Pages - Menu

Saturday, August 22, 2015

Will the real personal blogger please stand up? Please stand up?

Nahihirapan akong patabain yung Lurking Spots corner ng blog na ito. Ito yung section para sa mga paborito kong binabasa na blog. Karamihan dito inactive na kasi sobrang busy sa trabaho o sa totoong buhay nung bloggers. Hindi ko lang tinatanggal ang links kasi I am sincerely hoping na babalik sila. Yung isa nga, sumalangit na e. Mahal ko lang siya talaga kaya hindi ko maalis ang links papunta sa blog niya.

Araw-araw kong sinisilip kung may bagong entry sa mga blogs na ito (yung sa RIP friend, bihira na lang kasi nakakatakot kung may bago siyag post). Sa ngayon ang pinakamasayang binababaran ko ay ang Dee's DaysOh My Buhay at saka Sankage Steno kasi bukod sa lagi silang may update, tunay at may buhay ang bawat post.

Minsan nalulungkot ako sa nagaganap na extinction ng personal blogs. Nung kabataan ko (2002), lahat kami sa office may blog. Ang mahuli sa chismis, nirerefer na lang sa blog para hindi na magpaulit-ulit ng kuwento. May mga pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaway at mga bata na nabubuo dahil sa palitan ng comments sa blog. Naami-miss ko yung ganun (ang tandaaaa!). Sa sobrang pangungulila sa access sa community of bloggers, kapag may oras ako ay talagang nagli-link hopping ako para makahanap ng personal blogs. Madalas akala ko jackpot na and then a few posts later, nakikita ko ang trend at ads. Ah niche blogger din.

Mas gusto ko pa rin ang blog kaysa sa pa-like, like sa Facebook. That world is moving too fast for me. Noong may Facebook account pa ako, kapag nag-post ako ng blog link sa wall, may mga magla-like at magco-comment sa wall pero sa blog post mismo, walang kikibo. Nabasa ba nila nang buo o nabasa lang ang pamagat at first paragraph? Walang nakakaalam.

Indeliberate social media network elitism/exclusivity kaya ang tawag dun? Gaya nung mga nagsasabi na ang Instagram ay para sa mga kewl at shoshyal at ang Facebook ay para ng Divisoria?

Para na ring writing letters (lalo pa love letters) ang personal blogging. Long lost and forgotten. Ano kayang ipapakita balang araw ng mga lolo at lola sa mga apo nila?

O eto apo, tingnan mo nag-like si lola mo sa picture nung first date namin. Tapos niyan, a week later, nag-comment siya sa selfie namin nung ex-gf ko. Sabi niya, "miss mo siya?" Tapos nag-away sila ng lola mo. Inunfriend ako ng lola mo. Naging friend na lang kami ulit nung nag-propose na ako sa kanya ng kasal. Sayang patay na ang Facebook, puro tuloy malalabong screenshots na lang itong napapakita ko sa iyo. Sana nag-blog na lang ako. Buhay pa ang blogspot kahit patay na lahat ng kilala kong bloggers.

Friday, August 21, 2015

Pabebe Girls, The End

Nakalimutan ko pala ikuwento kung paano nag-the end ang horror story ng aming pabebe girls. Naubos kasi nila Glea at Grace ang isandaang porsiyento ng aking lakas.

Isang araw ay dumating ang tiyahin ni Pabebe Girl#1 sa bahay. Hinahanap niya ang nanay ko. Nabalitaan daw kasi niya na may balak ang dalawang pabebe girls na umuwi sa probinsiya para umattend ng kasal. Magkasabay raw na aalis. Halos mag-punit ng pisngi sa inis ang tiyahin ni Pabebe Girl#1. Pano raw, nangungutang pa ng pamasahe ang dalawa para lang makapagpa-bongga sa pupuntahang kasal. At ang lakas naman daw ng loob magbakasyon agad, sabay pa sila, e wala pa nga silang isang buwang mahigit sa amin. Oo nga naman, very good talaga itong tita ni Pabebe Girl#1. At higit sa lahat, mas nagalit pa siya noong nalaman na hindi pa pala nagpapaalam sa amin ang dalawang bubwit. Binabalak na nila ang biyahe, wala pa kaming kaalam-alam. Very good na very good si tita. Ang sabi ay - "pag nagsabi, huwag niyong payagan!"

Malabo na ang kasunod na  mga pangyayari nito. Basta ang alam ko, within a couple of days, may phone call raw si Pabebe Girl#2 at pinauuwi raw ng nanay sa probinsiya. Si Pabebe Girl#1 sabi e mag-stay siya kahit aalis na si frend niya. Na nauwi sa, ay uuwi na rin ako. At one point, sabi nila e maghihintay sila hanggang makahanap kami ng kapalit nila na yaya. Pero after less than 12 hours, uuwi na sila. NOW NA. Tinetext pa nga ako ng Biyernes ng gabi kung anong oras daw kami darating kasi hanggang 10PM naman daw ang biyahe ng bus pauwi sa kanila. Nauwi rin naman ito sa ok, bukas na lang.

Gulong gulo kaming lahat nung mga panahong ito. Lalo na nung umaga na paalis sila at hinahanap nila sa akin kung saan daw puwede bumili ng shades. Yes, yun ang inatupag nila sa huling araw nila sa Maynila. Nagshopping sila nung mga damit na pang ASAP teens saka bumili ng shades. Sabi nila late na raw kasi dumating sa kanila ang mga uso kaya magandang makabili ng sila ngayon. Hindi ko pa rin iyon maintindihan.

Noong wala na ang pabebe girls ay may napagtagni-tagni kaming katotohanan na talaga namang masakit at nakakagalit. Sinasaktan nila ang panganay namin na hindi pa nakakapagsalita. May dalawang beses na nagsumbong ang bata sa mga tito at tita pero hindi kami lahat sigurado na iyun pala iyon. Kapag nakikita niya ngayon ang picture ni Pabebe Girl#2, minumuwestra niya iyong pinapalo siya sa ulo. May ilang linggo dati na tuwing aalis kami ay todo ang iyak ni Pot. Akala ko nga nami-miss lang kami. Cry for help pala iyon na hindi ko lang naintindihan. Ngayon na wala na yung pabebe girls, wala na ulit siyang issue kapag umaalis kami ng bahay.

Thursday, August 20, 2015

Is it still the best time for Wendy's?



Nagdadiet ang mga paninda ng Wendy's, nagsisiliit lahat. Uso naman yun. Nagulat lang ako sa bulilit na ketchup na may bayad na rin ang extra. Sa buong Pilipinas ba ito o sa Wendy's SM Jazz Mall Makati lang?

Right to Left

1. Ketchup - bawal na humingi ng extra. P3.00 each ang sagot ng kuya cashier sa Wendy's SM Jazz Mall Makati
2. Regular Fries - a little bigger than ketchup
3. Large Fries - hindi na malayo sa regular
4. Burger - Maliit na rin

I think hindi matutuwa si Ate Chona sa ganyan.


Recurrence

Karugtong nung kagabi. Nalengleng ako sa recurring lines and patterns ng electric fan, foldable bike saka smoke detector. Napakahusay.






Pillow Talk

Wala nga akong katabi sa kama. Kaya ito ang napagdiskitahan ko. Nasa itaas ako ng double deck ng mga bagets kaya ang lapit ko sa kisame.

Puwedeng billboard ng isang indie film diba? Erotic-Suspense-Thriller. Ang bida ay isang babae na process analyst and specialist. Kita niyo yung ilaw? Database icon yan sa process maps! Ito ang kwento. Yung si ate, lagi siya nag-uuwi ng lalake tapos alam niyo na... tapos lahat ng lalakeng dadaan sa kanya ay umuuwi na wala sa sarili. Kasi hinihigop ng kimchi ni ate ang essence of a man papunta dun sa database. Habang may essence, may ilaw. Kada hinihigop ang essence of a man, may lalabas na parada ng images at videos ng mabubuting bagay na ginawa niya sa buong buhay niya.

Habang tumatagal, napapansin ni ate na nababawasan ang dami ng essence na nakukuha niya sa bawat biktima. Minsan nga wala talaga. Nag-aalala siya. At habang kumukonti ang essence at lumalamlam ang database, tumatanda ang itsura niya. Mabilis ang pagtanda ni ate. Halos hindi na siya makalakad in 3 days na walang essence.

Magkakaroon ng recap ng lahat ng pagtatangka ni ate na humanap ng lalake in the past three days. Sa dulo ng lahat, mamamatay ang ilaw. Pipikit din ang mata ni ate. Patay silang pareho.




Tuesday, August 18, 2015

Patay Kang Biik Ka!

Eeengggg!!! Viral sore eyes. Labas na ang hatol. Isolation for two weeks. Buti na lang puwede akong mag-work from home kasi kung hindi, kayang kaya kong itaas ang sore eyes alert level ng Pilipinas sa todo much. Epidemya. Babaha ng muta at iritableng mga tao sa kalakhang Maynila.

Nadale ang pamangkin ko ng virus sa eskwela. Tapos pasa-pasa na kami. Pass the message at ang key words ay... magmumukha kang bilasang isda na drug addict.

So yes, no physical, personal, social contact for two weeks. Kulong ako sa bahay. Ang saya sana nito kaso namimiss ko na si Sir_Ko (siyempre yung mga bata forever miss ko pero with or without red eyes e ganun naman talaga ang sumpa). Sa maniwala kayo at sa hindi ay para kaming nag-divorce. Hiwalay kami ng kuwarto kasi ang dami niyang deadline ngayon sa trabaho, bawal siya mahawa. I don't know how long I can last. Kahit naman 3-4 hours lang kami magkatabi matulog kapag weekday e namimiss ko talaga ang amoy niya. Baka chance na namin ito mag-roleplay. Naka-blindfold ako at sinasaktan niya ako kasi inubos ko ang lahat ng pagkain sa ref. At lagi akong naka-blindfold para hindi ko makita ang iba pang pagkain. Ibebenta ko siguro sa kanya ang concept.

Public warning. Uso raw. Kapag viral gaya ng sa akin, may kasama pang ubo at sipon.

Public warning din ulit. Ang mahal magpagawa ng medical certificate. Hindi raw covered ng Intellicare ang paggawa ng dokumentong ito. 200 pesoses! Dapat ipalaminate ko ito. Siguro mahal din kasi ang doctor na tumingin sa akin ay celebrity. Si L. Ching! Ok, doc. I will apply the meds but remember. Amin ang Spratlys. Huwag kang ano. Eeengggg!!!



Monday, August 17, 2015

YummyliciousLady Is Under Renovation

Let's pretend that you care. Haha! My blog is four years old. It deserves a much needed renovation. Check back soon. Ktnxbye.

Oh, this logo is mine. Lovingly made in MS Office, PowerPoint and Picture Manager. I'm not saying that you'll grab it without permission. You know better than steal, right? Attribute if you're interested. Again, let's pretend that you care.



Impatient. How This Patient Was Refused by FortMED Medical Clinics Makati


Conjunctivitis. Sore eyes. Pink eyes. Red eyes. It's making its rounds in our family. And it got to me yesterday.

Like most offices, mine requires a medical certificate for any 'sick leave" type of absence and/or condition that could possibly spread at work. Of course they need to know when I will stop being contagious so they can let me inside office premises without fear that everyone else will be contaminated. For the record, I don't want to be absent. I am working from home while the virus is with me but I need to know when it's safe for the world to be with me. So I went to the closest clinic, FortMED Medical Clinics, to go get me some due diligence advice on a piece of paper.

I know it's just sore eyes but I still asked to see an opthalmologist. No opthalmoligist today, fine. Then I asked to just see an Internist (Internal Medicine/Family Doctor). I got terribly surprised that I was refused medical assistance. I asked if I could possibly see an internist because I needed a medical certificate for work. I know that the IM may refer me to a specialist but can't he/she tell me that instead of having a flock of nurses and receptionist tell me that the IM will not see me because I need to see an opthalmologist? The answer is a big fat unfeeling NO.

Apparently, FortMED Medical Clinics Makati has this policy that requires me to see a specialist for sore eyes. Of course I understand. But in the absence of a specialist, don't we all get referred to an IM/Family Medicine doctor for immediate assistance and endorsement to a specialist as they see fit? Seems to me that the nurses and receptionists are getting their hands slapped for referring generic cases to IMs because they all had a worried look on their faces (or maybe they're just scared of me passing on the virus to them). If all medical providers started operating this way, I think that the real ones on the losing end are the IMs. This "you have to see a specialist" stance can lead to the extinction of internists, doesn't it?

Anyways, I don't know what changed. This clinic is starting to leave a bitter taste in my mouth. Their policies have changed, their staff have lost their bedside manners and customer service focus (a receptionist asked me in the waiting are what my concern was - for everyone to hear!). Too bad because I used to trust Fortmed. I used to refer it to friends and colleagues. Now it's just becoming a source of frustration every time I visit.

Sunday, August 16, 2015

Oo nga... Buti na lang may 711!

Linggo ngayon, hindi ako nagba-blog ano. Salamat sa scheduled posting function ng Blogger. 

Ito ay isang pasasalamat sa 711 para sa kanilang masasarap na sandwiches. Hindi mura, P39-P49 ang isa pero mabubusog ka na talaga. Ang gusto ko pa sa sandwich, hindi ko kailangan umupo at kumuha ng kutsara at tinidor. Strike anywhere. Try mo kainin ito habang umiihi ka, walang kaproble-problema.

Kani Salad Sandwich. Hindi ko nga alam kung ano yung Kani. Parang kanin na supot. Joke lang. Alam ko yung Kani. Na-Google ko na. Nararamdaman mo yung crab sticks (na alam ng lahat na peke pero ok lang) sa bawat kagat. Tapos may hint ng wasabi sa dulo. Wasabi saka pipino, magra-rumble sa bibig mo. Maliligayahan ka. Yan ang sinasabi ng mga uzi (usyoso) sa kahit anong rumble.


























Spice Ham & Cheese. Hindi ko pa masyadong mahanap yung lasa ng ham pero yung cheese, buhay na buhay. Hinahanap ko ang ham kasi paborito ko ang lasa nun kapag inuulam sa kanin. Dito, pa-hard to get talaga ang ham. Pero again, masarap. Sabi nga ng ibang lalake, masarap ang mga pa-hard to get. Aba malay ko. Hindi ko gawain yan.

























Happy Sunday, wherever you are.