Regalo sa ating mga babae ang mga bakla. Masaya ang buhay kasama sila. Pero hindi lahat. Take note, hindi lahat. Ito ang ilang bakla persona na naranasan ko na o naranasan ng iba at naikuwento lang sa akin. Huwag haluan ng intellectual arguments at kung anu-anong ISM-s. Hindi ito hate entry.
Baklang Rainbow Brite - masayang kasama si Baklang Rainbow Brite. Wala siyang masyadong angst sa buhay. Everything pink, shiny and bright. Para kang umangkas sa Care Bears pag siya ang kasama mo. Nagdadalagang bakla kadalasan. Sheltered kaya hindi pa gaanong balahura. Kadalasan din, ang Baklang Rainbow Brite ay out sa pamilya. Suportado ni nanay at tatay ang kanyang kabadingan. Inaalalayan ni mommy pag heartbroken sa crush na ni hindi niya sinubukang kausapin kahit minsan.
Baklang Gumapang Na Sa Lusak, At Bumangon - Paborito ko ito. Daming semplang ng mga paborito nating tawaging Inay, Nay, Mother, Mudra... daming semplang, daming bangon. Marami nang natutuhan sa buhay. Nagpaaral na ng maraming batang lalake, nagsustento na ng mga pamilya ng batang ama na minahal nang bonggang. Sa huli, nagiging ninang/ninong pa ng mga anak ng dati nilang true love. Hindi na sila active sa eksenang karnehan (minsan na lang). Lethargic na kung tumambay. Titingin-tingin na lang. Hihirit ng mga classic na hirit. Sila ang gusto kong makasama sa pagtanda.
Baklang Hindi Pahuhuli ng Buhay - Hindi natin dapat sisihin ang Baklang Hindi Pahuhuli ng Buhay. If you're gay, and you're in your early 20's to late 30's (or forever for some), alam mong hindi patok sa Meat Market these days ang loud and proud. Nandiyan pa rin ang takot sa reputasyon ng pamilya, propesyon at kung anu-ano pa kaya gagawin nila ang lahat para di majulie andrews nang buhay. Titira (pronounced two ways, my friend) sa gym para lumaki ang katawan. Papalaki ng katawan, papalaki ng boses, magde-declare na metrosexual, magjo-jowa ng babae (paiba-iba) para may ipakilala kay daddy si ate. Pansin ko lang, madalas silang umastang Baklang First Honor (up next).
Baklang First Honor - maraming unresolved childhood issues ang Baklang First Honor. Ito ang klase ng bakla na maraming gustong patunayan kaya hindi nagpapatalo. Siya dapat ang magaling sa kanyang niche world. Ang Baklang First Honor sightings ay pwedeng sa:
Informal Kwentuhan - chill lang kayong lahat, pero si bakla out to prove him/herself. Siya dapat ang bangka. Kung comedy bar ang secret Utopia niya, matatalas na tingin ang aabutin ng kung sinumang nagpapatawa. Siya lang dapat ang nakakatawa. Siya ang star of the noche buena feast. Siya dapat ang pinakamaingay. Kung tamang English si bakla, kebs sa subject-verb disagreements. Aasta itong parang di marunong magtagalog.
Corporate World - siya si Meryl Streep sa Hinayumas Wears Prada. Kung makatrato ng kapwa empleyado, parang siya ang may-ari ng kumpanya. Mahilig tumalak na parang maaayos ang problema kapag nakapang-alipusta na siya ng tao. Sa mas wagas na version ng Baklang First Honor sa corporate world, mahilig siyang: sumipsip sa boss, mang-angkin ng trabaho ng iba, manginain mas mababa sa kanya or or or... magkunwaring super straight, which is another persona.
Social Climbing World - di baleng baon sa utang basta pasok sa updated season ng kung anu-anong high-end brands. Hindi pa sapat yun, babarkada sa rich and famous at manlalait ng mga hindi niya katulad.
Fashionista World - see entry above.
Artsy Fartsy World - sisilip ng konti sa About.Com or kung anu-anong self-help site at sasabay ng opinyon, reaksyon, etc. sa mga tunay na may artistic passion.
Wanderlust World - biyahero kuning pero ang habol lang ay ang group picture with the who's who in the world of travel. Madalas ay kunektado sa hard-core athletic world of social climbing.
Other established worlds: showbiz, mass media, academe at kung anu-anong industry lalo na sa BPO/Call Center worlds.
To be continued...
Thursday, March 22, 2012
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!