Nuffnang

Pages - Menu

Saturday, August 01, 2015

Dahil naligo ako sa ulan today

Habang tulog ang mga bata ay tinawag ako ng ulan, Wala naman akong ginagawa at matagal na rin naman akong nangangarap na maligo ulit sa ulan kaya gawst! Habang nagpapakasasa kami ng pamanngkin kong si Melaychu sa malamig na tubig ulan at masaganang mikrobyo ng tubig baha sa kalye, dumadaloy din ang maraming alaala. Noong huli akong maligo sa ulan ay cup A pa lang yata ako, hindi pa nahahalikan, hindi pa nakakapaglabas ng bata sa tiyan (e CS ako kaya dun lumabas ang dalawang bagets), hindi pa nagtatrabaho, hindi pa nananakawan ng buwis kada buwan, hindi pa dinadapuan ng pagsuyo.

The body remembered it all when I let the rain conquer me again --- after a little over two decades. Surreal. It is not the same rain. Sigurado yan, salamat sa polusyon e naghihingalo na si Mother Earth. It is not the same body. Sigurado rin yan, salamat sa aging process at wrong choices. Nothing stays the same, oo naman. But the amount of bliss was the same. Pure bliss. Me and the rain. The spirit is happy but the body needs some passionate scrubbing and disinfecting now. Kailangan ko na maligo. Babushka for now. My dear readers, all five of you... ligo rin kayo sa ulan next time!

"Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins
The rest is still unwritten"

Read more: Natasha Bedingfield - Feel The Rain Lyrics | MetroLyrics 

Ang Hindi Ninyo Alam Tungkol Sa Pagdo-donate Ng Dugo

Ito ay usapang hindi sinasadyang narinig ng aking bunsong kapatid na si Mabbielog. May nakitawag sa telepono sa aming tindahan. Ang sabi...

"Samahan mo naman ako magpatingin. Hindi pa ako nagkakaron. Nag-donate ako ng dugo nung isang linggo. Tapos kanina nag-pregnancy test ako, positive."

O alam niyo na? Nakakabuntis daw ang ang pagdo-donate ng dugo. Tandaan ang gintong aral na ito.


Friday, July 31, 2015

Fear Factor - Nakikiuso



Kung hindi ako marunong matakot:

1. Papasok ako sa trabaho na naka-tsinelas, t-shirt na butas at maong na kupas.
2. Kapag wala ako sa mood ay hindi rin ako magsusuklay at hindi magsusuot ng bra.
3. Uutang ako nang malaki sa bangko para makabili ng sariling franchise ng Jollibee at 711. Para hindi na namin kailangang magtrabaho at makatutok sa pag-aalaga ng mga anak.
4. Maga-artista ako sa teatro at saka susulat nang susulat.
5. Idedemanda ko ang INC. In perpetual violation of my right to love. Sabeh!?!
6. Mag-aaral ako magmaneho.
7. Sa probinsiya kami titira.
8. Magpapa-laser ako ng mata para makita niyong lahat na may tinatago akong ganda. Hindi niyo lang alam.
9. Hindi na ako kakain ng kanin, balat ng manok, malutong na balat ng baboy at taba ng lahat ng hayop na masarap sa sinigang. Habambuhay.
10. Maglulustay ako ng salapi sa yoga at swimming classes.
11. Magpapaka-sweet ako sa mga mahal ko araw-araw. Araw-araw.
12. Magtatayo ako ng tindahan na may karinderya sa tabi. Ako ang cook, ako ang tindera, ako ang tagahugas ng pinggan habang nag-aalaga ng mga anak.
13. Mamamasada ako ng sasakyan para sa Grab at Uber. Pero EOP sa kotse ko para di ko makalimutan mag-English. Mainam na self defense ang english. Use wisely.
14. Mamahalin ko ang asawa ko na walang hinihintay na kapalit. Ang hirap nun sa totoo lang.
15. Hindi ko sasagutin ang tanong na ito dahil wala akong maisasagot. Pilosopo is the new black.

Isang paragraph lang ito sa libro ng aking mga kinatatakutan. FYI. Nakikiuso lang.


Thursday, July 30, 2015

Career Moves - "Should I apply for this job?"

Marami akong opinyon sa maraming bagay. Libre naman e, saka nga kaya ang saya-saya kong mag-blog. Pero sa totoong buhay, sa mga kumpulan, hindi ko ugaling magsabi ng saluobin kung hindi naman ako tinatanong. Saluobin nga diba? Nasa loob.

Kahapon ay nahaltak ako sa isang marubdob na usapan. May isang tao na nalilito kung dapat ba siyang mag-apply para sa isang bagong trabaho. Nananahimik akong nagta-trabaho e biglang tumutok ang spotlight sa akin at natanong... ano raw ba sa tingin ko ang dapat niyang gawin?

Panic Attack, boom. Una, hindi ako handa. Kung baga sa doctor o abugado, wala akong alam sa kaso. Pangalawa, hindi ko naman siya ka-close. Wala kaming dynamics na puwede kong paghugutan ng tamang tono, word choices, analogies at overall subtext at context. Daming iniisip ano? Pangatlo at higit sa lahat - hindi ako magaling sa pagpapayo. Hindi ako puwedeng lifeline o mentor sa mga religious organizations. Ang foundation ko ay isang dekadang adult learning and management concepts and experiences working with grown ups. Facilitative and servant leadership ang aking anchors. Ang pagiging facilitator ay pagiging facilitator – tutulong ka sa pagpo-proseso pero sa huli, ang taong kausap ang tutungo sa gusto niyang direksyon. Sa kanya ang desisyon, hindi sa iyo.

So napilitan akong sumagot. Ano ba ang rason mo? Medyo nalabuan ang lahat. Kinailangang linawin na hindi ko tinatanong kung anong balak niyang isagot sa interview. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ba siya maga-apply kung gusto man niya talagang mag-apply Ano ba ang gusto at ano ba ang kailangan. Halo-halong kalamay ang sagot. Hindi naman daw pera pero ok yun. Hindi naman challenge at mas magulong buhay pero kaya niya rin yun. Para sa akin ay end of conversation iyon - pag-isipan mo tapos usap tayo ulit kapag alam mo na ang sagot (pero di ko na yan nasabi kasi nagmamadali ang lahat). Kahit yung sinabi niya na feeling daw kasi ng mga tao sa paligid niya ay kaya niya ito at this is for her. Sabi ko e hindi naman sila ang magtatrabaho, buhay mo iyan. Ano ba ang gusto mo? End of conversation na nga. 

Nung may isang bagong dating na sasama sa usapan, nagbigay ng recap sa kung anong nagaganap. Ang bagong dating ay natanong din kung anong dapat niyang gawin at medyo nag-alala ako nung sinabi niya na --- ayan, ayaw naman akong bigyan ng payo ni YummyliciousLady kasi para sa kanya alam ko dapat ang dahilan ko.

Hanggang bago matulog ay bitbit ko ito. Dapat bang piniga ko ang sarili ko na magbigay ng kongkretong sagot? Nakatulog ako na may mga puting kalapati sa dibdib. Kapayapaan. I stand, and will continue to stand, by what I said. At dahil blog ko naman ito, konting speech muna,

Ang trabaho ay enabler para makamit ang maraming bagay sa mundong ibabaw. Ito ang pagkukunan ng pambayad ng kuryente, tubig, bahay at pambili ng pagkain. Kung susumahin 33-50% o 8-12 hours lang ng isang araw ang ginugugol ng isang empleyado sa trabaho pero halos 24X7 kung isipin at alalahanin natin ito (kasama ako). Siguro dahil iyon sa bukod sa compensation and benefits package, maraming nakukuha pa sa pagiging employed. Yung iba kumukuha ng sense of accomplishment at fulfillment na hindi mahanap sa ibang aspeto ng buhay sa kanilang trabaho. Yung iba tumatakas lang o bored. Yung iba naghahanap lang ng friends at family at sa office nila iyun nasumpungan. Iba't iba ang dahilan kung bakit tayo kumakayod at gumagawa ng mga desisyon pagdating sa mga napiling karera. Sa tingin ko, kailangang lahat ng empleyado ay alam dapat ang sagot sa tanong na "bakit ka ba nagta-trabaho?" Kung hindi mo alam ang sagot, magiging miserable ka lang sa araw-araw na kailangan mong mag-login. Ikaw, ang boss mo, ang mga katrabaho mo at lahat ng nakakausap mo kapag buwisit na buwisit ka sa buhay mo.

Kaya sa tanong na "Should I apply for this job?" ---- ang sagot eh depende sa iyo. Bakit mo ba gusto? Secondary question na lang pero mahalaga rin ang itanong kung sa kaibuturan ng puso mo ba ay alam mong may kapasidad  (financially, intellectually, emotionally, skills & experiences considered) ka na gawin ang gusto mo. Tricky yan. Kasi merong ang laki ng bilib sa sarili at sa mga pelikula pero walang kapit sa realidad. Ang perfect example niyan e yung walang pera at hirap na hirap sa buhay pero naghahanap ng trabaho na kakarampot ang suweldo pero patok sa kanyang Hollywood-Star Cinema-driven desires --- when he/she could be earning so much more doing something that he/she knows how to do well.

I could be wrong pero ito ang pinaniniwalaan ko sa ngayon (yes, nage-evolve naman ang tao diba?). Maybe when I'm older, may iba pa akong itatanong sa mga nagtatanong ng ganito. Pero sa ngayon mga ate at kuya, ito talaga e.

See, even Covey says consider your NEED in your quest to find your voice. Read more about this in "The 8th Habit - From Effectiveness to Greatness."























Image is from here

Wednesday, July 29, 2015

Rebel Heart In Manila


If your husband ever asks you to come see an Aerosmith concert with him, keep him company even if you only know two of their songs. If he gets into a trance state while watching his idols from his teenage years, it is not the time to hurt and wonder why and how he did not hold your hand the entire time. Because, it is all worth it. IT IS GOING TO BE WORTH IT. He will remember that you were a good girl when Madonna comes to town. And when you give up and accept that it's ok not to watch because the tickets are too expensive, he will remind you how you said that it will not matter if you have to sit on the floor for it is enough to share an enclosed space with your Goddess (sniffing molecular greatness) for a couple of hours. And he will buy the tickets. And he will watch it with you and your friends.

Oh and he will even remind you to do this, just to be sure that you are ready for the big day. I love him. I just love him. It gets "deeper and deeper, my love."