Wala nga akong katabi sa kama. Kaya ito ang napagdiskitahan ko. Nasa itaas ako ng double deck ng mga bagets kaya ang lapit ko sa kisame.
Puwedeng billboard ng isang indie film diba? Erotic-Suspense-Thriller. Ang bida ay isang babae na process analyst and specialist. Kita niyo yung ilaw? Database icon yan sa process maps! Ito ang kwento. Yung si ate, lagi siya nag-uuwi ng lalake tapos alam niyo na... tapos lahat ng lalakeng dadaan sa kanya ay umuuwi na wala sa sarili. Kasi hinihigop ng kimchi ni ate ang essence of a man papunta dun sa database. Habang may essence, may ilaw. Kada hinihigop ang essence of a man, may lalabas na parada ng images at videos ng mabubuting bagay na ginawa niya sa buong buhay niya.
Habang tumatagal, napapansin ni ate na nababawasan ang dami ng essence na nakukuha niya sa bawat biktima. Minsan nga wala talaga. Nag-aalala siya. At habang kumukonti ang essence at lumalamlam ang database, tumatanda ang itsura niya. Mabilis ang pagtanda ni ate. Halos hindi na siya makalakad in 3 days na walang essence.
Magkakaroon ng recap ng lahat ng pagtatangka ni ate na humanap ng lalake in the past three days. Sa dulo ng lahat, mamamatay ang ilaw. Pipikit din ang mata ni ate. Patay silang pareho.
Thursday, August 20, 2015
Pillow Talk
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!