Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, January 22, 2017

Will you marry me?

Naka-jackpot ako na maimbitihan sa isang bonggang bonggang wedding proposal. First time ko makanood ng ganito sa totoong buhay, ang ganda, ganda, ganda! Sana iniimbitahan din ako ng mga artista para hindi na ako napapagod manood sa YouTube.

Gusto ko ang song selection. Pagpasok ng beautiful bride-to-be, ang kanta ay "Saving Forever For You" ni Shanice. Hindi Pempengco, Shanice lang, walang apelyido. May AVP ng mga pictures nila ni boyfie niya through the years. Pagkatapos ng AVP, may kumakanta naman ng live ng "Panalangin." Ukelele ang gamit ni Ate at medyo nanghinayang ako na gitara ang kinakarir ko. Parang mas mabilis ang progreso ng maliliit na kamay sa ukelele kaysa sa gitara. Anyways, sa gitna ng kanta ang speech at luhuran portion ng groom-to-be. Lakas makaluha ng ganitong eksena. Hangswit!!! Tapos, nung masungkit na ang matamis na oo ay "Nothing's Gonna Stop Us Now" naman.

Manghang mangha rin ako sa set up ng lugar. May pathway na puro bulaklak sa entrance. Tapos isang pathway pa ulit na puro kandila, rose petals sa sahig, at roses naman papunta sa isang table. May magandang kuwento tungkol sa table. Noong araw daw kasi na magkaibigan pa lang ang couple na ito, randomly tinanong ni girl kung iimbitahan ba siya pag kinasal si guy. Ang sagot ni guy, "oo naman, gusto mo table #2 ka pa." Kaya ang table na sentro ng gabing ito ay may label na table #2. Imbitado nga naman siya sa kasal, siya pa ang bride. Boom!

Ang isa pang kuwento na nakaantig sa mommy heart ko naman ay ito: mommy ni guy ang nag-ayos ng lugar. Concept niya lahat ng romantic details kaya ang kuwento ng daddy ng groom-to-be ay bigla siyang nasingil tuloy at natanong na "bakit nung tayo walang ganito?"

Dahil diyan nagkaron ako ng bagong pangarap. Pag si TNLO ang nagpropose balang araw, ibubuhos ko ang isandaang porsiyento ng lakas ko para sa concepts at designs. Yihaaa!!!

Finally, bet ko ang pagkakatanong ni guy. Hindi, will you marry me. Hindi rin, let's get married. Ang tanong ay nakakakilabot. Will you give me the honor of calling you my wife? Or something. Medyo di ko na narinig lahat kasi hinihigit ko ang tonsil ko para di pumalahaw ng iyak.

Days before today, sinasabihan ko lagi si guy na "you have to do this right!!!" And boy, he delivered. Sabi nga ng soon-to-be-wife ay perfect and beyond everything ang experience.

Best wishes sa kanila. Invited din daw kami sa wedding kaya magda-diet na ako. Ang ganda ng mga angkan nila. Nakakahiyang maging thorn among the roses, na siguradong babaha sa kanilang wedding day.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!