Nuffnang

Pages - Menu

Friday, August 23, 2013

For the road!

Image Source: nitrocellulose.net





























Pitong araw na akong walang kape! Okay naman ako. Walang withdrawal to date. Inaabangan ko pa. Wala pa rin naman akong nabubulyawan (kasi nagyoyosi pa ako huhuhu).

Hindi ko gawaing makipaglaro sa Diyos. Pero kapag pala desperado ang tao, talagang nagkakaroon ng bonggang audience impact ang OPM (Oh Promise Me). Sakto sa marubdob na depresyon ang naging kwentuhan namin ni Hot Momma I. May nakapagsabi raw sa kanya na minsan, magandang subukan na mag-sakripisyo para makuha ang dinadasal. Umisip daw ng mga mahalagang bagay, bisyo, pagkain, tao, hayop, etc., sa buhay mo. Tapos ialay mo. Wala akong maiaalay na birhen, saka hindi na yata uso iyon. Kaya naisip ko na para makapagsalita na ang aming Little One, hindi na ako iinom ng kape.

E bakit kape? Bakit hindi yosi? Kasi yung yosi naman ay inalay ko para sa isa pang hiling. Saka ko na isusulat kung anong resulta. At saka lahat ng friendly taong pugon sa iyong neighborhood ay sasabihin ito ng may ngiti sa labing maitim - ang kape at yosi ay soulmates. Pag nagsanib yan, ibang level ang sarap. So kapag wala na si kape, mabilis na rin siguro (sana!) ang pagsunod ni yosi sa hukay.

Anyway, successful naman ako sa no coffee lifestyle. For the past seven days. Kaya naisip kong itodo na rin ito. Any colored and flavored drink na unhealthy ay hindi ko na gagalawin. Pero siyempre, matalino si God. Kaya dapat specific din ako sa mga exception.

~ Fresh Juice
~ Gatas (hindi kasama ang chocolate drink kasi masarap yun sa akin)
~ Yogurt Drinks

In summary, lahat ng masarap lang sa bunganga at sa kaluluwa pero salbahe sa katawan ay bawal na.

Ang huling intake ko ng makasalanang mga inumin ay nangyari na kagabi. Gulaman kasama ang mga ex-team mates-friends. At saka yung napakalapot na Hershey's Dark Choco Loco drink na nakakaloka (galing sa 7-11) with Hot Momma I... Bilang ilang taon kaming di nagkasama.

Sana ay mawagi ko ito. At sana, totoo nga na may himala.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!