Nuffnang

Pages - Menu

Friday, December 18, 2015

Ilocos Manang Joy Empanada

Parang informal settlers na ang tiangge sa open area ng building namin. Hindi pa lumalabas ang 13th month pay, naka-halloween costume pa lang ang mga tao, nagkalat na ang mga paninda. At hindi sila umaalis hanggat hindi ka gumagapang sa kahirapan. Maraming nakakatakam na paninda - nakakain o hindi - pero itong puwestong ito ang talagang hindi nawawalan ng tao. Laging may pila, parang government office.

Ang pangalan nila ay Ilocos Manang Joy Empanada pero parang wala naman akong nakita o narinig na Ilocano sa mga tindero at tindera nila. Ayus lang iyon. No problem. Ito ang mga sahog ng empanada. Longganisang Vigan, repolyo and friends at saka itlog. Ibabalot sa kulay orange na harina na nasa gawing kaliwa (na puwede rin sigurong gamitin sa kwek-kwek) tapos idadarang sa dagat-dagatang kumukulong mantika. 












































































May iba't-ibang uri ng empanada silang tinitinda. Sinubukan ko yung simple lang kasi pritong empanada virgin ako. Ayoko muna ng kumplikado. Sa lahat ng pagpipilian, ang pinakamura ay yung tinatawag na "Special Empanada." Mura pero special. Parang ako lang iyon kaya siguro napabili ako.







































Siyempre pa, Pilipino ako. Ang tinapay ay meryenda lang. Dapat may kanin kung pananghalian. At naisip na nila iyon siyempre pa kaya may kanin meals din. Bagnet o kaya Vigan longganisa. Pinili ko ang longganisa kasi nakikita niyo ba yung bagnet sa likod?

Ito yun sa malapit. Malakas itong maka-broken heart. Natakot ako.



Nagustuhan ko ang Vigan logganisa. Malinamnam, sakto lang ang bahid ng bawang. Iyung pritong empanada naman ay hindi pa para sa akin sa ngayon. Hindi ko pa siya naiintindihan. Nalilito ako kung ano ba ang gusto kong mangyari sa sinusubo ko. But then again, lagi naman akong nalilito so posibleng hindi nila kasalanan yun. 

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!