Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, April 14, 2013

Bakit ayoko na maging mataba

Alam kong maraming problema ang mundo pero ibalato na ito sa akin. Simula pa noong nalaman kong ang mga pantalon ko ay sa fat zones na lang pwedeng mabili, hindi na nawala ang obsesyon. Ayoko na. Ayoko na maging mataba.

Walang dapat sisihin kundi ako. Wala akong exercise, matakaw ako sa kanin. Ang almusal, meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan at meryenda pa ulit ay laging kanin. Hindi ako nabubusog kapag hindi kasama sa menu ang extra rice.

Hindi pa abot ng kamalayan ko ang health risks ng pagtaba, pero alam kong pwedeng mangyari ang pagtaas ng presyon, heart attack at kung anu-ano pa. Kailangang aminin na ang obsesyon na ito, sa ngayon, ay mula sa purely cosmetic reasons.

Disclaimer: Kung mataba ka at hindi mo ito problema, I'm so happy for you. You, my adorable big woman idol, are free. Just don't judge. I may find your bliss somewhere, sometime...

Image Source: http://thecurvygirlsguidetostyle.tumblr.com
























1. Gastos sa damit

Kung bakit kasi ang presyo ng damit ay directly proportional sa dami ng tela na gagamitin para balutin ang mga bilbil at gumawa ng optical illusion na hugis tao ka pa rin kahit sa totoo ay isa kang naglalakad na higanteng bote ng mineral water.

Kung bakit din kasi, sa kagustuhan ng mga negosyante na alagaan ang mga matatabang market ay panay din naman ang taas ng presyo ng kanilang mga paninda. Hindi porke't mataba at maraming access sa pagkain ay marami ring pera.

























2. Mga damit na may binabagayan

Oo na, oo na. Kung tunay kang mulat na babae ay dapat alam mo na fat is beautiful. Pero aminin nating lahat na may mga yari ng damit na may binabagayan. Kapag naka-sleeveless, maaaring may mga tumawag ng pulis dahil parang may kaaway ang mga lawlaw na braso. Ang mga pantalon, kahit kasya na sana, ay nagmumura sa bandang puson. At natatakot kahit si Thor sa potential ng naglalakihang pata. Bakit kasi nalaos ang Rubenesque. Hay.

Image source is here



















3. Mga lalake

Or isang lalake. Na gusto mong angkinin. Iyong kahit may makitang sexy, ang sasabihin ay --- mas sexy jowa ko dyan! Kahit pinipilit niyang maging mabait at sinasabi niya araw araw na ikaw ang nag-iisang hot one sa kanyang universe, alam mo namang hindi ito supported by empirical data.


Image source is here

















4. Mga tao

Kahit mataba, namimintas ng kapwa mataba. O e ano ngayon? Masakit yon. Masakit. Kasi alam mong ikaw ang may gawa ng iyong timbang. Di tulad ng ibang disability na gawa ng Diyos, ang bilbil ay gawa ng tao. Kaya masakit.

Image source is here


















5. Mahirap kumilos

Aakyat ka lang ng mataas na hagdan, para kang sumusunod sa tawag ng kabilang buhay. Hindi ka pwedeng makipag-horseplay sa mga kaibigan kasi kakapusin ka ng hininga o kaya babaha ng sebo. Hindi ka rin pwedeng gumaya sa mga Koreanovela na bigla na lang pumapasan sa lalake ang mga babae kapag lasing or nalulungkot. Katapusan na ng lover boy mo kapag kinarir mong magpakarga.

At iyan, mga kaibigan, ang limang dahilan kung bakit ayoko na maging mataba. Please pray for me. Sa susunod na post ay akin namang pag-iinitan ang mga babaeng parang shredder kung lumamon pero hindi tumataba. Mga traydor.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!