Pages - Menu

Saturday, August 22, 2015

Will the real personal blogger please stand up? Please stand up?

Nahihirapan akong patabain yung Lurking Spots corner ng blog na ito. Ito yung section para sa mga paborito kong binabasa na blog. Karamihan dito inactive na kasi sobrang busy sa trabaho o sa totoong buhay nung bloggers. Hindi ko lang tinatanggal ang links kasi I am sincerely hoping na babalik sila. Yung isa nga, sumalangit na e. Mahal ko lang siya talaga kaya hindi ko maalis ang links papunta sa blog niya.

Araw-araw kong sinisilip kung may bagong entry sa mga blogs na ito (yung sa RIP friend, bihira na lang kasi nakakatakot kung may bago siyag post). Sa ngayon ang pinakamasayang binababaran ko ay ang Dee's DaysOh My Buhay at saka Sankage Steno kasi bukod sa lagi silang may update, tunay at may buhay ang bawat post.

Minsan nalulungkot ako sa nagaganap na extinction ng personal blogs. Nung kabataan ko (2002), lahat kami sa office may blog. Ang mahuli sa chismis, nirerefer na lang sa blog para hindi na magpaulit-ulit ng kuwento. May mga pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaway at mga bata na nabubuo dahil sa palitan ng comments sa blog. Naami-miss ko yung ganun (ang tandaaaa!). Sa sobrang pangungulila sa access sa community of bloggers, kapag may oras ako ay talagang nagli-link hopping ako para makahanap ng personal blogs. Madalas akala ko jackpot na and then a few posts later, nakikita ko ang trend at ads. Ah niche blogger din.

Mas gusto ko pa rin ang blog kaysa sa pa-like, like sa Facebook. That world is moving too fast for me. Noong may Facebook account pa ako, kapag nag-post ako ng blog link sa wall, may mga magla-like at magco-comment sa wall pero sa blog post mismo, walang kikibo. Nabasa ba nila nang buo o nabasa lang ang pamagat at first paragraph? Walang nakakaalam.

Indeliberate social media network elitism/exclusivity kaya ang tawag dun? Gaya nung mga nagsasabi na ang Instagram ay para sa mga kewl at shoshyal at ang Facebook ay para ng Divisoria?

Para na ring writing letters (lalo pa love letters) ang personal blogging. Long lost and forgotten. Ano kayang ipapakita balang araw ng mga lolo at lola sa mga apo nila?

O eto apo, tingnan mo nag-like si lola mo sa picture nung first date namin. Tapos niyan, a week later, nag-comment siya sa selfie namin nung ex-gf ko. Sabi niya, "miss mo siya?" Tapos nag-away sila ng lola mo. Inunfriend ako ng lola mo. Naging friend na lang kami ulit nung nag-propose na ako sa kanya ng kasal. Sayang patay na ang Facebook, puro tuloy malalabong screenshots na lang itong napapakita ko sa iyo. Sana nag-blog na lang ako. Buhay pa ang blogspot kahit patay na lahat ng kilala kong bloggers.

2 comments :

  1. Ate, naabutan ko pa yan. Haha. Yung tipong pag nag-blog ka para kang nagku-kwento. Ngayon, dami ng "pa-famous" epek ng blogs. Ngayon, pinagkakakitaan na nila. Well, di natin sila masisi. Hehe.

    Ganda ate ng bago mong layout :) Hihi.

    ReplyDelete
  2. Thank you for reading my blog :)

    ReplyDelete

Yum-ment!