Nuffnang

Pages - Menu

Friday, October 18, 2024

Friday Classics

Fridays meant Friday Classics in my teenage years. I'm still not over it, 96.3. #MusicHeals

Congratulations, we made it!


Day 1: Bakit ko nga ba gustong magsulat?

Naka-attend ako ng webinar ni Sir Ricky Lee kahapon. Masayang masaya ako na nakatapak sa mundo na pinapangarap kong tirhan. Yung mundo ng pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at panonood na kapaki-pakinabang. May ilang beses na nagilid ang luha ko at nagpigil akong magtaas ng kamay at magwagayway ng puting panyo. Amen, amen, totoo po iyan! 

Siyempre, nang mahimasmasan, napatanong na naman ako sa sarili ko kung bakit ko nga ba gustong magsulat. Sa totoo, meron akong nakahandang sagot na pira-piraso lang ng mas marami pang mga dahilan (I hope). Hindi lang ako satisfied sa sagot ko kaya ayokong lubayan ang pagtatanong. Makasarili kasi ang mga dahilan. Heto na. 

Una, ang pagsusulat ay sixth sense para sa akin. O kung pang-ilan man yan. Kapag may naiisip ako o nararamdaman, mas gusto kong magsulat kaysa magkuwento. Sixth sense, tama ba?

Pangalawa, marami akong gustong ikuwento pero mahina akong bumangka sa kuwentuhan. Siguro dahil likas akong mahiyain, hindi ako likas na mahusay na public speaker kahit tatlong tao lang ang kausap ko. Nabo-bore ako sa sarili ko at napapansin kong wala ring napupulot ang mga kausap ko sa kahit anong kinukuwento ko (iba kapag sa trabaho siyempre, pursigido ang lahat na marinig at umuuwing talunan ang mahina ang boses). Pero kapag tahimik ang paligid, at ang kuwento ko ay nakasulat, naririnig ako. Dinirinig ako. Wala akong hiya, wala akong kiyeme, matangkad akong nagkukuwento na parang isandaang pulutong ng mga alitaptap. Walang naiinip. 

Pangatlo. Marami rin akong pinaniniwalaan at kasama sa mga gusto kong ikuwento ang mga opinyon ko at paghihimay ng mga bagay-bagay. Siyempre paminsan minsan ay gusto ko ring magmagaling lalo kapag sigurado naman akong may baon akong husay.

At iyan ang mga self-serving na dahilan kung bakit gusto kong magsulat. Kung may self-serving ay meron ding in the service of Earthlings --- hindi lang mga Pinoy - -- ang dahilan. 

Pero sa susunod na lang iyan. Iiyak pa ako, mahaba pa ang gabi.

~November 16, 2020 | 12:48AM-01:25AM

Thursday, October 15, 2020

Napalabas ka na ba ng online classroom?

 May teacher ang isang anak namin na sensitive sa ingay. Ngayon lang ay nag-pass the message siya kay bagets-who-shall-not-be-named na lumabas raw kami ni George ng kuwarto. Hindi naman umiiyak si George, gumagawa lang siya ng happy sounds habang naglalaro sa tabi ko. 

Naalala ko nung napalabas ako ng isang teacher namin nung high school. Three days niya akong hindi pinapasok sa klase. I still maintain na dahil iyon sa isang subconscious thought bubble na nakawala nang bonggang bongga. Isinigaw ko sa klase na "andyan na si ma'am <insert pinaglaruang surname here>!!!!!" Bilang warning sa mababait kong classmates. Aba, first time pa lang narinig sa earth yung version na yun ng apelyido nya, hindi ko yon pinlano. Si Miss Sibolboro nga na pinagtawanan ang latina apelyido kong Rabanal ay ni hindi ko binalak kantiin ang apelyido eh. Innocent talaga ako. 

Anyways, itong online classroom nasa realm siya na walang masyadong nakakakilala pero nakakulong pa rin yung mga device at tao na gumagamit sa kanya sa physical space. Sana mas maging sensitibo naman tayong lahat sa kung ano ang nangyayari sa physical space.

Pero sa ngayon, in effect, ang sabi ni teacher ay---

"Bochogs*, out!!!"

_____

*Ang Bochog ay ugali namin at di tunay na apelyido.

Monday, October 12, 2020

#Daldalan2020 - Episode 002

 #002. Talong, Mga Tatay na Walang Asawa, Vloggers, at Dugyot na Bahay

***No faces, no editing of background noise, no mics, no scripts. It's two burned out parents (sometimes with their middle child) trying to hold decent conversations over what feels like hurried meals, everything, or nothing.***




Saturday, October 10, 2020

#AcademicFreezeForMentalHealth

 Hindi mura at hindi madali mag-set up ng LMS (Learning Management System) kaya hindi rin naman natin masisisi ang mga eskuwelahan kung ang lahat ay nagiging LMS - LAHAT MANUAL SUBMISSION. Pero may mga dapat na nakakaalam na sana niyan bago pa nagyabang na matagal na raw nating gamay ang online learning. Dinamay pa ni Madam ang UP na noon pa raw ay marunong na sa online. Hello sa Moodle <insert confidential emotions here>.

So ayan, kada may seatwork, quiz, exam, pipiktyuran yan ng mga magulang/caregivers/guardians tapos ipadadala sa teachers. Which is fine kung yan lang ang inaatupag namin sa buhay namin. 

Sobrang extreme ang need for proof of learning and compliance. Nung nakaraan ay kaunti akong mag-rally dahil gusto ng mga teacher na kunan namin ng picture ang aming special needs na dalaginding habang nakaupo sa toilet at umiihi.  At ipadala raw sa kanila as proof na marunong na gumamit ng banyo si bagets.  Buti naman ay umurong sila teacher noong sinabi ni Sirsts na hindi kami kumportableng gawin yon. Optional naman daw. Great, sabay delete nung isang nanay ng picture ng bagets niya na jumijingle na sinend sa aming group chat. 

Oh well. Sinong bobo kasi ang magsasabing state of calamity tayo pero tuloy ang online classes. 

#AcademicFreezeForMentalHealth