Nuffnang

Pages - Menu

Friday, May 09, 2025

(L)Atin -Atin Lang

 May ex ako na napakahilig magregalo ng bulaklak at stuffed toy. Paborito ko sa lahat ng binigay niya ang isang light brown teddy bear na nakatuhog sa stick. Binalak kong pangalanan itong Teddy Bearbecue.

Mataas pa ang World Youth Day fever sa Pilipinas noong mga panahong ito, kaya napagdesisyunan namin ni Jamie Rivera na tawagin siyang Totus. May powerful scenes lang kasi in my mind na nagbe-bless si Pope John Paul II ng crowd tapos may naghihiyawan ng Totus Tuus! Totus Tuus! Totus Tuus!

Ang ibig sabihin ng Totus Tuus ay "totally yours". Noong umamin si ex na hindi na pala siya totally mine, diretso si Totus sa basurahan.

---

Sinapian ng masamang elemento ang kaklase ni O. Nagwawala raw itong parang nauulol na aso. Ang bawat makalmot niya, bakas ng mahahabang kuko ang nakikita sa balat. Hindi rin daw mabuhat ng apat na tao ang petite na may sapi.

Sa gitna ng gulo, sinabihan ang lahat na magdasal. Magdasal! Magdasal! Ang kaibigan kong Protestante ay takot na takot at tarantang taranta. Buwelo si Accla. "For God so loved the world..."