Thursday, August 06, 2015
2015 Cost of hiring yaya from agency
Umalis na ang pa-bebe girls namin. Biglaan, two-day notice. Pinauuwi na raw ng nanay ang isa at ang kaberks niya siyempre ay agad-agad na sumama. Dahil nagmamadali, sinuong na naman namin ang "agency" route. Nakakababa ng matres ang pagtaas ng sahod at agency placement fee. Last year, nasa PhP 5,000 ang placement fee at suweldo. Ngayon ay ito na. Tumataginting na PhP 6,700 ang initial money out para lang sa isang yaya. Dalawa ang kailangan namin kaya kami ay sumasayad na talaga sa poverty line.
(Minimum) Suweldo ng Yaya - PhP 6,000.00
Agency Placement Fee - PhP 5,000.00
Agency Yaya Bond (20% ng suweldo ng yaya) - PhP 1,200.00
Agency Delivery Fee (kapag ihahatid sa bahay niyo ang yaya) - Php 500.00
*Makati rates ito, mas mura madalas sa Quezon City pero ayaw na naming umulit sa mura dahil naging masalimuot ang ending. Nagreklamo ang mga dineploye na yaya sa amin ng Mostacisa Agency na hindi raw sila amenable maging yaya pero pinilit sila at bukod dun e kinukulong pa sila sa bahay-bahayan ng agency. Kinailangan naming magpa-blotter. Aba meron din pala silang ginawan na ng ganito dati (CTRL+F Mostacisa).
Nabigyan nila kami agad ng isang yaya. Ang style ng mga agency, either may mga nakatira na sa kanilang aplikante for deployment o kaya maghahanap pa lang pagkatapos mo magsabi na kailangan mo. Nakatiyempo kami na may isang available. Kinabukasan ay naihatid na ang yaya. Sana naman ay maayos ang pagkatao ng isang ito.
Walang kasiguraduhan ang pagkuha ng yaya sa agency. Iyung huli naming nakuha sa Asonics, mabait sana kaso nagbakasyon at hindi na bumalik. Maasahan ang Asonics, gaya ng iba pang nasubukan naming agency, sa mabilisang deployment. Pero masakit sila sa bungo kapag may issue sa replacement. Lagi kasing kasama sa contract na may free replacement within six months kung may problema sa nabigay na yaya. Ang kaso, ito yung mag-aantay ka kung kelan nila gustong bigyan ka. Siyempre alangan namang unahin ka nila eh hindi ka na magbabayad. Halos dalawang buwan kaming naghintay ng replacement last year. Kund hindi pa ako nagbantang magrereklamo sa DOLE para masuspinde ang lisensya nila e hindi pa kami maaasikaso.
E maski naman hiring sa kakilala eh problema rin. Ang mga yaya these days parang call center agents. May lakas ng loob magmalaki kasi ang taas ng demand sa kanila. Walang pakialam sa trabaho kasi laging may malilipatan. Hay naku, Pilipinas. Hay naku talaga.
Asonics Employment Services
Address: 2107-1D, Nuestra Senora Street
Cor. Antipolo Street, Guadalupe Nuevo
Makati City
Phone Numbers: 00632 896 9219 or 895 7507
Mobile number: 0933 6899901
Email Address: asonics_employment@yahoo.com
Cherryland Manpower Services
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!