Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, December 22, 2016

Puro na lang hugot, pasok naman please.


























Nasira ang barista robot kanina lang. Sinusubukang ayusin ng mga tao sa tindahan pero ayaw talaga magtino. Nagtanong na ang kahero.

"Cancel na ba o hihintayin niyo maayos?"

Nagpaka-bibo yung kasabayan kong naglalaway sa kape.

"Sanay naman akong maghintay."

Nagkagulo na. Tawanan, kantiyawan, tapos ang pinakamaingay na salita ay "HUGOT."

"Ang lalim ng hugot ni sir ah!"

Bigla akong nainis. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa caffeine deprivation, pero naisip ko lang bigla na balang araw, mamamatay ang mga salitang gaya ng:

  • Niloloob
  • Saloobin
  • Kinikimkim
  • Dinaramdam
  • Piping pagnanasa
  • Piping paglingap

Nalungkot akong bigla. Sa sobrang bisaklat sa pakiramdam ng mundo ngayon, lahat na lang nilalabas at ginagawang katatawanan. Don't get me wrong. Nakikitawa din ako sa mga hugot lines na yan. Actually, libangan ko ring gawing pang-heartbreak city ang mga konsepto sa trabaho. For example, nung trainer ako sa isang travel account naimbento ko ang catch phrase na "I'm a chance passenger in your overbooked flight." Pero hindi ko sinasagad, kadalasan tulong ko lang sa sarili ko para maalala ang mga bagay.

Awat na sa hugot, mga kababayan. Baka malimutan na natin ang tunay na ibig sabihin ng masaktan, maiwan, magmahal at mag-alinlangan. Magtira tayo ng mga "feels" para sa atin, para sa mga makata, artista, pintor at manunulat. Hindi puwedeng masaya tayo lahat. I'm sorry, hindi talaga puwedeng tatawa lang nang tatawa. Hindi puwedeng nagtatago lagi sa "hehe"para kunwari cool.

At higit sa lahat, laging tatandaan. Ang hugot ay abala sa sarap. At wala ng mas sasarap pa kapag nadurog ka at nabuong muli.


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!