Nuffnang

Pages - Menu

Showing posts with label SimplengBuhay. Show all posts
Showing posts with label SimplengBuhay. Show all posts

Sunday, May 22, 2016

I Invented This Game

Anim na taon na ako noong nagkaroon ng unang kapatid. Panganay akong anak, apo, pamangkin. Kaya ang mga laro ko, lahat DIY. Do it yourself, by yourself.

The red monobloc chair in this photo was one of my favorite DIY toys. Uupo lang ako rito, aandar andar, kunwari kotse, truck, tangke, eroplano, spaceship. I spent so many hours in this chair. Kapag napagod, sasandig sa unan tapos minsan makakaidlip na. 

Noong puwede na kalaruin ang mga kapatid ko, mas naging masaya. Tulak-tulak game, ako ang pusher. Kaya yung upuan, andaming gasgas nun e. Nakakahingal pero ang saya kapag tumitili sa tuwa yung pasahero.

Napaka-espesyal na pakiramdam pala kapag yung laro na inimbento mo, almost 30 years later e katutuwaan din ng mga anak mo. Same house, same chair, same game, same shrieks from the "passengers." Ang nagbago lang, binabalakang at hinihingal na ako sa pagtutulak kaya maraming breaks. 

Napakasuwerte ko. Meron ako nito.


Wednesday, July 01, 2015

Sinupin Natin


Malabo ba? Sa akin ay hindi naman. Wala na sila sa cellphone ko. Kakaibang pakiramdam. Para akong nabubutan ng malaking tutuli.
  1. Facebook at Facebook Messenger
  2. Instagram at Instasize
  3. Twitter

Breaking Up With FB

Mahirap pala talaga 'yang pakikipag-break na yan kapag ang dahilan ay falling out. Unang-una, pasakalye ka muna. Ito ang akin.

Effective Wednesday, 01-July-2015, 12AM MNL Time. Same goes for my inactive Instagram and Twitter accounts.
Bravely posting my contact details so we can keep in touch. If you'd like to PM yours, that's super fine.
Please don't text/message/call to sell: Weight loss products, Miracle drugs or whatevers, personal loan offers, whitening products (hate!), anything that will make me buy... but HEIGHT/Leg-length enhancers, lemme see. LEMME SEE!

I love cheesiness and corniness. Nursing a broken heart? Wondering if you'd rather exist without elbows vs without knees? Tired of people? Tired of being tired of people? Need someone to trash talk you for inspiration? I'm here. I'm interested.
Write me a letter. Send some poetry my way. Colors and sketches and photos and food and sights and anything that makes your heart flutter, has a room in mine. Oh, and free ebooks and online courses are much welcome too.

Mobile/Viber/Skype/Google Hangout: <leave a comment if you want it>
Email Address: <leave a comment if you want it>
Work: <leave a comment if you want it>


Tapos, hahanapin mo pa ang tamang pagkakataon at lugar. 12AM, July 1. Andun sa malinggit na "Security Settings" options. Halos ayaw magpakita sa iyo. Ang isa pang kakatuwa, wala silang isyu na mag-install ka sa cellphone mo pero kapag ayaw mo na, dapat sa web version ka (gaya rin ng Twitter at Instagram).














































Hindi pa yan diyan matatapos. May pangba-blackmail na magaganap. Hindi mo ba mami-miss ang ___. In this case, ibabalandra sa iyo mga profile ng kaibigan mo. Tapos may pagmamakaawang pagtatanong, bakit? Bakit ayaw mo na? Swak na swak lang talaga sa ganitong pagkakataon ang - "it's not you, it's me." Dahil iyon naman ang totoo.



Tapos, akala mo tapos na. Hindi pa. Sisinupin mo pa ang lahat ng alaala. Ilalagay sa isang kahon ang lahat ng abubot at depende sa kung gaano mo trip ang mag-drama, susunugin mo pa ang lahat ng gamit na natira. Buti na lang, apps lang sa telepono ang aasikasuhin ko.

Hindi na tayo pareho ng pananaw sa mundo, Facebook. Hahanapin ko pa ang aking sarili. At aalamin kong mabuti kung sa mahahanap kong mga bagong depinisyon ay may puwang pa para sa iyo. Kasi sa totoo lang, parang wala na. Wala na talaga.

Tuesday, June 30, 2015

All Bark, No Bytes

Ayoko naman sabihing wala lang ito. Siyempre meron. Siyempre may dahilan pero mahaba masyado. Sa susunod na lang ang paliwanag. Basta ngayon, goodbye Twitter. Ngayon din ang goodbye Instagram. At mamayang alas dose ng gabi, unang araw ng Hulyo 2015, ay goodbye Facebook.

"I used to love her, But I had to kill her...
She bitched so much, She drove me nuts
And now I'm happier this way...
I used to love her, But I had to kill her...
I had to put her six feet under
And I can still hear her complain."
~ Guns N' Roses