Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, August 31, 2017

Coincidence


Ate, masaya ako para sa iyo kasi hindi ka nauubusan ng confidence. Kinaya mong maging preachy kahit inutil yang world view mo.

Kung hindi mo pa alam, may mga taong sa gabi nagtatrabaho at hindi pa man pauwi ng bahay sa mga pagkakataong bilib na bilib ka sa sarili mo kasi gising ka na. 7AM ba?

Gusto mo ng palakpakan? Gusto mo ng bagong kaalaman?

Anong ginagawa mo kapag 1AM? Sarap siguro ng tulog mo ano? Kami na mga panggabi, nangangalahati pa lang kami sa shift namin nun. Kaya tulog ako maghapon kasi magkabaligtad ang oras natin, boba.

Hindi ko alam kung ikaw at ang mga kagaya mo ang dahilan kung bakit ako nasisilip at nasusumbatan na maraming pagkukulang. You and your healthy living. You and your belief that "life is too short for sleeping."

Ignorance is bliss. Sarap sigurong maging ikaw pero huwag na lang. Kasi galit ako sa magnanakaw.


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!