Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, April 11, 2013

Balik Aklat Project #02: Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon

Patok na patok sa mga bagets si Bob Ong. Nung minsan, sa office, may nagtanong sa akin kung ako raw ba si Bob Ong - pareho raw kaming sumulat. Aba, sumirko ang puso ko pero may kirot. Sayang, hindi nakilala ng lahat ang nagpauso ng writing style na kinasikat ni Bob... Si Sir Jun Cruz Reyes. Hindi si Bob Ong ang peg ko. Si Sir Jun. Forever yan.

Highschool ako noong una kong nabasa ang "Utos ng Hari." Para sa bagets na naghahanap ng boses at kakampi sa mga tanong na walang gustong sumagot, malalim ang impluensya ni Sir Jun. Noong nalaman kong professor siya sa UP, araw-araw akong nagsi-sit in sa klase niya kahit tapos na ako sa Humanidades. Cult following ang drama.

Manunulat, pintor, iskultor, hard core bookworm. Hindi mahilig mag-ayos (akala nung mga kaklase ko, noong unang araw siyang pumasok - janitor na tumatambay sa classroom). Walang ere. Walang kinikilalang batas sa proseso ng paglikha.

Sa halos isang semestre na ako'y salimpusa sa klase niya, sa ilang libro na hiniram ko (walang pera guysh) o iniregalo sa akin (nakuha sa pagmamakaawa), mga kwento, pagninilay-nilay at pangaral niya ang aking utopia.

Kaya nung makita ko ito sa Powerbooks, hindi ko na binitiwan (uy, may pambili na!). Matanda na ako para kumapit sa pangarap na makasama siya sa mga writing workshop o bumuntot-buntot sa kanya kahit saan siya magsuot. Pero lagi pa rin akong burara. Alam na niya ang ibig sabihin non. At balang araw, kahit di ko pa alam kung paano, magagawan ko ng paraan na ikarangal niyang ako ay isang fan (mapapangiwi siya rito).


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!