Abot-abot ang bokot ko kagabi. Akala ko matetegi na ang lola niyo. Nakahiga na ako nun at matutulog. Bigla na lang naramdaman ko nangangapal ang ulo ko. Hindi mukha, nangyayari din yung kumakapal ang mukha ko pero ako ang may gawa nun. Ito, yung tuktok ko at buong ulo ang parang lumalaki at namamanhid. Tapos yung mata ko kusang sumara. Hindi ko maidilat. Yung talukap ng mata ko at noo ay may erection. Naninigas. Kinapa ko sa dilim si Sir at ginising. Sabi ko, paki-bp ako plist? Ayun 140/100. With honors.
Nakatulugan ko ang takot at dasal.
I really should start taking care of myself. Ito yung level na makikipag-away dapat ako para sa tulog at pahinga. Mahirap talaga ang tumatanda. Gusto pa ng kaluluwa ko na maging superstar pero yung katawan ko parang handa nang maupo sa rocking chair, maggantsilyo at maggising ng 4AM para mag-walis ng bakuran at mag-siga ng mga tuyong dahon habang nakikinig sa AM radio (dapat AM/PM radio kasi diba meron ding AM radio sa gabi?).
Madalas din ay napapansin kong sumasakit ang dibdib ko sa tuwing ako ay magagalit. Tangina naman kasi itong sila... ayan... ayan... nagagalit na naman ako.
Ayoko pa mamatay, k? Lez see how this goes.
Saturday, July 25, 2015
I think... Mild Stroke.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!