Madalas na kaming "nag-uusap" ni TNLO sa telepono pero one-way lang ang vocals. Siya, tatangu-tango lang sa kabilang linya. Kaya gulat na gulat ako nung Lunes. May sumasagot na sa akin. Ito ang aming nakakakilig na usapan.
TNLO: Elow?Tapos binitawan na ang telepono. Sabi ng Ate J niya, "uy usap pa raw kayo ni mommy mo."
Ako: Anong gawa mo?
TNLO: Dito lang ako.
Ako: Si Popot nasan.
TNLO: Dun upo. Popot, maya na lang! (pinapagalitan ang Ate TLO niya kasi nangungulit)
Ako: Si Dadda nasan?
TNLO: Luto.
Ako: Anong gagawin mo pagkatapos mo kumain?
TNLO: Dede.
Ako: Tapos?
TNLO: Toothbrush.
Ako: Tapos?
TNLO: Tulog lang.
TNLO: Ikaw na lang.
(ayaw na akong kausapin, si Ate J na lang daw makipag-usap sa akin)
Ang brusko diba? Medyo nasosobrahan ako sa kilig sa batang ito pero kailangan na namin siyang turuan gumamit ng "opo" at "ate/kuya" at huwag ituro ang mga guard para sabihing "guard ka!" nang paulit-ulit.
Three different images found online, digital magic is mine. |
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!