Nuffnang

Pages - Menu

Saturday, January 07, 2012

Sinigang na Buto-Buto Festival

Alam ng lahat ang karakas ng mga kalalakihan (at madalas mga "paminta") na pumupukaw sa aking pansin: Payatot. Matangkad. Matangos ang ilong. Bihirang ngumiti. Bihirang magsalita. Si Mother D. ang kaalyado ko sa buto-buto (actually pasok din siya sa profile, ayaw niya lang sa akin)... Siya at ako ang nakakaunawa ng linamnam nila. Por ejemplo...























Noong isang gabi, napanood ko sa TV Patrol na dumating sa Pinas ang Madrid Team. Wala akong amor sa football. Pero napanganga ako sa mga players. Parang isang batalyon ng mga mas matangkad na Gael Garcia Bernal.

Agad kong ibinalita ito kay Mother D. Sabay naming ipinagdiwang ang linamnam ng walang masyadong laman. Binalikan din namin ang paborito naming eksena sa El Crimen Del Padre Amaro... yung tinutulaan nil Padre Amaro ang leading lady habang... ay basta. Hanapin niyo na lang.

Pero taob kaming lahat kay Mama N. Ito ang picture na tumambad sa FB. Uulitin ko ang comment na nilagay ko.

"OMG. OMG. OMG. Walang hasang. Walang kaliskis. Walang pwedeng itapon. :D"



No comments :

Post a Comment

Yum-ment!