Pages - Menu

Sunday, August 23, 2015

Injury Time Out

Dahil may sore eyes ako, ay dalawang linggo raw akong nakakahawa sabi ng duktor. Sampung araw iyon sa trabaho. Ayaw ko mag-sick leave kasi:

1. Sayang ang leave credits. Ang leave credits na hindi nagamit ay nagiging cash sa dulo ng taon. Eh sayang naman na maubos iyon dahil ---
2. Kaya ko pa namang magtrabaho. Makati ang mata ko at may matindi akong sipon at ubo pero maliit na bagay iyan kung nakaupo lang naman ako at nag-iisip at nakaharap sa laptop. At walang nahahawa.
3.  May ilang mga bagay sa buhay na gusto ko all or nothing. Kapag sick leave, dahil kinakain ang leave credits ko na dapat ay pera para sa gastusin, gusto ko leave talaga. Flawless na leave. At hindi yan posible sa dami ng deadlines na nakalinya sa trabaho.

Pero mababait ang mga bosses. Matapos ang halos isang linggo na nag-work from home ako, kailangan daw talaga akong magpahinga (hala nakakahiya sa mga sasalo ng trabaho ko!). Kaya ba ng puso, isip at kaluluwa ko na magpahinga? Hindi solid ang #3. I get that. Tapos May dalawa akong bagets na puwede kong makasama at alagaan kahit pasundot-sundot lang (may malaki akong support group). May sore eyes din sila. Sabay sabay na lang kaming magpapagaling.

So to answer the question, kaya ko magpahinga sa trabaho pero hindi sa pagiging nanay. Walang pahinga 'ron. Alam yan ng lahat ng nanay. Kasama ko sila ngayon, Isang linggo (5 working days, saka Sabado at Linggo). Si Sir_Ko naman ang kasama ko sa Lunes na heroes day holiday. Kasama ko ang aking super hero. Good deal na rin.

Salamat sa sore eyes, at sa medical profession, at sa family ko, at sa employer, at bosses, at work team mates, at sa gubyerno na nagpauso ng mga long weekend holiday para hindi maisip ng working class na magrebolusyon sa tuwing may time. Konting ganansya para sa ninanakaw na buwis sa atin kada sahod. Napansin mo ba na ang tax na kinakaltas sa iyo ay halos 1/3 or 1/4 ng dapat mong kinita kada kukubra ka ng suweldo? 

Image Source






1 comment :

  1. Ang pagiging nanay ay 24/7. No time out. No break. No holiday. No sahod. Haha. But the best part, pag nakikita natin na masaya ang anak natin :)

    ReplyDelete

Yum-ment!