Nuffnang

Pages - Menu

Showing posts with label Domestic Blah. Show all posts
Showing posts with label Domestic Blah. Show all posts

Wednesday, June 17, 2020

Filipino Vloggers - Best House Tours


Mga taong 2000 pa lang, nangangarap na kami ni Sir_Ko tungkol sa magiging bahay namin. Uso pa ang telebabad noong una naming napag-usapan ang aming imaginary house sa #17 Strawberry St., Antipolo. Sagana sa pagpapa-cute ang mga panahong iyon. Talagang mahahampas kami pareho ng tsinelas sa sintido kung naririnig ng mga magulang namin ang usapan eh.

Gusto naming tumira sa Antipolo kasi malamig doon noong araw. Parang Tagaytay pero mas malapit. At saka maraming view ng halaman at bundok. Iniimagine namin na masarap mag-almusal sa balkonahe sa umaga, may kape, dyaryo (akalain mo, sinong nagbabasa pa ngayon ng PAPEL na diyaryo?), at holding hands. At masarap din ang yakapan sa gabi habang nanonood ng starry, starry, skies. Ang 17 ay galing sa aming monthsary at ang strawberry ay... eh basta pag may romantic scene naman laging may strawberry. Diba? Sabi sa inyo panay kalandian.

Mga 15 years later ay nalaman ko sa isang kaibigan na meron pala talagang Strawberry Street sa Antipolo. Shet, napahampas ako sa motherly hips ko. Pak! It's meant to be.

Wala pa kaming bahay sa lupa, kasalukuyang pinagtatrabahuhan namin yan nung sumabog ang pesteng pandemic. Meron kaming bahay sa hangin. Maliit lang ang unit namin pero ito ang aming unang grown up venture --- a.k.a. pagsasanla ng kaluluwa sa mga kapitalista --- at proud naman kami siyempre. Sa totoo kahit maliit ang bahay-bahayan namin ay hindi naman kami dapat nasisikipan. Ito lang kasing mga itlog namin eh ayaw pang lumipat sa kuwarto nila kaya gabi-gabi akong nagiging bipolar. Napakahirap matulog sa isang kama kapag lima kayo. Saka na lang siguro ang illustration para di ako malungkot.

Ayan tapos na ang mahabang introduction. Gusto ko lang kasi ipagtanggol ang sarili ko bago niyo pa ako mahusgahan. OBSESYON. Ulitin ko. OBSESYON. Gustong gusto ko na talagang magkaroon kami ng totoong bahay. Kaya ako nagsusuyod sa YouTube ng kahit anong may kinalaman sa house tour. Sumasaya ako kapag nakikita ko na nangyayari ang pangarap naming mag-asawa sa ibang tao na walang pagiimbot. At saka naeexcite akong nakikiusyoso kasi iniimagine ko rin kung ano ang magiging itsura pag naman bahay na namin ang ginagawa.

Ito ang ilan sa mga paborito kong house tour videos na nauwi na rin sa pagiging subscriber at usisera ko sa kanilang mga channels. At ito naman ang common denominator sa mga bahay nila na nagustuhan ko. Sana ganito rin ang maging bahay namin, kaya lang ubos na yata ang katas ng YouTube kaya iisip pa kami ng kung ano ang puwede pang kunan ng katas.

  1. Maganda
  2. Maaliwalas
  3. Malaki (depende sa kung ilan ang nakatira ha)
  4. Maraming halaman
  5. Maganda ang neighborhood, sariwa ang kapaligiran
  6. Katas ng YouTube (except for Mommy Ness, nauna ang bahay sa YouTube Channel)


Mommy Ness
Inspirational ang parenting skills ni Ness at Ged kay Raphie. Kapag napapanood ko sila, gusto ko rin maging malumanay na tao. Ang ganda ng pagkaka-organize at decorate ng bahay ng mga Enrique. Ang sinop sinop nilang lahat. At saka ang sweet nilang mag-asawa at ng kanilang love story. Para akong Teletubby kapag natatapos na ang isang video, sabi ko "mow-mow-mowrrr."



Lloyd Cadena
Si Lloyd ang nagtulak sa akin sa kumunoy ng YouTube. Pagkatapos nitong house tour niya, nakita ko ang mahiwaga niyang kilikili. May bertud yata ang kadiliman sa ilalim ng mga braso ni Kuya Lloyd, na-gayuma ako. Sa kalaunan eh niririgodon ko na ang panonood kasi kung hindi eh hindi na ako makakatulog. Channel ni Lloyd, channel ng mga Bakla ng Taon, channel ni Madam Ely, Madam, Aivan, Aye, Limuel, silang lahat (hindi ko maalala lahat ngayon kasi duh... epidural). Namimiss ko ang sangkabaklaan kong kaibigan kapag nanonood ako sa BNT.




Anne Clutz
Napakalaki ng bahay nila Mama Anne, OMG. Mga 12 times ng condo unit namin ang lot area ng bahay nilang napakaganda, napaka-aliwalas, at buhay na buhay. Ang gusto ko pa sa bahay nila, makatotohanan. May ibang vlogger kasi na ang bahay ay parang hindi tinitirhan ng tao sa sobrang ayos. Yung feeling ko may isang tent at portalet sa labas ng bahay nila at doon talaga sila namumuhay kasi dapat laging social media-perfect ang bahay. Sa kakahalungkat ko ng videos ni Madam, nabasa ko ang kuwento ni Joo. Tulo ang luha ko, maraming kapareho sa mga pinagdaan ni TLO, marami akong naalala.




Tuesday, June 16, 2020

Pig Fat and Asteroids

This is pig fat.

And I got it from a quarter of a kilo of supposedly lean pork from the supermarket (the biggest brand in the Philippines). 

Why call it lean pork? Why sell it at a higher price? Why is the big guy always winning?

Some days I get so hopeless about the state of affairs in the Philippines, I feel sad about asteroids missing contact with the Earth. I get tired of the bickering of "colors" in social media platforms. I get anxious thinking about all the money that we need to procure to be able to provide a comfortable life to the people who matter to us. I want to throw things out the window out of frustration when bad things happen to good people. And I am mighty scared of death, mine or otherwise. The impermanence of all that we hold in our hands drives me to a tall and indifferent wall behind which my imagination refuses to take me.

Some nights I just want everything to end. I lie wide awake until the wee hours of the morning and I periodically stare at my tiny and not-so-tiny loves, sometimes going in for a sniff-sniff-kiss and one too many light hugs. I thank the Universe for being faithful to me and then I ask that it take back everything that it has given me in one big flash of blinding light. In my selfish opinion, this is the best way to go. We all get to go at the same time. There will be no tomorrow to worry about. No poverty. No famish. No horrible politicians. No special needs children turning into special needs adults whose parents wish they are able to take care of until they, the parents, are 95.

And I do not need to worry about how to dispose the pig fat that has started to smell from inside the plastic container behind the door.


Monday, June 15, 2020

Walang inatupag kundi jampungan sa umaga

Mula noong nag-lockdown ay napapadalas ang pag-aaya ni Sir_Ko na kami raw ay mag-jampungan sa umaga. Ang madalas kong sagot, wala ako sa mood. At saka gising lahat ng bata, mahirap na.

Kahapon ay naisipan kong pagbigyan na siya. Kawawa naman kasi at saka to be fair sa asawa ko, nakaka-touch din kahit papaano na hindi siya namimilit. Mas tamang sabihin na siya ay nagmamakaawa. Sabi ko, handa na ako. Nagmamadali siyang naghanda ng mga gamit, tapos ay pumuwesto na sa tapat ko para sa una naming jampungan ngayong tag-init.

Biglang ako na ang kinabahan.

Ilang ulit akong napalulon pero mas lalo akong natutuyuan ng lalamunan sa bawat lulon ko ng laway. Rumaragasang tren ang puso ko na hindi matutong magtimpi matapos madaplisan ng mga basa niyang daliri ang aking mga palad. May diin ang mga bibitawang kong kasunod na salita, naghahamon, sumusuko, nangungusap.

"Bilisan mo na, Love. Gutom na gutom na ako."

Agad niyang binuksan ang dalawang paketeng Lucky Me Jjamppong. Opo ano po. Instant noodles po. May iniintay po ba tayong mature content?

Paalala: This is NOT a sponsored post. Masarap lang talaga.

Ang Lucky Me Jjamppong ay hindi palabiro. Talagang lasa siyang seafood noodles na may pinulbos na siling labuyo. Pero yung siling labuyo ay pinalaking mababa ang loob kaya hindi OA ang anghang at sakto lang para sa mga duwag sa spices na gaya ko. Kung may sipon ka, panalo rin ito. Para kang humigop ng vaporub pero kulay orange at hindi gel.






















Naiimagine ko na kung meron kang buhay na lamang dagat ay puwedeng puwede mong ihalo rito sa noodles na ito at mas magiging mabuti pa ang tingin mo sa sangkatauhan. Let's say hipon, alimasag, pusit, fish tofu, mga ganyan. Ito lang kasi yung laman ng isang pakete. Pero magrereklamo pa ba tayo para sa presyo? Wag na, accept na lang natin tapos move on na sa palengke.






















Ayan na, ayan na. Takpan ang ilong, nakakabahing yan 'tsong. Kung hahatsing ay lumayo sa lalagyan, baka masinghot mo lahat.





















Lalagyan lang ng mainit na tubig, tatakpan, tapos uupakan. Ganon kadali. Tapos inom kang mga dalawang litrong tubig kasi hindi naman kaila sa ating lahat na ang instant noodles ay may halong isang bloke ng asin.

Bonus! Itong cheese buns ng Gardenia ay patok na patok na kapartner ng Lucky Me Jjamppong. Kapag ubos na ang noodles ay puwedeng puwedeng isawsaw ito sa sabaw. Masarap na sa dila ay masarap pa ang init sa tiyan. Yung alat-tamis ng cheese buns ay lumalaban sa anghang-asim-alat nung kung anumang authentic Korean spicy seafood na magic dust nung noodles. Yung bibig mo maiiwang nagtataka kung anong nangyari pagkatapos mag-rambulan ng mga flavors na yan. Tapos gugustuhin mong maintindihan kung anong nangyari at hindi ka titigil kumain hangga't hindi mo naiiintindihan. Tapos ubos na. Bukas na ulit. Ay wag ganon. Consume moderately and with lots and lots of water please.

Bonus question for Lucky Me: Why the dobol-dobol JJ and the dobol-dobol PP? Sabi ba yan sa Feng Shui? Kayteynks!







































Pinipiktyuran ko yung cheese buns biglang may photobomber na daliri pala. Ayan si Gangjee, gigil na gigil sa tinapay.



Saturday, June 13, 2020

Do it right the first time (online classes) with Child Learning Center


TNLO studies at CLC. We are in love with this school. I don't know how I can explain the "love" without this post sounding like a paid post. 

Fact-check. TLO studied in CLC too, and if we still have enough funds after the financial challenges brought about by the pandemic, Gangjee's going to be singing "happy at CLC" with his sibs in a couple of years. Enough said?

Last month, CLC offered a trial run of online classes to its SY 2019 students. TNLO looked forward to his sessions. Parang yun lang ang reason for being niya sa bawat araw na may klase. Teacher Kristine, TNLO's teacher in Senior Nursery, handled the sessions and she was way beyond awesome. Everyone in the academe is still getting their feet wet running virtual instructor-led classes. Teacher Kristine ran the show as if she's been teaching in the online classroom after she learned how to walk. She knew how to engage the kids. Pati ako napapatango pag may tanong na yes or no ang sagot. TNLO had only one complaint. Bakit daw ang bilis matapos.

The pandemic of 2020 shook and changed the way we looked at things, including geography. You may be many hours away from Makati but you may want to give CLC a try. Sabi nga sa kanta ba iyon? Malayo man, malapit din. 


Friday, June 12, 2020

Bumibili ng sirang ref sa Makati?

Ang masasabi ko lang talaga, kung may ref kayo sa bahay niyo na gumagana, yakapin niyo nang mahigpit.

Hindi niyo lang alam kung gaano kahirap mabuhay na wala na ngang ref, wala pang access sa palengke. I know, I know. Maaakusahan na #checkyourprivilege ang mga statement ko na yan at ang mga susunod pa. Eh bakit ba? Hirap na hirap na kami rito!

Hindi kami lumaking nahihiga sa salapi, pero sa pagkakatanda ko, hindi nagkaroon ng pagkakataon na wala kaming ref. At kung iisipin ko pang mabuti at paiiralin ko ang pagka-tsismosa ko, ang alam ko ganun din sa karamihan sa mga kababata ko at ka-eskuwela.

Walong taon na naming kasama ang ref namin. Nakaka-senti kung paanong nagbabago ang mga abubot na nakadikit sa katawan niya. Dati may mga pa-magnet pa kami ni Sir_Ko ng mga napapasyalan naming lugar. Aba ngayon, distant memories na lang yang mga ref magnet na yan. Hindi na kasi kami nakakabiyahe (siguro mga dalawang taon pa ang travel ban due to poverty). At yung mga ref magnet eh nayari na ng mga anak namin, sila na mga destroyer of things. Naaalala ko pa, nakagawa kami ng travel hack ni Sir_ko na wala naman sigurong pake ang other parent humans pero share ko na rin. Kapag bibili ng ref magnet, dapat ay two sets. Isa para agarang mairaos ang immediate travel high, isa for safekeeping. Yung for safekeeping ay ilalabas lang kapag nasa edad na ang mga bata na hindi na nila hobby ang manira ng mga gamit sa bahay.

He (I think lalake ang ref namin, ramdam ko) survived three kids. Eight years and three kids. Iba rin. Si Gangjee ay nagsisimula na mag-drowing sa pinto ng ref gamit ang mga pakalat-kalat na crayola. Si TLO at TNLO, bago nasira ang ref ay nakakagalitan na namin dahil panay ang bukas-sara ng pinto. Palagi silang naghahanap ng makakain. Kapag naman may pagkain sa harap nila, mas madalas na ayaw kumain. Sakit sa bangs.

Kami naman ni Sir_Ko ay mga proud hunters and gatherers of food bago nasira ang ref. Wala kaming kasambahay at karamay sa pag-aalaga sa tatlong bata, kami rin ang toka sa pagpapatakbo ng bahay. Kaya proud kami na walang natitirang pagkain mula nung nagsimula ang ECQ (Enhanced Community Quarantine). Hindi kami napapanisan ng ulam at nalinis ko na rin ang mga naninirahang yuck sa ref namin. May mga kaunti pang natirang karimarimarim na mga tsismis sa shelves sa likod ng pinto pero sadyang di ko muna hinaharap. Because I can. And I will. Masabi lang.

Si Sir_Ko ang Quarantine Pass holder sa aming family. Napakasipag at napakatapang niyang pumupunta sa grocery para sa aming mga imbak na pang-ulam. Kaya siya ang pinaka-nahihirapan ngayong sira ang ref. Halos araw-araw ang punta niya sa supermarket.

Ayayay caramba. Napakuwento na ako, pasensya.

Ito ang mga detalye ng sirang ref namin. Baka interesado kayo o may kakilala kayo na ito talaga ang negosyo. Sana taga-Makati kasi mapapagastos nang malaki sa pick-up kung galing pa sa malayong lugar. Salamat!

  • General Electric (11 cu. ft.)
  • Regular, hindi "no frost"
  • Nagamit for 8 years
  • Ayon sa technician na pinadala ng GE Service Center, ang sira raw ng ref ay compressor. Aside from compressor, kailangan din ng freon. At dahil mukhang incidents of power fluctuation ang dahilan ng pagkasira ng compressor (after 8 years!), kailangan din bumili ng AVR (Automatic Voltage Regulator) para maiwasan masira ulit ang compressor.
  • Kung tama ang mga naibigay sa aming presyo, approximately Php 14-15K ang magagastos.  Sa ganyan kamahal na gastos tapos 3 months lang ang warranty ng compressor, aba'y huwag na uy.


Ito yung sirang compressor.

Ito yung serial number at kung anu-ano pang numbers.





Saturday, July 16, 2016

Weekly Menu: July 17-23, 2016

Ang hirap din kasing mag-picture ng papel na may sulat minsan.

Sunday:
SOPAS
Monday:
PAKSIW NA GALUNGGONG
Tuesday:
PORK AFRITADA
Wednesday:
GINISANG REPOLYO
Thursday:
CHICKEN CURRY
Friday:
ADOBONG SITAW
Saturday:
PORK KALDERETA

Monday, July 11, 2016

Weekly Menu: July 10-15, 2016





























Thursday, July 07, 2016

It is Nutrition Month. Yey! Yey! Yey?

Yeah, I bet only parents and teachers care. In fact, maybe only pre-school and gradeschool teachers care. I am a parent and I'm not crazy about all the spending, and cutting, and pasting, and sewing, and last-minute preparing, and wearing costumes which will go to waste after two hours, for these events.

It does not matter to me if my children don't know what living or nonliving thing they should be obsessing about for the month. I want my children to know how these concepts are (ACTUALLY) important. See these fruits that the Hubby and I turned to poor garland thingies? I want them to know what nutrients are present in every sweet bite. The hell do I care about them walking around like grocery mascots or retired christmas trees.





























Next month, is Buwan Ng Wika. We've already been told that there will be a parade and the kids should be in Filipiniana attire. Boohoo. Shouldn't people just be speaking in their mother tongue the whole month instead of participating in patriotic cosplay? But hey, we're participating. We don't really have a choice. This is tradition. This is institutionalized shaming (initiation rites to the tyrannical and hierarchical culture of the academe). This is being told on a Thursday to create fruits and veggies decor for Friday, because the teachers want to know who among the parents can do it best. Mind you, they did not forget. They just want to test our abilities.

What can I say? Challenge accepted. Plus, as in all the years of being in school - moral of every academic celebration duly noted. Obedience.

TNLO: Do I have to do this when I go to school?
























TLO: It looks good on you, lil' bro!
TNLO: I refuse to have biodegradable trash look good on me.






















Saturday, July 02, 2016

Waking up to kicks

Ate J and Ate C told me that I was laughing and speaking in my sleep again. I was laughing so hard, raising my hands and saying "pogi, pogi!" with the enthusiasm of a person who is... not sleeping.

I don't remember any of this. I can only guess that I was horseplaying with Sir_Ko in this dream. I love calling him "pogi" because oh my god, he really is the pogi-est man in the universe. What I do remember was waking up to some sort of nudging in different parts of my body. Apparently, TLO was looking at me while all the sleep laughing and giggling was happening. She probably got annoyed and kicked me until I woke up.

That was fun. :)

*4 images from Google, digital magic is mine



Wednesday, June 29, 2016

Say whut?

A dear friend asks me at 7am, on my 17th hour of being awake, if I believe that this world is just a "made up" place. I got hit by a ginormous tide of blended theories and isms, I only managed to ask if she just smoked a joint. And wondered if she is a product of my imagination too.

The mind is such a vulnerable force. Now I just want to sit still and consume, and be consumed by, everything that I'm seeing, feeling and hearing. The elusive Senses Buffet just opened and I would love to please start with bittersweet dessert. Please?

But you know the only thing that's real for me in this supposedly ungodly hour? Lunch will not cook itself. So let me put a tiny dot at the end of this sentence before I imagine that this day is done and it's time for bed.



Monday, June 27, 2016

Star/Girl/Cub/Boy Scout Uniforms For Sale - Libertad Street, Pasay

Batang Quezon City ako kaya alam kong napakalayo ng Tomas Morato sa Makati. Buti na lang may isang blogger na nag-post ng kung saan nakakabili ng Star Scout uniform malapit sa Makati. Ang idadagdag ko na lang sa directions sa blog post na ito ay ang landmark. Katapat ng St. Mary's Academy ang tindahan. At saka hindi lang scout uniform at accessories ang tinda rito, may mga uniform din, school supplies at saka mga pang-costume sa kung anu-anong okasyon. To summarize, halos lahat ng dadayuhin mo sa Divisoria, nandito na.

D' CLARION GENERAL MERCHANDISING
Address : 2362, P Burgos Street, Pasay, 1300, Metro Manila
Phone Number: 02-831 7279

Maganda pala ang langit kahit medyo nakakabokot ang real set design dito

Pasensya na sa malabong kuha. Tumatakbo sa kalsada ang mga bitbit naming bata.

2 pairs of accessories para kahit itapon sa bintana ni TLO, may matitira pa.











Sunday, June 26, 2016

Kids' School Uniform in Libertad Street, Pasay

Libre ang uniporme sa school ni TLO. Kaya lang, kagaya ng developmental delays ng karamihan sa mga estudyante, delayed din ang pagdating ng supplies. Ang sabi ng mga nanay, lola, tiyahin at teachers sa eskuwela, mga August pa raw dumarating ang uniporme. In fairness naman, twice a year ang bigayan, total of 4 sets of uniforms. Puwedeng puwede na talaga sa jackpot, kaya lang dapat daw naka-uniform na si TLO sa Lunes kaya kinarir namin ang paghahanap. Hindi ko alam kung saan ka manggagaling pero sana makatulong sa iyo itong address ng suking tindahan at saka link sa mapa.


A. Dizon Beauty Salon For Men & Women
340 Libertad St., Brgy. 94, Pasay, Metro Manila (MAP here)

Total Gastos: PhP 1,500.00. Ttumawad ako ng Php 20.00
Sando @ PhP 65.00/pc.   X 4 = PhP 260.00
Blouse @ PhP 180.00/pc. X 5 = PhP 900.00
Skirt @ PhP 180.00/pc.  X 2 = PhP 360.00

BTW, kung sa public school nag-aaral ang anak mo, malamang sa malamang ay meron silang Star/Girl/Cub/Boy Scout uniform day (Biyernes). Malapit lang din dito sa A.Dizon sa libertad ang bilihan, abangan sa next post.








































Wednesday, June 22, 2016

Weekly Menu: June 26-July 2, 2016

Ayun naman o. Sunday changed to Corned Beef Spaghetti. Special request ni Sir_Ko.

















Sunday, June 19, 2016

Weekly Menu: June 19-25, 2016

May mga natirang karne at sahog mula sa birthday week ni Sir_Ko. Yung ulam ng Lunes at Martes, mga immigrants from last week ang ingredients.Yes, late post ito.

Masaya ang linggong ito kasi nakaimbento ako ng ulam. Ito yun nakalagay sa Miyerkules, People Republic of Chicken Wings. Saka ko na lang ibibigay ang recipe kapag ready ka na.


Tuesday, June 14, 2016

Weekly Menu: June 12-18, 2016

Mailagay nga ang Weekly Menu sa blog para sa mga kagaya ko na kailangang magluto every day. Ang chaka na talaga ng handwriting ko. FYI, health reasons.




Monday, June 13, 2016

Kids Are Home!

I'm writing this on a Sunday. Nag-scheduled posting lang ako kasi nakikinita ko na, baka mahirap nang mag-blog sa mga darating na araw. Dahil... dan dan dan daaaannnn... Uuwi na ang mga bata! Pagkatapos ng isang taon na weekends lang kami magkakasama, dito na ulit sa aming munting bahay kubo titira, kasama namin.

Halos isang taon silang nakatira sa bahay namin sa Tatalon, kasama ang lolo, lola, mga tito, tita at pinsan. Ang sabi kasi ng Developmental Pediatrician ni TLO, malaki ang maitutulong sa kanya ng maraming batang kasama. Totoo naman, nag-iba ang confidence at personality ni TLO mula noong isang barkada sila nila TNLO (The New Little One) at mga pinsan nila. Naaawa lang ako sa malungkot nilang paghihiwalay. Sigurado mami-miss nila ang isa't-isa. Kaya dapat, regular pa rin kaming dadalaw.

Excited na kami ni Sir_Ko. Pero siyempre may kaba rin. Adjustment ulit ito sa pang-araw araw na buhay. Ako, kailangan ko na ulit mag-luto everyday. Si Sir_Ko, mas dadami na ang labahin niya. At marami pang iba. Tataas na ulit ang weekly grocery expenses, ang bayarin sa kuryente at tubig. Siksikan na naman kaming apat sa kama hanggang kaya na nung dalawang bagets na matulog sa kuwarto nila. Ang lahat ng ito ay worth it. Totally, worth it.

Eto na yon, RAKENROL!!!

Paboritong pekatyur ko ito. Kuha ng kapatid ko habang kinakabayo ng magpipinsan yung lolo nila (ulo na lang ni Papa ang kita dito).








Friday, May 20, 2016

Nagpapautang Na Si Aling Puring

Kasabay sa paglaki ng aming mga anak ang laki ng ambag namin sa Puregold, Ang Tindahan Ni Aling Puring. Wala namang kaso kasi masaya naman ang mga presyo ng bilihin sa kanila at saka marami ang pagpipiliang paninda. Mahal nga lang ang gatas ng mga bata at masama ang ugali ng karamihan sa staff nila, pero ayus na rin. Ayon sa ilang kakilala, iisa raw ang may-ari ng Puregold at S&R. Kung totoo man iyan, siguro may kapangyarihang pang-engkantasya siya. At, may website pala ang Puregold, hindi ko kinaya. Siya na talaga, siya na!

Kahapon, habang payapa akong naglalakad sa kahabaan ng Ayala e may nag-abot sa akin nito. Huwaaw! Nagpapautang na pala si Aling Puring! Hindi ako informed ha? Medyo matagal na pala ito. Kung gusto niyo mangutang, ito, may nag-post na ng application form. Pero utang na loob, huwag mangutang kung walang ibabayad. Ganern.


Friday, May 13, 2016

Magpapa-parlor Ako!!!

2009 pa noong huli akong nagpa-parlor. Yes, I cut my own hair. Pati buhok ng mga anak ko saka ng bunso kong kapatid (nung minsang pumayag siya). Pero nung last birthday ko, niregaluhan ako ng package na ito ng boss ko --- scroll down, please. Akala ko yung Brazilian yung kakalbuhin ang pechay ko. Hindi naman pala, makabagong teknolohiya ng kakikayan pala yun.

Anyways, for the first time in 35 years, masasabi ko ang shoshyal na linyang ito: May appointment ako sa parlor! Dahil diyan, may bago na ring salita na naimbento ang asawa ko. Ang tagalog daw ng parlor ay "PAUNATAN." So bukas ay pupunta ako sa PAUNATAN. Sa Queen's Lair Beauty Salon sa Makati. Kinakabahan ako. Babalitaan ko kayong lahat kung anong mangyayari, kahit ayaw niyo.

Mga, 5-6 hours daw ang uubusin para sa rebond (baka 2 days sa akin). Kaya magdadala ako ng mga libro, yey! Matatapos ko na malaman ang "In Sisterhood - Lea at Lualhati" ni Lualhati Bautista at masisimulan na ang "Bossypants" ni Tina Fey. Exciting!!!

 


From Metrodeal






























Highlights


  • Show fabulous hair with any of these glamorizing treatments:
    • Hair Rebond with Treatment and Haircut for P899 instead of P3500
    • Brazilian Keratin Blow Dry with Treatment and Haircut for P999 instead of P4000
  • Enticing, blushing interior that inspires a sense of comfort and leisure
  • Achieve flowing straight tresses through hair rebonding
  • Get a new look with frizz-free, straighter, healthy-looking hair
  • Suitable for naturally straight, wavy and curly hair, men and women
  • Blowout treatment makes hair more manageable and easier to style
  • Available in convenient places in Makati and Metrowalk

Tuesday, September 22, 2015

SABA_ _ _ _

 Ito ang ulam namin noong linggo ng gabi. Iginisa ko lang sa bawang at sibuyas, piyesta na. Pinagbabayaran nga lang namin ngayon ang sandaling ligaya. Iba ang amoy ng adobong pusit na nangunyapit sa dingding. Martes na, nadatnan ko pa rin ang aming bahay-kubo-kahit-munti na amoy basura. SABA. Sa basura. Uulit pa? Siyempre! Kahit mabaho, masarap. Parang ako lang yan kapag hindi nakakaligo. Tanong niyo pa kay Sir_Ko.


From GrabYourFork.blogspot.com


Saturday, August 15, 2015

Ang Maging Housemate

 This dad entered the Pinoy Big Brother house with his kid. The mom got free access to the home-studio too to ensure that the baby's needs are provided for.

If only for the same opportunity to be mine, sumali rin kaya ako sa PBB? Pero dapat dalawang anak ko kasama pati si Sir_Ko. At saka hindi one week lang. Mga isang taon. Me and Sir_Ko will still be working. Work from home the entire time. Bahay lang talaga magbabago. I'm thrilled.

Sure ako hindi ako mananalo. Hindi naman ako sociable na tao, hindi rin sasali sa mga emo moments hangga't maaari. Ako siguro ang magiging pinaka-KJ na housemate sa isang dekadang history ng PBB. Pero ang sigurado, ako ang pinakamasaya.

Paano ba sumali? Ayoko pumila sa audition e. At kung matanggap just by them reading this blog... paano ko kaya mapapapayag ang employer ko. Heeenggg.  Bomalabs. Maririnig at makikita ng world ang mga highly confidential na hawak naming data.