines na yan. Actually, libangan ko ring gawing pang-heartbreak city ang mga konsepto sa trabaho. For example, nung trainer ako sa isang travel account naimbento ko ang catch phrase na "I'm a chance passenger in your overbooked flight." Pero hindi ko sinasagad, kadalasan tulong ko lang sa sarili ko para maalala ang mga bagay.

Awat na sa hugot, mga kababayan. Baka malimutan na natin ang tunay na ibig sabihin ng masaktan, maiwan, magmahal at mag-alinlangan. Magtira tayo ng mga "feels" para sa atin, para sa mga makata, artista, pintor at manunulat. Hindi puwedeng masaya tayo lahat. I'm sorry, hindi talaga puwedeng tatawa lang nang tatawa. Hindi puwedeng nagtatago lagi sa "hehe"para kunwari cool.

At higit sa lahat, laging tatandaan. Ang hugot ay abala sa sarap. At wala ng mas sasarap pa kapag nadurog ka at nabuong muli.


Wednesday, December 14, 2016

Handa ka na bang ibigay ang iyong Kewpie?

Mga kumare, baka wala pa kayong pang-regalo sa mga labidabs niyo ngayong Pasko. Subukan niyong magbigay ng Kewpie. Masarap, sariwa, walang kapares ang lasa. Babalik balikan talaga ito ng makakatikim. Bili ka na ng marami kasi pinapakyaw talaga ito kapag season of giving. Ingat lang sa pagi-imbak. Mahirap na kapag nag-expire ang iyong Kewpie.


Wednesday, August 24, 2016

Mga Naisip Dahil Sa Pokemon GO


Hindi ako nakikisali sa kaguluhang ito kasi, bilang may addictive personality ako, natatakot akong masira ang buhay ko sa kakahanap ng pokémon. Pero natutuwa talaga akong panoorin ang mga kaganapang dulot ng malupit na app na ito.

For example, nakakaaliw ang di maikakailang age difference ng mga players base sa kung paano nila tinatawag ang mga pocket monsters. Kapag nasa early 20's, sasabihin niyan, "ayoko na ng Rattata ang dami ko na niyan." Pero pag kaedaran ko, "puro na lang daga, gusto ko yung alimango naman." Kabisado ng mga bagets ang pangalan ng mga halimaw. Hindi naman papatalo ang henerasyon namin sa pagkilala ng mga hayop. Aba, sosyal pa yata ang Manila Zoo nung bata pa kami. Nakita namin lahat yan dun.

Masdan ding mabuti ang gigil ng mga daliri kapag hinahagisan ng bola ang mga cute na nilalang. Yung mga bata, soft and swift movements lang ng hinlalaki huli na nila yan. Yung mga tiyuhin at tiyahin gaya nami, halos madurog ng hintuturo ang screen ng telepono bago maka-jackpot. Wagas na wagas yung pag-target, kala mo nananalakab ng hito sa bukid. Sasabayan pa ng "ayan, ayan, huli na!" Sanay kasing magpasabog ng kalabang tangke sa Battle City. Hayaan niyo na.

Pero iniisip ko maigi, kumportable ba ang mga tao na bukas lagi yung location services ng telepono nila? That's a scary thought for me. Imagine, paano kung may gustong pumatay sa iyo? Eh di ang bilis bilis malaman kung saan pupuwesto ang mga sniper (or worse, kung san ilalaglag ang bomba). Bibilhin lang nila ang impormasyon mo sa makers ng laro, ayus na ang buto-buto ng hired killers mo. Paano kung may isang drug pusher convention sa isang Poké Stop tapos ang maitim na balak ng gubyerno eh pasasabugin silang lahat. Tapos nandun ka dahil ang massive media campaign e lalabas dun si Pikachu? Bokot.

Sabagay, baka nega lang ako. Wala naman yatang napatay sa Takeshi's Castle. Siguro naman hindi yan gagawin ng mga brains and bigwigs behind the game.

Dun na lang siguro tayo sa mga positibong puwedeng mangyari. Puwedeng gawing reward ang mga makulay na hayup na yan for noble things. Gusto mo ng Pikachu? Magpa-HIV test ka. Bibigyan ka pa ng lima kapag binalikan mo ang results. O kaya, kapag nagbayad ng tama at makatarungang buwis si Henry Sy, gagawing isang higanteng Trainer Gym ang SM MOA. Puwede na silang sumingil ng entrance fee at WiFi access fee pag nagkataon. Maliit na bagay kumpara sa malaking buwis na kapalit diba?

Eto pa. Job Fair, gagawing Poké Stop. Mga opisina, retention plan. Pabahain ng pokemon sa opisina to the point na puwede nang mag-compete internationally ang mga empleyado.

Of course, of course, sa lahat ng ito, yung mga nakaimbento pa rin ang yumayaman. E ganun talaga. Sila ang nakaisip e. Kaya dapat mag-isip din tayo. Ako gusto ko kunin yung technology nila pero sa halip na pokemon ang huhulihin e mga taong gumagawa ng mga masamang bagay na hindi punishable by law ang nahuhuli tapos ang picture diretso sa isang public website. Dumudura sa daan? Huli ka! Nagpapahid ng kulangot sa dingding ng banyo? Huli ka! Sumisingit sa pila? Chuk! Gotta catch em all. Kasi sa maliit naman nagsisimula ang lahat ng malalaking bagay e. Tagpasin na yang mga pagdahak-dahak na yan bago pa maging chemist ng shabu ang mga turistang tinutukoy ko.

At hoy, kayong mga players, iligpit niyo naman mga sarili niyo. Pokemon dapat ang pakalat-kalat at hinuhuli, hindi kayo.

Monday, July 25, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 2

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Nandito ang Part 1....

===

"Punyeta, Dindin. Kanina pa kita inaantay. Nagka-varicose veins na ang mga tahong sa tinola sa tagal mo. San ka ba nagsuot na bata ka?"

"Sorry, 'tay. Trapik po kasi."

"Paano kang natrapik e naglalakad ka lang?"

"Ay oo nga pala. Napatagal kami sa paga-ani tay. Ang dami kasing janitor fish ngayon. Mahirap mag-ani ng tahong kapag maraming nakaharang na janitor fish."

"Aba bakit? Kasinglaki mo ba yang mga janitor fish na yan at hindi ka makakakilos pag nandyan na sila? Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pa-andar mo Dindin."

"Tay, nagda-drugs ka na rin ba? Tama na ang sugal. Hinay hinay lang sa bisyo please. Hindi po malaki ang mga janitor fish pero ang dami dami damiii po nila. As in. Parang mas marami pa sila sa tubig ngayon. Sabi nga ni Mang Bestre, baka raw sinasabutahe sila ng malalaking korporasyon ng tahong. Hindi naman daw ganyan dati, hindi umaabot sa atin ang mga janitor fish ng ilog Pasig at Marikina."

"Baka may passport na sila kaya umaabot na sa atin."

"Huwaw naman, sugarol ka na nga kumedyante ka pa. Angshoshyal ng tatay ko!"

"Puro ka kalokohan. Maghain ka na at kumain na tayo."

Inilagay ni Dindin ang supot ng pasalubong niyang tahong para kay Mang Dondon sa ilalim ng lababo. Nasulyapan niya na kumikinang ang talong na bigay ng misteryosang matanda. Binulungan niya ang talong. "Diyan ka lang muna ha, mamya pag wala na si tatay, subukan natin yung sinasabi ni lola kanina."

"Ok, wait lang me sa 'yo."

Nabitawan ni Dindin ang isang pinggang mainit na NFA kanin. "Amputanginang talong nagsasalita!!!"

"Dindin! Anubayan! Sayang ang kanin! Pulutin mo habang wala pang five minutes. Dali!"

Nagmamadaling pinulot ni Dindin ang natapong kanin. Minsan, nalilito siya sa kung puwede ba talaga sa kanila ang five minute rule e wala naman silang sahig. Kada may natatapon, humahalo sa lupa at putik. Pero malaki ang tiwala niya sa tatay niya. Naniniwala siya sa five-minute rule na pauso nito mula noong maliit pa siya. Pero mas nalilito siya sa mga nangyari ngayon. Nagsasalita nga ba ang talong o marami lang siyang nainom na maruming tubig kanina habang umaani ng tahong?

"Yes, nagsasalita me."

Napailing si Dindin. Tahimik siyang kumain kasabay ng tatay.

"O Dindin, bakit tahimik ka yata ngayon?"

"Tay, tingin mo ba may mga talong na nasobrahan sa fertilizer kaya nakakapagsalita?"

Natigilan si Mang Dondon. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ng nanay ni Dindin. Ang sabi, nangungusap daw ang talong ni Balong, ang kapitbahay nilang basurero. Sino raw ba siya para tumanggi. Ang alam ni Dindin ay sumakabilang buhay ang nanay niya at inagos ng matinding baha kaya di na niya nagisnan. Ang totoo, sumama kay Balong. Tinangay ni Balong ang asawa niya at hindi nanlaban. Nang dahil sa talong.

"Dindin, ang mga gulay ay hindi nagsasalita. Kaya nga pag na-comatose ang tao, sinasabi "gulay na" kasi hindi na nagsasalita at nakakakilos. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman po. Naisip ko lang." Sinilip ulit ni Dindin ang talong mula sa kinauupuan niya.

"Laging may exception to the rule. Ako iyon."

"Narinig mo yun tay?"

"Alin?"

"Yung nagsalita ngayon lang."

"Anak, mamya kung malambot ang dumi mo at parang nasusuka ka, sabihan mo ako. Baka na-red tide ka. Kung anu-ano yang naririnig mo. Pupunta tayo sa health center agad."

Tapos na silang kumain ay hindi pa rin matahimik si Dindin. Una, yung lolang nagte-twerk na nahimatay, naglaho. Ngayon naman, nagsasalita ang talong. Naisip niyang baka nga na-red tide siya. At kahit nami-miss niya ang tatay niya sa tuwing umaalis, sa unang pagkakataon, excited na siyang umalis ito para masubukan ang pinagagawa ng matanda.

"Dindin, aalis na ako. Mahaba haba ang session namin ngayong gabi. Hindi ako titigil hangga't hindi buo ang pambayad natin ng upa sa bahay. Magpahinga ka na agad. Uulitin ko, pag malambot ang dumi mo at nagsuka ka, puntahan mo ako agad para makatakbo tayo sa health center."

"Hindi po ba puwedeng itext na lang kita? Malayo rin iyong pasugalan e."

"Puwede naman kung pareho tayong may cellphone."

Itutuloy...

Thursday, July 21, 2016

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)

Heard this from a poetry reading session at work, earlier this year. A colleague, a Japanese national, read this to us in her native tongue and provided printed copies of the English translation. I kept the handout in my in-out tray. Every once in a while, on challenging days, I would read the poem and find comfort and inspiration. I am starting to pack my stuff to move to a new home at work. I am not bringing the sheet of paper with me. Because, "Such a person I want to be." Light, uncluttered, open and true. On my desk and on everything else.

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)
by Kenji Miyazawa

Unbeaten by rain
Unbeaten by wind
Unbowed by the snow and the summer heat
Strong in body

Free from greed
Without any anger
Always serene 

With a handful of brown rice a day
Miso and a small amount of vegetables suffice

Whatever happens 
Consider yourself last, always put others first
Understand from your observation and experience
Never lose sight of these things

In the shadows of the pine groves in the fields
Live modestly under a thatched roof

In the East, if there is a sick child
Go there and take care of him
In the West, if there is an exhausted mother
Go there and relieve her of her burden
In the South, if there is a man near death
Go there and comfort him, tell him “Don’t be afraid”
In the North, if there is an argument and a legal dispute
Go there and persuade them it’s not worth it

In a drought, shed tears 
In a cold summer, carry on 
Even with a sense of loss

Being called a fool 
Being neither praised nor a burden

Such a person I want to be

Tuesday, July 19, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 1

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Si Vilatra ay ang makabagong superhero ng mga malabong pangangailangan. Si Dindin siya sa tunay na buhay, ulila sa ina, at kaisa-isang anak ni Mang Dondon, kilalang sugarol sa Baranggay Tulyahan. Pinagsikapang palakihin ni Mang Dondon si Dindin sa sipag at tiyaga. Dugo at pawis ang puhunan niya sa tong-its para may maipakain sa anak. Kapag holiday sa sugalan, suma-sideline si Mang Dondon sa tahungan kaya kinalakihan na ni Vilatra ang hapag kainan na mas masagana pa ang tahong kaysa sa kanin. Paborito niya talaga ang tahong. May sabaw o wala, gustong gusto niya itong kainin.

Noong minsang papauwi si Dindin galing sa pag-aani ng tahong, nadaanan niya ang isang matandang babae na tinatapat ang tumbong sa mga nakaparadang bus. Kakaiba man ang trip ng matanda, wala ng nag-abalang sawayin siya kasi nandun ang Bayan ni Juan sa bus terminal nung mga oras na iyon. Mahaba na ang pila para sa "bring me game." Ang pinabibitbit nung araw na iyon ay stool sample sa garapon. Dapat daw maligamgam kasi kung hindi, disqualified ka. Buti naman may disiplina ang lahat. Natakot si Dindin na kung magkagulo ay maghahalo ang balat sa nataehan.

Nilapitan ni Dindin ang matanda at tinanong. "Anong ginagawa mo nay?" Simple ang nakuha niyang sagot. "Eh di nagte-twerk." Napakunot ang noo ni Dindin. Kinalkula niyang mabuti yung mga nakikita niya sa TV kumpara sa ginagawa nung lola. "May problema ba iha?"

"E nay, nakatuwad ka lang nang slight. Nakatapat lang ang puwet mo sa tambutso. Asan ang twerking diyan?"

"It's all in the mind. Pawis na pawis na nga ako sa isip ko o."

Bigla na lang nahimatay ang matanda. Natakot si Dindin. Para kasing tinatakasan na ng buhay ang matanda. Niyugyog niya nang niyugyog ang lola. "Nay! Nay! Nay!!!". Ginalugad ni Dindin ang dala niyang plastic bag. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya pero parang may ideya siya na dapat painumin ng tubig ang nahihimatay. Sumabog ang laman ng plastic bag sa lupa. Puro tahong. Binilisan ni Dindin ang pagiisip ng solusyon. Pumitas siya ng isang tahong, dinai-daiti ang daliri dun sa kuntil sa gitna. Ayun, patak ng tubig! Tinapat niya ang tahong sa bibig ng wala pa ring malay na matanda. Mga naka-sampung dinaliring tahong bago nahimasmasan ang matanda.

"Shit. Dapat talaga nag-zumba na lang ako, hindi pa malakas ang core ko para sa twerking."

"Ayos ka na ba nay? Grabe naman ang pag-twerk mo sa isip mo. Nahimatay ka tuloy."

Dumukot ang matanda ng isang malaking talong mula sa kanyang bra. "Dindin, napakubuti ng iyong kalooban. Ikaw ang karapat dapat na magmay-ari nito."

"Nay, tahong po ang paborito ko hindi talong. Aanhin ko po yan?"

"Isusubo mo ito. Kapag sumayad ang talong sa iyong lalamunan, mapapasaiyo ang kapangyarihan ng lahat ng kababaihan sa buong universe."

"Magiging Ms. Universe ako?"

"Huwag kang masyadong ano. May height requirement yun. Kabisaduhin mo itong dalawang salitang ito. Isigaw mo bago mo isubo ang talong."

Inabot ng matanda ang palara galing sa isang lumang kaha ng yosi kay Dindin. May nakasulat nga na parang lettering sa lumang bote ng San Miguel Beer.































"Nay, kapampangan ka pala. Anong ibig sabihin ng ENGKANAKEPUH?"

Nagulat si Dindin dahil wala na ang kausap niya.

Itutuloy pag may time...

*Nandito ang Part 2

Dirty Thoughts

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumawa nang malakas kapag may naduduwal sa banyo dahil sa bugso ng damdamin sa pagsesepilyo. Alam mong napasobra ang paglilinis ng dila at halos pati tonsils nakayod na kapag narinig mo ang "kharkkk" tapos uubo tapos halos maduwal tapos "kharrkkk" nang paulit-ulit. Alam ko masakit yun kasi lahat naman yata tayo naranasan na ang ganun pero kapag inuulit-ulit, gusto kong lapitan at sabihan ng "ayan sige pa, ulitin mo pa" tapos tatawa lang ako nang tatawa hanggang magsuka siya. Tapos sasabihin ko, "ano isa pa?" tapos ituturo ko siya at tatawa ulit ako nang tatawa.

Oo na, masama akong tao. Pero kasi tandaan natin na ang sabi ay brush your teeth three times a day. Teeth, people. Hindi tonsils.




Monday, July 18, 2016

Basa Na Naman Ako

Grabe ang patak ng ulan nung nakaraang Huwebes. Parang dura ng kapreng may ubo. Dahil naglalakad lang ako papasok sa trabaho, basang basa ako sa ulan. Walang masisilungan. Walang makakapitan. SInubukan kong sumilong sa mga nadaanang building kaso hindi ba ako mapakali na nakatayo lang at naghihintay sa wala. Ayun, sumige ako nang lakad.






































Kahit hindi ako takot mabasa, ang bag ko pala ay tinatablan din. Patapos na ang araw ko sa opisina nung napansin kong basa lahat ng gamit ko. Sinasalansan ko silang lahat sa may lamesa malapit sa upuan ko. At dahil alam kong aabutin pa ng kinabukasan bago matuyo ang mga kawawang papel at tela, nag-iwan na lang ako ng sulat para sa mga masigasig naming ate at kuya.

Nalungkot lang ako kasi di naman sila sumagot. Bakit ba kapag sumusulat ako sa mga tao walang sumasagot? #hugot

Sunday, July 17, 2016

#mychangeiscoming


No haze
No regrets
No Facebook
No dehydration
No sleep deprivation
No senseless comparisons
No intellectual and social constipation