Nakalimutan ko pala ikuwento kung paano nag-the end ang horror story ng aming pabebe girls. Naubos kasi nila Glea at Grace ang isandaang porsiyento ng aking lakas.
Isang araw ay dumating ang tiyahin ni Pabebe Girl#1 sa bahay. Hinahanap niya ang nanay ko. Nabalitaan daw kasi niya na may balak ang dalawang pabebe girls na umuwi sa probinsiya para umattend ng kasal. Magkasabay raw na aalis. Halos mag-punit ng pisngi sa inis ang tiyahin ni Pabebe Girl#1. Pano raw, nangungutang pa ng pamasahe ang dalawa para lang makapagpa-bongga sa pupuntahang kasal. At ang lakas naman daw ng loob magbakasyon agad, sabay pa sila, e wala pa nga silang isang buwang mahigit sa amin. Oo nga naman, very good talaga itong tita ni Pabebe Girl#1. At higit sa lahat, mas nagalit pa siya noong nalaman na hindi pa pala nagpapaalam sa amin ang dalawang bubwit. Binabalak na nila ang biyahe, wala pa kaming kaalam-alam. Very good na very good si tita. Ang sabi ay - "pag nagsabi, huwag niyong payagan!"
Malabo na ang kasunod na mga pangyayari nito. Basta ang alam ko, within a couple of days, may phone call raw si Pabebe Girl#2 at pinauuwi raw ng nanay sa probinsiya. Si Pabebe Girl#1 sabi e mag-stay siya kahit aalis na si frend niya. Na nauwi sa, ay uuwi na rin ako. At one point, sabi nila e maghihintay sila hanggang makahanap kami ng kapalit nila na yaya. Pero after less than 12 hours, uuwi na sila. NOW NA. Tinetext pa nga ako ng Biyernes ng gabi kung anong oras daw kami darating kasi hanggang 10PM naman daw ang biyahe ng bus pauwi sa kanila. Nauwi rin naman ito sa ok, bukas na lang.
Gulong gulo kaming lahat nung mga panahong ito. Lalo na nung umaga na paalis sila at hinahanap nila sa akin kung saan daw puwede bumili ng shades. Yes, yun ang inatupag nila sa huling araw nila sa Maynila. Nagshopping sila nung mga damit na pang ASAP teens saka bumili ng shades. Sabi nila late na raw kasi dumating sa kanila ang mga uso kaya magandang makabili ng sila ngayon. Hindi ko pa rin iyon maintindihan.
Noong wala na ang pabebe girls ay may napagtagni-tagni kaming katotohanan na talaga namang masakit at nakakagalit. Sinasaktan nila ang panganay namin na hindi pa nakakapagsalita. May dalawang beses na nagsumbong ang bata sa mga tito at tita pero hindi kami lahat sigurado na iyun pala iyon. Kapag nakikita niya ngayon ang picture ni Pabebe Girl#2, minumuwestra niya iyong pinapalo siya sa ulo. May ilang linggo dati na tuwing aalis kami ay todo ang iyak ni Pot. Akala ko nga nami-miss lang kami. Cry for help pala iyon na hindi ko lang naintindihan. Ngayon na wala na yung pabebe girls, wala na ulit siyang issue kapag umaalis kami ng bahay.
Hello! Di ako madalas mag-comment pero binabasa ko rin lahat ng posts mo. Nami-miss ko din yung blog-city days.
ReplyDelete