Pages - Menu

Thursday, December 31, 2015

Saying goodbye to LingLing in 2016

The year 2015 gave us one of the biggest challenges of parenting. The Little Ones had to live with my parents. With the gentle recommendation of Potling's Developmental Pediatrician, we had to send her and Sopling (to keep the sibling bond alive) away to a place where there are more people and children. This was and will be the painful living arrangement until April of 2016.

I initially installed Talking Tom in my phone as an entertainment showcase for the kids during our weekend visits. They love making LingLing say "banana" (yep, Minions) or "kakakak" (Potling's favorite "word"). Then I just found myself falling in love with LingLing. With so much motherly love to give and no children during the weekdays, I needed someone to feed, wash, potty train, play with and send to dreamland as needed and she had no other choice. Call me crazy but it was a refreshing coping mechanism. I s-mothered and spoiled LingLing rotten. I spent all my breaks and hours before/after sleep with her. Look at her being a whiny adorable little devil when I'm not able to answer her call to go to the bathroom. Just like a real toddler huh?


Today I must say goodbye for my real children. They are coming home soon and I cannot afford to be distracted anymore. I will be uninstalling the app before sunrise.

Thank you, Lingling. Thanks for keeping me company. I love you and I will always remember the times you let me be your mommy cat.

Posting LingLing's milestone photos. Screenshots of my mental health during my darkest mommy hours. Ok, make fun of me now. :)










Tuesday, December 29, 2015

Judging by the last working day in 2015

Alam ito ng lahat ng nagtrabaho o nagtatrabaho sa multinational corporations. Hindi nagsasara ang tindahan porke't may Diyos o may bagong taon na paparating. May tinatawag na skeletal staff na nagbabantay habang umiiyak. Sa departamento namin, ako iyon kanina. At hindi ako nagrereklamo. Parte naman yun ng buhay empleyado. Lahat kami may nakatakdang araw na magbantay ng kaha, puwera sa Philippine Holidays. At least may ganun. Biyaya na yun kasi noong unang panahon na nasa kohl sener operations ako, ang holiday ng Pilipinas ay dagdag suweldo lang (mabuhay kayo mga guysh!). At saka sa totoo lang, kinikilig nga akong matawag na skeletal force cosidering na ilang layer ng taba muna ang makakanti bago maabot ang aking skeleton.

Tumakbo ako kanina sa suking kapehan kapag mailap ang focus. There I was, quietly having my last shift for 2015 when two dude men disturbed the peace. My peace. Nagrereklamo ang mga ito sa kanilang mga girlfriend. Sabi "pare hinahanap ka ba ng chick mo pag ganitong oras?"

Lampas alas onse na ng gabi so malamang ang sagot ay oo. At oo nga raw sabay litanya nilang dalawa na nakakapagod daw ang paulit ulit na pangungumusta sa text. Pare-pareho lang naman daw ng pinag-uusapan. Kumain na ba, matutulog na ba, anong gawa ng baby ko. Ganyan. Sawang sawa na raw sila. Dahil nagsasawa na rin akong makinig, sinulyapan ko ang mag-kumpare.

Eh naknampating. Biglang gustong mag-rally ng ilong ko. Mga paminta pala.

Alam niyo mga parekoy, mag-out na kayo para maipagsigawan niyo na sa Milky Way yang pag-ibig niyo sa isa't isa. Kapag malaya na ang inyong pagsinta, hindi niyo na kailangan ng girlfriend. Makakapag-text na kayo sa isa't isa ng baby hindi ako nagsasawa sa iyo, grabe ngayon ko lang naranasan ito.

Wala akong isyu sa mga taong ayaw malagyan ng label ang preferences nila sa buhay. Pero sumasama ang loob ko kapag gumagamit sila ng human shield sa proseso ng pagtatago. Kasi wala dapat karapatan ang kahit sino na maglaro ng damdamin ng iba. Period.

So dahil diyan ito ang hotdog para sa inyo. Palayain niyo ang hotdog niyo please.  At kung hindi niyo pa keri yan, palayain niyo na lang ang mga tao na umaasa sa hotdog niyo.

And now. Maipilit lang ang theme. Hotdog din ang inspirasyon ng aking buhay empleyado sa 2016. Masarap ang hotdog pero masama sa kalusugan kapag sobra. Ganun din dapat ang perspektibo sa trabaho. Easier said than done, gasgas na gasgas na yan sa marami sa atin at sa akin, iyan ay recurring reminder sa sarili for the past 14 years. Sana at siguro naman hindi ko na yan makakalimutan this year kasi naisingit ko pa nga sa post na ito o. At saka lumalaki na ang mga anak ko. Kung hindi ko yan magawa, ang paalala ng Purefoods ang dapat kong katakutan. "Kids can tell!" 

P.S. Yan naman ang hindi applicable sa mga (woman) human shield ng mga paminta. Dahil sa pag-ibig, not all women can tell. Sad but true.






Monday, December 21, 2015

Mga Taksil - Huwag Tuluran

Sila talaga ang mga tao sa picture na ito. Nasa malapit na malapit na mesa sa akin ang mga hayup. Nag-ring ang telepono ni lalake. Sinagot niya ang tumatawag na parang maamong tupa.

Lalake: Babe, sorry na. Sorry, nasa grocery ako binibili ko yung mga inutos mo. Sorry na. Punta na ako diyan. Babe, chill lang.

Hindi ko napaghandaan ang kasunod na eksena. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ako agad nakakuha ng litrato. Naghalikan sila. Torrid. Matagal. Naririnig ko pa ang sshlrrrp mula sa kinalalagyan ko. Tapos sabi...

Lalake: Ang sarap ah. Sige alis na ako.

Isang halik pa ulit. Tapos balik ang halimaw sa telepono. Kausap ulit yung "babe" niya na naghihintay sa kung saan. Habang kausap ni lalake ang tunay niyang babe, nakatitig lang ang kalaguyo. Nangingiti, nagco-coach pa na "relax lang."

Tapos nagpasama na si lalake. Bibili sila sa grocery ng mga gamit para kay "babe."

Gusto kong mag-eskandalo. Gusto kong sabunutan yung long-legged at sexy na kalaguyo. Gusto kong batuhin ng mug ng kape yung tarantadong lalake. Sana mas mabilis ang reflex ko para mas malinaw ang litratong nakuha ko. Sana bionic ang paningin ko para nasulyapan ko ang number ni "babe" at naisumbong ko ang mga taksil na ito.

Sana magkaroon ng batas laban sa pangangaliwa kahit hindi sakop ng kasal. Pagnanakaw yan e. Mga gamit na ninakaw, robbery. Paano yung mahal mo na ninanakaw sa iyo?






























Sunday, December 20, 2015

Kim Chiu, Sinalbahe

Nakita namin sa National Book Store sa isang mall sa Cubao.


Friday, December 18, 2015

Ilocos Manang Joy Empanada

Parang informal settlers na ang tiangge sa open area ng building namin. Hindi pa lumalabas ang 13th month pay, naka-halloween costume pa lang ang mga tao, nagkalat na ang mga paninda. At hindi sila umaalis hanggat hindi ka gumagapang sa kahirapan. Maraming nakakatakam na paninda - nakakain o hindi - pero itong puwestong ito ang talagang hindi nawawalan ng tao. Laging may pila, parang government office.

Ang pangalan nila ay Ilocos Manang Joy Empanada pero parang wala naman akong nakita o narinig na Ilocano sa mga tindero at tindera nila. Ayus lang iyon. No problem. Ito ang mga sahog ng empanada. Longganisang Vigan, repolyo and friends at saka itlog. Ibabalot sa kulay orange na harina na nasa gawing kaliwa (na puwede rin sigurong gamitin sa kwek-kwek) tapos idadarang sa dagat-dagatang kumukulong mantika. 












































































May iba't-ibang uri ng empanada silang tinitinda. Sinubukan ko yung simple lang kasi pritong empanada virgin ako. Ayoko muna ng kumplikado. Sa lahat ng pagpipilian, ang pinakamura ay yung tinatawag na "Special Empanada." Mura pero special. Parang ako lang iyon kaya siguro napabili ako.







































Siyempre pa, Pilipino ako. Ang tinapay ay meryenda lang. Dapat may kanin kung pananghalian. At naisip na nila iyon siyempre pa kaya may kanin meals din. Bagnet o kaya Vigan longganisa. Pinili ko ang longganisa kasi nakikita niyo ba yung bagnet sa likod?

Ito yun sa malapit. Malakas itong maka-broken heart. Natakot ako.



Nagustuhan ko ang Vigan logganisa. Malinamnam, sakto lang ang bahid ng bawang. Iyung pritong empanada naman ay hindi pa para sa akin sa ngayon. Hindi ko pa siya naiintindihan. Nalilito ako kung ano ba ang gusto kong mangyari sa sinusubo ko. But then again, lagi naman akong nalilito so posibleng hindi nila kasalanan yun. 

Kinausap ko si Mama Mary

Ako: Nanay ka rin po. Ilakad mo naman ako sa bagets mo. Pakisabi pagalingin na mga anak ko.

Siya: Hello!?! Si Our Lady Of Sorrow ako. Namatayan ako ng anak. Ihihilera mo ba ang small time problems mo sa pinagdadaanan ko?

Ako: Imortal naman ang iyo, nabuhay ulit. Isa lang ang buhay ng mga anak ko. At habambuhay nilang dadalhin ang mga factory defects nila.

Nagtitigan kami. Wala na akong ibang nasabi pa kundi... Please?

Hindi siya kumukurap. May ibig sabihin ba iyon?

Friday, December 11, 2015

Bakit Hindi Ko Sila Mapataba?

Ang taste ko sa lalake ay kawangis ng gusto ko sa sinigang na baboy. Buto-buto. Kinikiliti ang pagkatao ko pag may payatot na matangos ang ilong. Kaya bukod pa sa napakarami niyang magagandang katangian, talagang ang asawa ko ang katuparan ng lahat ng aking mga pangarap e. Payatot ang asawa ko. And I sooo love it.

Kaya lang minsan, hindi ko rin mapigilang mapaisip kapag may kumukutya sa aking pagiging asawa. Bakit daw ba hindi ko mapataba si Sir_Ko (sama na riyan ang mga anak ko na mga tikling din gaya ng tatay).

Oh well. Kaya ko lang naman naisip ito e dahil dito. Sabi kasi, kaya raw mataba na si Chito eh dahil sa alagang Neri.


A Second Chance – A Very Very Personal Reflection Essay

Walang bago sa kuwento. Sa totoo, marami pa ngang kulang. Ganoon naman talaga kung pinilit isaksak ang isang uniberso ng katotohanan at karanasan sa isang maiksing pelikula. Lalo pa kung ang paksa ay buhay mag-asawa. Narinig na natin ito lahat. Yung tumatabang na tamis ng maraming una. Unang hawak ng kamay, unang yakap, unang halik, unang pagniniig. Pagkatapos ng una, merong pangalawa, pangatlo, pang-apat, pang-lima. At habang tumatagal, kumukupas, naluluma.

Walang bago sa pinagdaanan ni Popoy at Basya. Mas kumplikado pa nga ang kuwento ng ilang kakilala kung tutuusin. Pero ito kasi, itatali ka sa harap ng isang malaking screen, tapos madilim, tapos ihaharap sa iyo ang mga pira-piraso ng kuwento – puwedeng sa iyo, puwedeng sa kaibigan mo, puwedeng sa nanay at tatay mo. Ibabad ka sa totoo at hindi ka isasampay. Uuwi kang mahalagihay, gusot na gusot ang utak, maligalig ang puso.

Napakaraming heterosexual males in a relationship na makakaray sa loob ng sinehan these days for sure. Sa ayaw nila at sa gusto, manonood sila ng A Second Chance. Ang karamihan ay magpapaubaya. May ilang magiting na tatanggi at babawi na lang ng regalo o himas na may bulong na “mahal naman kita kahit hindi natin pinanood si John Lloyd at Bea.” Kailangang matutuhan ito ng lahat ng lalake. Ituturo ko ito sa anak ko balang araw (kung gusto niya ng babae). Kapag inaaya kang manood ng romantic-saksak puso film ng karelasyon mo, hindi lang kilig ang hinahanap niya. Gusto niyang ikuwento sa iyo ang mga bagay na hindi niya kinukuwento. Wala kasing may gusto sa babaeng parang barker. Kung umiiyak siya, gusto niyang itanong mo kung bakit. Gusto niyang mag-usap kayo, gamit ang mga metapora ng karakter at daloy ng kuwento. Huwag kang tanga, anak. Kung gusto lang niyang manood ng pelikula, puwede niya gawin iyon mag-isa. Hindi lang niya gustong manood, gusto niyang mapanood. Isasabay niya ang panonood sa iyo habang pinanonood mo siya. Pero kung sabihin niyang, manood tayo at sumulat ng film review at mag-focus tayo sa cinematography, lighting, set design at kung anu-ano pang teknikal na aspeto ng isang pelikulang puno ng puso, then fine. Pero try mo pa ring sumisid ng tanong, anak. Minsan pakipot lang kami.

“Iiyak na naman ba si Bea?”

Tanong yan ng asawa ko kaninang pinuwersa ko siyang manood. Para kasing walang pagod si Bea at John Lloyd sa iyakan. Puwede na raw sigurong masolusyunan ang paparating na tagtuyot sa dami ng nanood, manonood at tutungayaw ng iyak kasabay nila. Ay mahal ko, kulang pa yon. Kulang na kulang.

Brilyo ang mga pangarap nila Popoy at Basya. Magtatayo sila ng construction firm. Si Popoy ang Engineer. Si Basya ang Architect. Magtatayo sila ng mga bahay na hindi gumuguho. Calamity-proof. Parang ang kanilang relasyon. Magpapagawa sila ng dream home nila sa Tagaytay. Tapos magkakaroon sila ng anak. Maraming anak. And they will live and love happily, ever after.

Ito ang mga hindi nila pinangarap. Malulugi ang negosyo, makukunan si Basya, magkakalamat ang relasyon sa tindi ng mga pagsubok na darating.

Kami rin, nangarap. Ikakasal kami, titira sa #17 Strawberry Drive sa Antipolo (nung mas uso pa ang Antipolo sa Tagaytay), pagkatapos ng dalawang taong pamamasyal at pagbibinyag sa bawat sulok at bubong ng bahay, magkakaroon kami ng dalawang anak. Ako ang susulat ng mga kuwentong pambata para sa kanila. Ako na rin ang illustrator. Lagi akong magluluto, mabango at malinis ang bahay.

Well. Nabuntis ako. Sa huwes kami kinasal. Sa maliit na condo unit kami nakatira. Nagkaroon kami ng anak, special needs child. Nagkaroon pa ng isa, may problema sa balat at ayaw kumain. Akala niya yata mabubuhay siya ng matiwasay na gatas lang ang iniinom habambuhay. Ubos na ubos ang oras namin sa trabaho. Para kaming dorm mates. Pero hindi puwedeng hindi magtrabaho sa dami ng bayarin.

Para rin kaming si Popoy at Basya. Pilit sinisiksik sa isang kapirasong espasyo na tinatawag naming “bahay.” Umaasa na ilang taon na lang, darating din ang lahat ng pinapangarap. Hindi nga lang kami nagbabasag ng pinggan kasi makalat. Sinong maglilinis ng mga bubog? Ang nakaisip magbasag, siya ang magwalis. Dapat may ganyang sign sa bahay. Hindi rin kami nagsisigawan kasi hindi pa kami marunong mag-away. Balang araw siguro, pero not soon. Maaligasgas at malamlam ang ilaw sa mga eksena sa bahay nila Popoy at Basya, kabaligtaran ng linaw at liwanag ng mga kuha noong araw ng kanilang kasal.

Humihingi ng tawad si Popoy kay Basya kasi nawala niya raw yung lalaking pinakasalan ni Basya. Hinahanap ko rin lagi yung young adult na walang tigil ang pagsulat at pagtetext sa akin. Nawala na iyon. Naging responsableng asawa at tatay. Sabi nga ng isang kaibigan, you fell in love with a boy and now that boy is a man and you have to deal with it.

Responsibilidad. Bayarin. Kinabukasan. Mga higanteng salita na dumudurog sa lahat ng taong sumusubok bumuo ng pamilya. Hindi mabili ni Basya ang magandang baso kasi mahal. Pinigilan niya ang sarili niya pero tinuloy niya rin. Kasi may nakita siyang kaklase. At pinakyaw ng kaklase ang lahat ng pangarap niya. O e di bilhin ang lahat ng mahal. Ang hindi mabago sa buhay, daanin sa bagong bed sheet, kurtina, baso at pinggan. Hindi yan uubra sa amin. Lahat ng aming pinagkakagastusan ay dumaraan sa metikulosong deliberasyon. Hindi ko na yata malilimutan kahit kailan na halos tatlong taon akong humihingi ng shower curtain pero laging request denied. Kasi hindi praktikal, gaya ng sabi nga ni Popoy. Compromise. Isa pang higanteng salita. Ang buhay mag-asawa ay isang walang hanggang kuwento ng kompromiso. Ang mga napapagod, naghihiwalay – sa ayaw at sa gusto ng batas ng Diyos, at batas ng tao.

Nakakapagod ang paulit-ulit na kumprontasyon nila Popoy at Basya. Hindi ko alam kung sinadya ito ng mga sumulat pero para sa akin, sa lahat ng elemento sa pelikula, ito ang pinakamakapangyarihang mekanismo ng reality sa A Second Chance. Nakakapagod, nakakadurog, nakakalungkot. Parang buhay ng mag-asawa. Sa huli, magkakabalikan din naman sila. Parang sa totoong buhay din. Sa gitna ng pagmukmok, may darating. Isang alaala, isang kuwento, isang litrato, isang email, isang text tapos ayus na ulit. Renewal of vows. Palakpakan! Rinse, repeat.

At iyan ang dahilan kung bakit laging umiiyak si Bea. At si John Lloyd din siyempre.

“I will honor your process of becoming.”

Nabasa ko iyan sa isang libro ng recommended wedding vows noong naghahanda kami para sa di natuloy na outdoor wedding. Payo rin yan ng isang matalik na kaibigan. Sabi niya, kahit gaano ka ka-progresibo, dapat lagi mong ipapakita, sasabihin at ipaparamdam sa asawa mo na ikaw ang head cheerleader ng cheerleading team niya (kahit ikaw lang ang miyembro). Works both ways, babae ka o lalake o kahit ano basta nasa relasyon.

Dalawang beses ko lang nakitang durog na durog si Popoy. Yung emoterong eksena na kinukuwestiyon ni Basya ang kanyang vision para sa calamity-proof design ng mga istruktura sa Pilipinas (nangilo ang ngipin ng asawa ko noong tinanong ni Popoy si Basya kung pati ba siya ay hindi naniniwala) at sa koleksyon ng mga maliliit na eksena na si Basya na ang nagpapatakbo ng negosyo at buhay nila. Matining na naipakita sa pelikula ang extra challenge sa married life. Paano mo pagsasabayin ang diskarte sa buhay na may pangko pangko kang asawa (at mga anak kung meron). Hindi ko sasagutin yan. Nanood lang naman ako at nagalingan. At napaalalahanan.

May isang eksena sa pelikula na talagang nagtulak sa akin sa balon ng luha. Yung pinakilala ni Popoy si Basya sa opisina bilang “best architect, misis ko.” Gusto ko rin iyon. Kailangan ko rin iyon. Ang maipakilalang best, kahit best in dishwashing or toilet cleaning. Iyung may post sa Facebook tungkol/para sa akin, lumalampas na ako sa langit. Alam ko na mahusay ako sa ilang bagay, pero iba pa rin ang naririnig. Dati akong Leadership Development Trainer (LDT). At sa hindi maipaliwanag na dahilan, akala nung ilang kasama sa dating trabaho ng asawa ko, nagtatrabaho ako sa LRT.

Si Basya, ang lakas ng bilib kay Popoy. Pinagtatanggol nung sinabi ng pinsan ni Popoy na ayon sa research e nalulugi na ang construction firm. Ako rin bilib na bilib sa asawa ko. I think, kung may mangahas magsabi na may grammatical lapses ang kahit anong gawa niya, makikipagbasagan talaga ako ng bungo.

Where do we go from here?

Sabi ng ilang kakilala, dapat ito na ang last pelikula ni Popoy at Basya. Todo na raw. Hindi na malalampasan. Pero ako gusto ko pa ng dalawa. Gusto ko pa ng isang sequel kung saan may anak/mga anak na sila – mula infancy hanggang early adulthood. Tapos gusto ko ang huling sequel, matanda na sila at nagsipag-asawa na ang mga anak. Kami ng asawa ko, may dream/imagination eksena kami na nabuo 15 years ago. Nakatayo kami sa gate ng bahay. Kakaalis lang ng huling anak na nag-asawa. Tapos yayakapin niya ako mula sa likod. Tapos sasabihin niya, “o pano, tayong dalawa na lang ulit?” Tapos ako, walang pasubali sa mga kulubot at puting buhok, sasagot ng “ako na lang ulit ang baby mo.”

Umay? Yan ang overpowering ingredient ng wagas na pag-ibig. Labanan ang umay at tayong lahat na mga married people ay makakaraos din. 

Saturday, November 21, 2015

Stormed

Katatapos lang ng isang thyroid storm episode. Ilang buwan na rin naman akong clinically diagnosed for hyperthyroidism kaya hindi na ito bago. Manghihina ka. Makakatulog, mapapahiga nang walang kalaban-laban  --- dito ko naitindihan yung sinasabi ng mas matatanda na "para kang nauupos na kandila." Mabilis ang tibok ng puso, halos umaalog ang buong katawan. Mahirap huminga. Yung episode kanina lang, nagsimula sa hindi makahinga bago ang panghihina. Medyo wild ito, wala akong mahugot na hangin.

Katatapos lang din ng bulyawan at public humiliation session dito sa bahay. Ako raw ang may kasalanan kaya ako nagkakaganito kasi kung kelan dapat natutulog ang tao ay gising ako. Saka yung oras ng pahinga, ang inaatupag ko ay kape at yosi at tambay mag-isa. Problema raw akong nanay. At ayan, hindi makaluto ng pananghalian kasi puyat!

Minsan nakakapagod na ipaalala sa lahat na labinlimang taon na akong GY (graveyard schedule). Ang tulog ko ay kapag pasikat na ang araw. Noong medyo bata pa ako, kaya ko pa mag-hunyango ng body clock. Ibato ako sa umaga, ok, gabi ang tulog. Hindi ko na kaya iyan mula pa noong una akong nanganak pero sinusubukan. Tatlong araw na akong naghahanda/nagluluto ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Unang araw ko pa lang sumablay at mukhang hindi valid reason ang thyroid storm.

Minsan gusto ko rin itanong sa mga nagrereklamo kung kahit minsan sinamahan ba nila ako sa mga gabi o bukang liwayway buhay na buhay ako? Wala kasi akong maalala. Tulog sila kapag gising ako. Gising ako kapag tulog sila. Puwede bang iwan na lang sa ganyan at huwag na tayong maghanapan? Napapagod na ako magpaliwanag. Pagod na pagod na pagod na ako.

When will these storms ever end?

What APEC 2015 Meant To Me


Listening to frustrating stories of family, friends and colleagues stuck in monster traffic. Someone I know spent 9 hours on the road to get to work. Hindi na ito makatao. Makatae ito. Ang kapal lang nung nagsabing quits quits lang sa lahat ng nahirapan kasi siya nagkaron naman ng sunburn. Quits yan kung nasunog ka habang sinusubukan mong ipost yang kaputahan na shout out na yan.

Wondering if APEC member countries have the right to decline hosting the event. We are a poor country. Nakuha pa nating maging proud sa magarbong dinner, fireworks display, designer furniture. Very Pinoy. Ipinangungutang ang handa sa piyesta.

Worrying about terrorist attacks. Ang hilig kaya nilang magpapansin kapag may mga ganitong big events. Minsan, ayoko nang palabasin ng bahay ang asawa ko. Kahit gaano ka kabuti, kung tarantado ang mundo, anong laban mo?

Questioning the necessity of having a summit. Hindi ba puwedeng i-Webex, Skype or Google Hangouts na lang yang tradisyon na yan? Walang isasarang kalsada, walang designer outfit para sa mga bisita, walang gastos sa dinner, accommodations at kung anu-ano pa.

Waiting to see if the summit was worth everyone's trouble, time, money and effort. 

And last but definitely not the least, thankful. Because the holidays gave me this. Naiuwi namin ang mga bata. After so many months of being weekend parents, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa ilalim ng iisang bubong. Ay concrete ceiling pala. At para sa isang manggagawang walang naaasahan sa gubyerno kundi monthly holdap, sapat na ito.

Hanggang sa susunod na legal holidays na sana ay long weekend. Mabuhay!


Tuesday, November 17, 2015

Street Porn?

Naglalakad kami papunta sa Ayala noong muntik akong matalisod sa isang matigas at matulis na bagay.


Binalikan namin at inusyoso. Susmaryosep! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng gumawa nito. Ayoko na yatang alamin.




Monday, November 16, 2015

MS PowerPoint Magic

Designs for an inspiring dad. Puwede ko itong negosyohin kaya lang hindi naman puwedeng sa MS PowerPoint lang gawin lahat.









Saturday, November 14, 2015

Introverting :D


Nainlab ako sa image na makikita niyo ng tatlong beses sa ibaba. Ang simple pero ang powerful. Naisip kong gamitin para sa pakyut na artwork na alay ko sa isang kaibigan. Hindi kasi madali ang buhay namin. Kung pwede lang gamitin ito na parang bag-wa na magtataboy ng mga taong walang pahalaga sa aming pagkatao. Ok hanggang diyan na lang ang puwedeng sabihin.




Friday, November 13, 2015

Ganito ang lost and found ko

Email na pinadala ko kanina sa mga kasama sa trabaho. Ganda ng picture! I love you Cymera!

Ang boy ay hindi tunay na pangalan. Siya lang kasi ang nagiisang boy sa aming grupo.
===

Mga Kasama,

Nakaupo ako sa sahig kanina (huwag na itanong kung bakit) noong nakita ko ito. Kung sinuman ang umuwi na isa lang ang hikaw, nasa akin ito pero wala ang pakaw.

CC Boy?


Thursday, November 12, 2015

Watcha gonna do with all that blood, all that blood inside your lab

Sa tuwing kukunan ako ng dugo, tumutugtog sa isip ko ang My Humps. Iba nga lang ang lyrics, My Blood. "Watcha gonna do with all that blood, all that blood inside your lab?" Bakit naman kasi ang dami daming dugo na kailangan para sa isang simpleng analysis. Diba parang asin lang yan dapat? Kahit gaano karami ang tikman mo - isang kurot o isang dakot - maalat! Sabagay, di naman ako dalubhasa. Napapansin ko lang naman kasi mula nung nagwarla ang thyroid ko, every two months ako sinisipsipan ng dugo.

Chinese ang doktora ko sa thyroid. Kaya siguro hindi siya kuntento sa lab results na hindi six decimal places ang isinuka ng laboratoryo. Sabi niya, "ano ang ibig sabihin ng less than 0.0005? dito mo sa Nuclear Medicine ng Makati Med ipagawa para mas sigurado tayo." Astig talaga si doktora. Maganda na, bespren na ng mga may thyroid problems at diabetics, best in Math pa. Mahal ko siya kaya lang talagang for our relationship to work, dapat sinasabuhay ko ang "love is patient and kind." Tatlo hanggang apat na oras lagi ang inaantay ko tuwing magpapatingin ako sa kanya.

Buti na lang, may HMO benefit kami sa work. Hindi ako ang nagbayad ng PHP 3,510.00! Hindi rin ako ang nagbabayad kay doktora. Huwag lang sana ako lumagpas sa quota this year and the years to come.



















Monday, November 09, 2015

Maulang Lunes

Hay naku, Chito. Mapapatay niyo ako ni Neri one of these days sa mga salitang post niyo sa IG. Anyways, naalala ko na naman ang sa aking favorite books, yung 5 Love Languages. Sabi kasi ni Neri sa isang lumang post niya, hindi naman daw dating likas na ma-emote si Chito sa IG. Nahawa na lang daw yata sa kanya. I am happy to see that "the languages" really work. He tried to speak Her language. At ngayon ay nagkakaintindihan sila nang bonggang bongga. Sigurado yung mga ibang hindi "words" ang love language, nauumay sa kanilang online PDA. But me? I love it. I love it. I love it. Parang dark chocolote, bitter sweet.

3. BECOME FLUENT IN THE LOVE LANGUAGE OF YOUR SPOUSE.

Your spouse has one particular “language” in which he or she best communicates love. The five languages are acts of service, words of affirmation, quality time, gifts, and physical touch.

If your husband’s language is acts of service, you can give him a hundred handwritten cards with profound declarations of love, but he will not feel loved until you help him in the yard or run an errand for him. If your wife’s language is quality time, you can wash her car and take out the trash every week, but she will not feel loved until you sit across from her, linger over a cup of coffee, and look into her eyes.

Chances are good that your spouse’s primary language is not your language. It is important not only to speak your spouse’s love language, but also to listen in that language. Translate for yourself so that you can receive your spouse’s expressions of love to you.

It takes just one of you becoming bilingual to communicate love effectively–but it does take one.

Gary Chapman’s book The 5 Love Languages is one of the most helpful books on marriage that you can read. If you aren’t familiar with the love languages, learning about them will benefit your marriage dramatically. (from here)

Wednesday, November 04, 2015

Misery Loves Geekery

Gamit ang teknolohiya, naipakita in 3D data kung paanong ang naririnig ay natututunang sabihin ng isang bata. Ang "gaa-gaa" ay naging "water" matapos ang isa't kalahating taon, may replay in 40 seconds. Nakita rin kung saan mga lugar at anong mga galaw naikalat ang salitang "water." Napakahusay. I cannot even words the words. Basta parang sa The Matrix ko lang unang nakita ang ganito. Panoorin si Deb Roy sa embedded video, ngayon din.

Now. Can someone explain to me kung saan nakuha ng anak namin ang kanyang one and only favorite word na "KAKAK?" Wala naman kaming family member na gansa o itik na paos. Nag-Google ako, try lang. Medyo kinilabutan din ako sa findings. Nauso ang KAKAK ni Potling nung bago pa lang na pinapanganak si Sopling, ang kanyang baby brother - when she became a KAKAK (older sister). Could it be, that we are raising an Indonesian kid? O xenoglassy? Puwede ba yan iresearch ng MIT? Humor me?
http://www.wordsense.eu/kakak/




Tuesday, November 03, 2015

Popoy and Basya - A Case Study

Manonood daw kami ng team mates ko nito very very soon. Yan ay kung walang maga-aya sa aking iba. Gusto ko ang kuwento nila Popoy at Basya kasi totoong totoo. Kaya nga case study yung pamagat ng post. Ngek. Panira lang talaga yung sound track (sorry fans of PP). Sana ito na lang ang sound track. Baka manood ako ng limang beses.

Tayong Dalawa
Rey Valera

Kapwa lumuluha kapwa nasasaktan
Bakit tinitikis parin ang isat isa
Lagi na lamang bang ganito ang buhay natin
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo
Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa

Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo

Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako

Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa


Hit It, Whitney!


I feel the need to run to someone. Hindi na healthy itong ilang buwan na akong tumatawid ako ng Reposo tapos gusto ko tumigil sa gitna para dun pumalahaw ng iyak. Marami naman sigurong gusto makinig, sigurado naman ako ron. Kaya lang mataas ang requirements ko sa paga-abutan ko ng puso ko. Dapat equipped with the skills below. Kasi kung kulang, eh wala tutungangaan ko lang yan o kaya mapapagod lang ako. Ayaw. And please don't tell me to pray, because I do. I really do. Kaya lang paminsan-minsan tao rin ang kailangan ko. Nahahawakan, naaamoy, nakikita. Ay wait, I'm blogging. Nagsusulat naman ako. Writing heals, mapapangiwi lang siguro ang makakabasa. Who needs people when you have words? Maybe you will if the people came with words that heal. Ayan nawala na ako sa requirements. Ito na.
  1. Active Listening (includes paraphrasing and checking for understanding) skills
  2. Demonstrate empathy and sincerity
  3. Facilitation Skills
  4. Un-Problem Solving and Decision Making - hindi ko yan kailangan these days
I wanna run to you. But if I run to you, tell me... Will you stay or will you run away?

In Memoriam

Hindi ko masyadong masakyan yung eksenang costumes kapag halloween. Aaminin ko na masaya yung may excuse para maglabas ng krungkrung, may mga gusto akong irampa na imahe kala niyo ba (ex. Jollibee, Sponge Bob, taong grasa, madre, gold fish, koi, fighting fish, Mulan, yung bida sa Brave, cheerleader, cellphone, laptop, cotton buds, stapler, lapis, kaldero, kawali, kaserola, takore, Ewoks, prinsesa, doktor, nurse, ipis, daga, jejemon, Sailor Moon, Pikachu and friends, Madonna from the 80s. Madonna from the 90s, Liz Lemon ng 30 Rock, etc.). Kaya lang may kurot sa puso yung nakikitang palayo tayo nang palayo sa kung ano tayo bilang isang nasyon. Hindi naman nagco-costume ang mga lola at lolo natin nung araw e. Anyways, wala namang magagawa. Let it go na lang. By the way, OA sa dami ng Elsa costumes na nagkalat sa mga mall at kahit saang lupalop ng Pilipinas for sure. Hindi ba nila alalm na mas madali at mas masayang gayahin yung Elsa ni Ate Guy sa Himala? Just saying.

Kung hindi man ako in sa pagco-costume at pamimigay ng candy kapag araw ng patay, bawing bawi naman ako sa tradisyon na pagsisindi ng kandila. Severe ang pagsunod ko sa tradisyon na ito. Seryoso. Kinakausap ko lahat ng namayapang kamag-anak at kaibigan bago magsindi ng kandila. Dati nagsisimula ako sa pag-aalay ng dasal para sa kapayapaan nila pero mula noong magkaroon ako ng asawa at mga anak, ang unang sinasabi ko agad sa kanila ay huwag muna akong sunduin. At huwag din yung mga mahal ko. Tapos saka ko na tinatanong ko kung kumusta sila. Siguro totoong nalalagay nga sila sa tahimik at payapa kasi kahit sinusubukan ko lang sila kontakin, napapayapa rin ang kalooban ko kahit may lungkot at pagka-miss (lalo na lately na mga kaedaran ko na ang nauuna). Special mention this year si Mama Cris. Paano darating na si Madonna next year, kinamatayan na niya ang paghihintay. Peace, Mama Cris!

Dahil wala kaming gate, garden o kahit anong espasyo sa labas ng pinto na puwedeng paglagyan ng kandila, kung saan-saan ko nilalagay ang aking pakulo. Nung matutulog na kami, sa lababo na lang para safe.

Nasaan ka man, kahit ano pa ang itsura mo nung weekend, sana hindi mo SILA nakalimutan kahit hindi nag-declare ng holiday ang gubyerno. Sabagay pang trick or treat din naman ang katatakutan na gastos nung summit nila. Lalo pa at alam mo na sa buwis mo yun kinuha.





























Ay one more thing. Kapitbahay ng aming global village ang sementeryo. Ito ang view mula sa elevator lobby. Palubog pa lang ang araw nito kaya medyo maliwanag pa. Kasing liwanag ng benta ng mga pabrika ng kandila. Pasesnya na at medyo malabo.



























Wednesday, October 14, 2015

Photo from our bedroom?

I think sa amin galing ang inspirasyon ng pekatyur na ito. Ang buhol buhol na mga kable ng kuryente sa isang sulok ng aming kuwarto na ngayon ay isang patuloy na lumalaking kumunoy ng alikabok, buhok, ipis at dinosaur kapag bumalik na sila sa earth.



Gusto ko sana ganito kasinop. Tingin ko aayos ang buhay ko kapag naayos na rin ang aming mga kable. Ngek.



Tuesday, October 13, 2015

Almost Done

I'm almost done with the curriculum development project that I've been working on since the last week of August. I am 3 modules away from completion. 73 files done, whew! This has got to be the most difficult curriculum development work I've ever done, OWASP for IT folks years ago just got dethroned. Sana marami pang challenging at fulfilling projects na dumating. Gusto ko kasing yumaman, literally and figuratively (sa karanasan, anubaazzz). Konti  na lang, more power to me!



































I saw this image from this sample document. If you can appreciate the humor in this graphic, reach out to me please. I need someone to laugh with me, that's all. 



Monday, October 12, 2015

Chito and Neri


Bisyo ang pagsilip sa Instagram accounts nila Chito at Neri. Bisyo kasi napakasarap gawin kahit masama para sa akin. Sabi ng isang kaibigan, nakakamatay ang inggit. Siguro kung mahina ang kapit ko sa tunay na buhay, matagal na akong natagpuang patay sa harap ng laptop. Last pages visited, The Mirandas. State of womanly affairs, PMS-ing. Ay naku, iba ang kulo ng utak kapag namamatayan ng itlog.

Don't get me wrong, wala naman kaming major-major marital problems ni Sir_Ko. Ako lang ang may problema with some very very very unrealistic expectations. Hindi pang-mundong ibabaw at lalong hindi pang-here and now. May kumag na nagtanong kay Chito. Ang sabi "Ng tatampuhan din po ba kayo? Abnormal din kasi ang sobrang sweet." Ang bagsik ng reply ni kuya.
"oo naman...pero inaayos namin sa mahinahon na paraan at hinding-hindi namin kilakalimutan na mahal namin ang isa't-isa. And no...hindi abnormal yun sa mundo namin yung sobrang sweet. Siguro sa mundo mo oo, pero sa mundo namin, hindi"

























Ang taray diba? Meron silang sariling mundo. Ang problema sa akin, meron akong tinitirhan na tatlong mundo pagdating sa pag-ibig. Yung mundo niya, mundo namin, saka mundo ko. Bawat mundo, iba't iba ang kultura at saligang batas. Ang katawang pantao ko ay nasa mundo namin- yung mundo ng compromise, bills to pay, children, work at kung anu-ano pa. Ang sinisikap kong maging at siyang origin ng aking mga pananakot sa sarili ay galing sa mundo niya. Ito yung mundo na may view ng version ko na naniniwalang I truly deserve him. Yung puso ko, nandun sa mundo ko. Kasama ng mga unicorn.

I guess only time will tell kung healthy ba ang ganito. Kunsabagay, lampas isang dekada na kaming magkasama, parang ok naman. Nawawala lang naman ako katinuan kapag namamatayan ng itlog (PMS) at saka kapag may nakikita akong mga kababayan ko, mga anak ng Planet Romantiko. In the meantime, song and dance na lang muna tayo.

Sirang Romantiko

Sa iyong ngiti at kislap ng iyong mata
At kilos ng iyong labi ako'y nabighani
Bawat galaw at kilos nitong daigdig
Ako'y sirang romantiko sa ihip ng hangin

Sana naman madama mo na rin ang
Ang iyong damdamin wag ng pigilin
Kita mong minsan lang maglalambing

Hawakan mo ang aking kamay wag pigilan
Tayong dalawa ay tutuklas ng hiwaga
Magtiwala ka naisulat na ng tadhana

Lunes Na Naman

Image Source

























Kada Lunes ay mataas ang expectations ko sa sarili ko on three recurring themes. Hindi na ako magyoyosi. Hindi na ako kakain ng pang-tatlong tao per day. Uuwi ako ng Honda (honda dot, 9 hours only). Kadalasan, nagtatagumpay ako hanggang Miyerkules tapos kapag Huwebes na, iniisip ko na sa Monday na lang ulit.

Nakakasawa na ang maging talunan. Buti pa ang kilikili ko medyo nakaahon na sa kahirapan. Hindi na siya laging kumakanta ng take me out of the dark my Lord, I don't wanna be there. Hindi pa rin siya perfect pero at least hindi na siya burak (share ko ang magic products soon). Samantalang ako, lugmok pa rin.

I want to be better than my kilikili. Sana this is the day and the week to prevail.

Friday, October 09, 2015

Umasal ng naaayon sa lugar

Masama ang paninigarilyo. Walang duda. Pero kung ayaw po nating mausukan, huwag po tayong tumambay sa SMOKING area. At huwag na huwag nating titingnan nang masama at kukunutan ng noo ang mga nananahimik na nagsusunog ng baga dahil para naman sa kanila ang smoking area diba?



Tuesday, October 06, 2015

Email Me Maybe

Hindi ko alam kung bakit naimbento ang email. Aralin ko pag meron akong panahon. Pero sa trabaho, alam ko kung bakit may email. Kasi hindi tayo sindikato. Hindi rin tayo palengke. At lalong hindi lang tayo magkapitbahay.

Kailangang nasusulat ang lahat ng galaw at desisyon. Yung mga meeting at usapan sa personal o telepono, nilalagay din nga ang summary sa email para maging official ang mga bagay. Walang ganun sa sindikato para walang ebidensiya. Sa panahong wala pang email, I think nilalagay yun sa papel. At sa panahong wala pang papel, wala pang kumpanya. Ang smart ko lang, naisip ko pa yun.

Napakaraming tips at guidelines sa nararapat na paraan ng pakikitungo gamit ang email medium. Nakakatuwa at nakakatawa kapag may sumasablay. Nakakatakot kapag may nagwawala sa email. Parang nasisiraan ng bait at nakahanap ng bagong laruan ang mga ganyang tao. At nakakabuwisit most of the time.

Sa ilang taong pagtatrabaho at paggamit ng email, may tatlo akong pet peeve.

Una, siyempre yung magaspang ang laman at tono. In summary, tarantado. Yung mga Bullshit Artist sa corporate environment, ito ang nagpapasikat sa kanila. Lalo kung walang pumapatol. Ang variation nito yung mga taong ang husay sa email pero hindi naman nagtatrabaho sa totoong buhay - management by email ang tawag ko rito at may variation na rin ito na management by Facebook. Kay huhusay mag-post ng happy happy-joy-joy-I-love-my-job-and-my-employees pero nganga sa trabaho.

Pangalawa, yung hindi nagbabasa ng email tapos hindi makakasagot (at ikaw pa rin ang may kasalanan) o kaya uubusin ang oras mo kakapaliwanag at kakaisip ng maayos na paraan para sabihing, scroll down naman diyan. Yung una, uso yan sa mga matataas na tao. Kaya kailangan magpa-meeting lagi kasi hindi nagbabasa. May boss ako dati na lagi akong pinapaalalahanan na pagkasend ng email ay puntahan ko ang mga tao na kailangang sumagot kasi hindi sila nagbabasa ng email. Dahil gago rin ako at bata pa noon, binibiro ko siya lagi. Sabi ko, kung ganun pala baka dapat wala na lang silang email account. Sayang lang ang pera na ginagastos ng kumpanya sa maintenance at storage allocation ng mailbox nila.

Pangatlo, yung mga taong ayaw mag-email. Tinatrato ka na parang corrupt government employee, dadaanin sa under the table. Napansin ko na may mga ganitong tao rin dahil gusto nila bulyawan ka muna sa totoong buhay para walang ebidensya tapos kapag nag-orgasm na sila sa kanilang (evil) need to feel powerful ay saka ilalagay sa email ang gusto nilang mangyari. Hinahayaan lang mapagod ang ganitong mga tao, titigil din naman sila at mamamatay balang araw kaya hayaan na lang. Lahat tayo mamamatay balang araw kaya hayaan niyo lang din ako mag-post sa blog ko. At saka may mga ayaw din pala mag-email kasi lagi silang nagtatae. Dapat lahat now na, now na, now naaaa! Ayaw nila sa email queue ang request nila. Kung puwede lang kumandong sa iyo, kakandong talaga sila para unahin mo ang kailangan nila kasi sila ang mundo.

Sa tingin ko, hindi ko naman ito magiging mga pet peeve kung pinanganak ako at nagtrabaho na wala pang email. Nasanay lang talaga siguro ako. Pero salamat pa rin dahil nandito ako ngayon. Mababaliw siguro ako kapag lahat ng kailangang gawin e ilalapit sa iyo, live no satellite. Imagine, 1980s in Makati. Susmaryosep. Kaya siguro puwede pa magyosi noon sa mga opisina. Burat na burat lang ang mga tao sa walang humpay na chika.


Friday, September 25, 2015

Panata



Ganiyan ka-severe ang aking problema. Wala pa akong napagtagumpayan na paraan, maski isa. May iniiwasan akong gawin kasi mahirap saka sabi kung titigil ka sa adiksyon, dapat walang ibang dahilan kung hindi ikaw. Baka kapag inalay ko para sa panalangin e gumana.

Panata. Nung bata raw ako ay sobra akong sakitin. Hikaing payatot. Yan ako. Wala na ang signs niyan sa akin. Magaling mamanata ang mga magulang ko. Inalay daw nila ako sa Black Nazarene sa Quiapo. Isinisimba pa nila ako ron na naka-Nazareno costume. Wagi ako ron with my naturally African American curls. Hanggang ngayon pa nga para pa rin akong apo ni Bob Marley.

Kaya sige eto na. Susubukan ko talaga. Para sa mga dalangin ko para sa mga bata.