Kung ako eh may sakit sa puso, ilang beses na siguro akong inatake sa konsumisyon kay Ate Pretty. Dahil diyan, panahon na para magkaroon ng blog entry tungkol sa kanya.
Bakit Ate Pretty? Kasi SAKSAKAN SIYA NG ARTE! Kapag walang ginagawa, maaasahang nakatayo siya sa harap ng salamin. Ayos nang ayos nang buhok at panay ang titig sa sarili. Umaabot sa puntong hindi ko na maintindihan kung sakit ba ito. Minsan kasi, si Little One ay tatambay sa kuwarto kasama ko. Si Ate Pretty maiiwan sa labas. Wala pang ilang minuto, nakadikdik na agad ang mukha niya sa salamin. Hindi siya nagsasawa. At... isang oras siya kung maligo. Hindi ako nagbibiro. Nagka-UTI na ako once dahil sa pagpipigil ng jingle.
Sponsored namin ang supply ng sabon ni Ate Pretty kaya alam namin na may obsesyon siya sa pagiging maputi. SILKA. Sa October, dalawang taon na siya sa amin pero wala namang nagbabago. Kung ako sa kanya, sisingil na ako ng refund.
Hindi na namin sponsored itong mga ito pero kitang-kita ko na 6 times a day siya maglgay ng Silka Whitening Lotion. Si hubby naman ay ilang beses nang muntik mapahiyaw dahil sa Mena na nilalagay ni Ate Pretty sa mukha niya, mga twice or thrice a day. Phantom of the Opera ang level guysh.
Ang pinaka-nakakapikon ng breaking news. Nahuli ko siyang ginagamit ang lotion ni Little One. Sa halip na mag-sorry, ang sabi lang niya ay --- "di na naman 'to ginagamit diba?"
Para sa kanyang buhok, si Kim Chiu naman ang inspirasyon ni Ate Pretty. Rejoice Anti Frizz. Lagpas isang taon niya rin itong ginamit kaso sa simula ng taon, nag-request siya na Rejoice Rich na lang daw, "kasi nag-dry ang buhok ko sa Anti Frizz eh." Kaya mo yan?
Noong simula, hindi namin sagot ang conditioner ni Ate Pretty. Kaso, may dalawang beses na nahuli kong ginamit niya ang aking Cream Silk conditioner. Kung babae ka, alam mong di maikakaila kapag gumamit ng Cream Silk ang huling gumamit ng banyo. Napakalakas ng amoy, abot hanggang bituka ang conditioning power. Yun nga lang, sa halip na pagalitan ko si Ate Pretty, ang naisip kong gawin ay ibili na lang siya ng sarili nyang conditoner kaysa nang-aagaw. Maling mali pero kebs na. Dagdag iyan sa aming defining brand promise bilang employer. Charot.
Hindi lang sa panlabas na anyo ang arte ni Ate Pretty. Hindi ko alam kung anak-mayaman ito --- hindi siya mahilig sa gulay. Ayaw na ayaw niya ng okra. Hindi rin siya kumakain ng tokwa at galamay ng pusit. Kapag sinigang ang ulam, ayaw niya ng sabaw.
Sa gabi, ang gusto ni Ate Pretty ay tumambay sa roof deck para makinig ng radyo or maglakad-lakad sa kalye. Inaabot siya ng 1AM sa kakatambay. At bago siya tumambay, naliligo muna. Bihis na bihis at di nakakalimot mag-lotion.
Ang arte, arte, arte, buti sana kung maganda. Well siguro kung maganda siya, pwede na siyang mag-artista at hindi mag-yaya.
Gusto ko na siyang tanggalin sa trabaho matapos ang dalawang trust issue incidents. Kaso, in fairness, mabait naman siya noong simula. Lately na lang siya nagta-tarantado (parang call center agent pag tenured
na!). At mahirap ding humanap ng yaya na walang saltik sa utak.
Oh well, tiis ganda. Tiisin ang pagmamaganda ni Ate Pretty for now. Naiintindihan ko na kung bakit maraming household na nakakarami ng yaya in a year. Dami pala talagang buraot sa mundo.
Sunday, March 03, 2013
Code Name: Ate Pretty
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!