Nuffnang

Pages - Menu

Showing posts with label Shutterbug. Show all posts
Showing posts with label Shutterbug. Show all posts

Tuesday, June 16, 2020

Pig Fat and Asteroids

This is pig fat.

And I got it from a quarter of a kilo of supposedly lean pork from the supermarket (the biggest brand in the Philippines). 

Why call it lean pork? Why sell it at a higher price? Why is the big guy always winning?

Some days I get so hopeless about the state of affairs in the Philippines, I feel sad about asteroids missing contact with the Earth. I get tired of the bickering of "colors" in social media platforms. I get anxious thinking about all the money that we need to procure to be able to provide a comfortable life to the people who matter to us. I want to throw things out the window out of frustration when bad things happen to good people. And I am mighty scared of death, mine or otherwise. The impermanence of all that we hold in our hands drives me to a tall and indifferent wall behind which my imagination refuses to take me.

Some nights I just want everything to end. I lie wide awake until the wee hours of the morning and I periodically stare at my tiny and not-so-tiny loves, sometimes going in for a sniff-sniff-kiss and one too many light hugs. I thank the Universe for being faithful to me and then I ask that it take back everything that it has given me in one big flash of blinding light. In my selfish opinion, this is the best way to go. We all get to go at the same time. There will be no tomorrow to worry about. No poverty. No famish. No horrible politicians. No special needs children turning into special needs adults whose parents wish they are able to take care of until they, the parents, are 95.

And I do not need to worry about how to dispose the pig fat that has started to smell from inside the plastic container behind the door.


Sunday, June 14, 2020

Lamay Barangay

Nakita ko itong post na ito sa drafts ko. Iba rin ang utak pag nakalimot. Hindi ko nakilala itong sinulat ko, pati ang mga litrato. Pebrero 2014 pa noong nawala si Mommy. Nasa tiyan ko pa si TNLO, mga anim na buwan na yata siya nun. Si Gangjee ay isa pang kerubin nito. At kami ni Sir_Ko ay wala pang mga puting buhok. Ay buhay.

May dinagdag akong kaunting notes sa article pero very minimal lang. Layout lang talaga ang inayos ko. Habang nagre-resize ng mga picture, napaisip ako. Ang sabi kasi ay puwede pa rin ang mass gatherings sa "new normal" pero kalahati lang ng usual headcount ang puwedeng pumunta sa mga kasalan, burol, at kanhit anong mga "okasyon" na marami ang inaasahang dadalo. Grabe naman talaga ang perwisyo ng veerus na ito.

Alin ba ang tamang sisihin para sa nararamdaman kong pagkabuwisit? Mortality (bakit pa kasi kailangang mamatay ang tao, puwede bang magkakasama na lang tayo hanggang dumating ang kung anumang hinihintay natin?) o China? O wag kang sasagot, may nakikinig.


***

Ayoko ng malungkot na post kasi masaya naman na si Mommy Ely namin. Sure kami ron. Kaya eto na lang ang mga pekatyurs ng makulay na lamay bahay. Ngayon kasi nauuso na ang lamay funeral parlor. Eh pag ganun ang lamay, behaved. Ito ang lamay Pinoy style.

May tolda na nilalatag sa kalye, sa tapat ng bahay. Kakain ito ng halos 1/4 ng kalsada pero ayus lang iyon. Walang magrereklamo sa baranggay (lalo pa sa kinalakihan kong barangay kung saan negosyo ni Kapitan ang funeral services... tulong na rin daw niya yun sa mga constituents). Etong tolda ay pinahiram ng isang kandidato na obviously ang pangalan ay Bong Magallanes. Hindi ko siya nakita pero thank you na rin. Talaga raw pinahihiram niya itong tolda niya sa mga namatayan. 






















Pagsapit ng dilim, yung tolda may kinakabit na bumbilya para may ilaw. Tapos may fun and games. May dahilan kung bakit may fun and games. Sa bawat laro ay may "tong" na nadadagdag sa abuloy fund. 

Ang tawag dito ay Color Game. Ang mga naglalaro ay pipili ng tatayaang kulay. May maliit na holen na ilalaglag sa pachinco tapos kung saan malaglag ang holen, yun ang kulay na panalo.







































Baraha. Hindi nawawala. Para sa mga talamak na adik sa sugal, blessing ang may patay kasi nagiging legit as shit ang kanilang advocacy na ubusan ng pera at kidney.







































Inuman. Ang paborito ko sa ganito yung ganitong jamming. Lalo pag maraming bakla.







































Bingo. Na ba kayo? Nahagip pa ng kamera si TLO at ang panganay naming pamangkin. Ang liliit pa nila rito!







Saturday, June 25, 2016

711,PRIMAdonna na ang kape

Masamang balita mga kapuso. Bilang na ang araw ng ating bente pesos na kape sa 711.





















Ito na ang bagong eksenadora sa bagong renovate na suking tindahan malapit sa amin. City Blends PRIMA. Ang sabi nung ate kahera, may halo raw itong kapeng barako. Parang hindi naman. Parang barnis yata ang hinalo. Sobrang pait. Pero walang dadaig sa mapait kong panghihinayang. Kumusta naman yung pumangit ang lasa pero dumoble ang presyo?

Huwag tayong papayag guysh, ibagsak ang 711 PRIMAdonna coffee!








Friday, June 24, 2016

SAGHENGGGHHH!

Isang di malilimutang litrato. Ito yata ang naiwang ka-triplet ni B1 at B2. Tinitingnan ko pa lang, nabibilaukan na ako.




Kuha sa 711, RCBC Plaza
03/04/2016 04:07 PM
Telepono yan ni Waning

Tuesday, June 07, 2016

Doughnut,Sinaksak ng Kitkat

Bumabaha ng ka-sweetan at literal na sweets sa trabaho. Sa gitna ng kasiyahan at mga kaganapan, isang karumal dumal na krimen ang nasaksihan. Doughnut, sinaksak ng Kitkat. Nasan ang katarungan? Nasa kanang pangil ko. Ayun, nangingilo. Hindi talaga ako fan ng shyalang donut-an na yan. Galit sila sa asukal.

Ok, photos from the crime scene.





Wednesday, June 01, 2016

The Rings

Mahilig ako sa mga eksenadorang singsing. As in. Kaya lang, hindi ako bumibili. Minsan kasi, walang lukso ng dugo sa mga designs kaya ayoko. O kaya, may lukso nga ng dugo kaso mahal. Kaya kagabi, nung tawagin ako ni AC sa office niya para maging recipient ng kanyang maagang Pamaskong Handog Program, halos maglulundag ako sa tuwa nung nakita ko ang mga ito. At... akin na raw L A H A T! Salamat (sabay pahid ng isang patak ng luha mula sa kanang mata).

Therefore, pagbigyan niyo na ang naganap na photo op with the rings. Ang saya saya!




















Arte arteng caption: If you love me, you will feel, smell and taste every word I say...





































 Arte arteng caption (continued): Even when my rings are too loud.





































Ganda no? Ang gustong mag-regalo pa sa akin ay hindi ko pipigilan. :)

Tuesday, May 31, 2016

Artificial Incrimation


Artificial light
Crawling over artificial homes
With artificial stairs
No one looks for the moon
Anymore.

Friday, May 27, 2016

Balahura

Ang mga gumawa nito.


Saturday, May 21, 2016

Why would you!?!

I am the least fashionable person I know kaya ang post na ito ay hindi para husgahan ang fashion sense ng ibang tao. Hindi ko lang talaga maintindihan kaya huhusgahan ko na lang ang kanilang pag-iisip. At para magtanong. Engot ka ba!?!

Ano kaya ang iniisip ng isang tao para magsuot siya ng sapatos na umiilaw in broad daylight? Multiple choice, only one answer allowed.

A) Madilim ang daan pauwi sa amin mamayang gabi at tamad akong mag-flashlight. Ito na lang.
B) I have a thing for Astroboy
C) Cool ako, kayo hindi
D) Gago ako


Just Maki

Ito ang pinakamasarap na Maki na natikman ko sa buong buhay ko. Nagkaroon ng Food Sale sa office namin at pinalad kami na kasali ang Just Maki sa mga nagtinda. Ang sarap, sarap, sarap. Ok, hindi ako marunong mag-food review kaya take that.And this --- malinamnam ang kanin na nakikipagharutan sa mayonnaise, pipino at crab stick habang tumitili ang matamis na mangga. Sabi ng mga Tobiko (yung mga orange dots), sasali raw sila. Wala silang kapaguran na maghahabulan sa bibig mo mula sa una hanggang huling nguya. Iiwan ka nilang mas masaya kaysa noong una mo silang nakita. Just like great people and great loves in your life.

Tama na ang pagpu-push ko na mag-review. Basta, pag nasubukan mo, maiintindihan mo kung bakit araw-araw ko itong kinain (puwera isang araw na nag-work from home ako) for one week. One of these days, magba-bulk order ako at bahala kayo kung after two weeks, may orange dots na rin ako.

P.S. Uncompromising ang standards ni Justine (sya ang king in the kingdom of Just Maki). A fresh batch is made the night before at hindi na tinitinda ang natira - kung meron - the next day.


Wednesday, February 03, 2016

Majestic Bangkok (1)


I don't know how and where to start. But yeah, I had to go to Bangkok. I don't like traveling for business. Hate it. But I love interacting with my surroundings and appreciating beauty through any camera, even a phone camera. So here are some of the photos from Bangkok. More soon...

Sun and Moon! God was saying "I love you" to me here.



So many temples. This one may be what they call a "monk station."
Lotus in the temple

Wednesday, January 20, 2016

Kawawang Barya


Sa tingin ko, may sakit sa pag-iisip ang mga bumababoy sa pera. At saka mga duwag. Tingnan ang dinanas ng sampung pisong barya sa ibaba. Ano yan, pininturahan? Sarap saktan ng may gawa nito.

Before (babuyin)
























After (babuyin)

Sunday, January 10, 2016

New Bottoms!

Gusto ko! Gusto ko! Gusto kong malaman pag may bagong bottom!




Saturday, January 09, 2016

Saan ang kitaan?

Nung nakita ko itong restaurant na ito sa Cubao, nag-anxiety attack ako. Kung halimbawang gusto kong mag-ayang dito kumain tapos itetext ko o tatawagan ang inaaya ko, paano ko sasabihin kung saan? Kung naliligaw ako at dito sumilong, saan ako susunduin?

Kunsabagay, marami naman itong katabing tindahan. Mahahanap din naman ako sa ibang paraan. Siguro hindi lang kaya ng Filipino brain ko na makakita ng Japanese characters ng ganun-ganun lang. Nanahimik ako e.



Friday, January 08, 2016

Rainforest ng Christmas Tree

Sayang talaga at walang pangalan ang tindahan na ito na nasa bituka ng Ali Mall sa Cubao. Baka akala niyo imagination ko lang. Pangako. Totoo ito kahit mukhang engkantasya. Ang saya diba?






Thursday, January 07, 2016

Naughty Santa

Pagsamahin natin ang mga ito... tapos scroll down.



O sino ang naughty ngayon? 

Kuha sa Ali Mall, Cubao























Tuesday, December 29, 2015

Judging by the last working day in 2015

Alam ito ng lahat ng nagtrabaho o nagtatrabaho sa multinational corporations. Hindi nagsasara ang tindahan porke't may Diyos o may bagong taon na paparating. May tinatawag na skeletal staff na nagbabantay habang umiiyak. Sa departamento namin, ako iyon kanina. At hindi ako nagrereklamo. Parte naman yun ng buhay empleyado. Lahat kami may nakatakdang araw na magbantay ng kaha, puwera sa Philippine Holidays. At least may ganun. Biyaya na yun kasi noong unang panahon na nasa kohl sener operations ako, ang holiday ng Pilipinas ay dagdag suweldo lang (mabuhay kayo mga guysh!). At saka sa totoo lang, kinikilig nga akong matawag na skeletal force cosidering na ilang layer ng taba muna ang makakanti bago maabot ang aking skeleton.

Tumakbo ako kanina sa suking kapehan kapag mailap ang focus. There I was, quietly having my last shift for 2015 when two dude men disturbed the peace. My peace. Nagrereklamo ang mga ito sa kanilang mga girlfriend. Sabi "pare hinahanap ka ba ng chick mo pag ganitong oras?"

Lampas alas onse na ng gabi so malamang ang sagot ay oo. At oo nga raw sabay litanya nilang dalawa na nakakapagod daw ang paulit ulit na pangungumusta sa text. Pare-pareho lang naman daw ng pinag-uusapan. Kumain na ba, matutulog na ba, anong gawa ng baby ko. Ganyan. Sawang sawa na raw sila. Dahil nagsasawa na rin akong makinig, sinulyapan ko ang mag-kumpare.

Eh naknampating. Biglang gustong mag-rally ng ilong ko. Mga paminta pala.

Alam niyo mga parekoy, mag-out na kayo para maipagsigawan niyo na sa Milky Way yang pag-ibig niyo sa isa't isa. Kapag malaya na ang inyong pagsinta, hindi niyo na kailangan ng girlfriend. Makakapag-text na kayo sa isa't isa ng baby hindi ako nagsasawa sa iyo, grabe ngayon ko lang naranasan ito.

Wala akong isyu sa mga taong ayaw malagyan ng label ang preferences nila sa buhay. Pero sumasama ang loob ko kapag gumagamit sila ng human shield sa proseso ng pagtatago. Kasi wala dapat karapatan ang kahit sino na maglaro ng damdamin ng iba. Period.

So dahil diyan ito ang hotdog para sa inyo. Palayain niyo ang hotdog niyo please.  At kung hindi niyo pa keri yan, palayain niyo na lang ang mga tao na umaasa sa hotdog niyo.

And now. Maipilit lang ang theme. Hotdog din ang inspirasyon ng aking buhay empleyado sa 2016. Masarap ang hotdog pero masama sa kalusugan kapag sobra. Ganun din dapat ang perspektibo sa trabaho. Easier said than done, gasgas na gasgas na yan sa marami sa atin at sa akin, iyan ay recurring reminder sa sarili for the past 14 years. Sana at siguro naman hindi ko na yan makakalimutan this year kasi naisingit ko pa nga sa post na ito o. At saka lumalaki na ang mga anak ko. Kung hindi ko yan magawa, ang paalala ng Purefoods ang dapat kong katakutan. "Kids can tell!" 

P.S. Yan naman ang hindi applicable sa mga (woman) human shield ng mga paminta. Dahil sa pag-ibig, not all women can tell. Sad but true.






Monday, December 21, 2015

Mga Taksil - Huwag Tuluran

Sila talaga ang mga tao sa picture na ito. Nasa malapit na malapit na mesa sa akin ang mga hayup. Nag-ring ang telepono ni lalake. Sinagot niya ang tumatawag na parang maamong tupa.

Lalake: Babe, sorry na. Sorry, nasa grocery ako binibili ko yung mga inutos mo. Sorry na. Punta na ako diyan. Babe, chill lang.

Hindi ko napaghandaan ang kasunod na eksena. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ako agad nakakuha ng litrato. Naghalikan sila. Torrid. Matagal. Naririnig ko pa ang sshlrrrp mula sa kinalalagyan ko. Tapos sabi...

Lalake: Ang sarap ah. Sige alis na ako.

Isang halik pa ulit. Tapos balik ang halimaw sa telepono. Kausap ulit yung "babe" niya na naghihintay sa kung saan. Habang kausap ni lalake ang tunay niyang babe, nakatitig lang ang kalaguyo. Nangingiti, nagco-coach pa na "relax lang."

Tapos nagpasama na si lalake. Bibili sila sa grocery ng mga gamit para kay "babe."

Gusto kong mag-eskandalo. Gusto kong sabunutan yung long-legged at sexy na kalaguyo. Gusto kong batuhin ng mug ng kape yung tarantadong lalake. Sana mas mabilis ang reflex ko para mas malinaw ang litratong nakuha ko. Sana bionic ang paningin ko para nasulyapan ko ang number ni "babe" at naisumbong ko ang mga taksil na ito.

Sana magkaroon ng batas laban sa pangangaliwa kahit hindi sakop ng kasal. Pagnanakaw yan e. Mga gamit na ninakaw, robbery. Paano yung mahal mo na ninanakaw sa iyo?






























Sunday, December 20, 2015

Kim Chiu, Sinalbahe

Nakita namin sa National Book Store sa isang mall sa Cubao.