[mixedsocialmedia003] May bago akong nilalaro. Tinotodo ko ang volume
ng Out of My League (acoustic version, Stephen Speaks) habang
naglalakad at naka-earphones. Nagkukunwari akong bridal march ko ang
lakad mula kanto ng Ayala hanggang Reposo. Ngumingiti-ngiti ako sa
paligid, kunwari nagsasabi ako sa mga kaibigan at mahal sa buhay
na "thank you guysh, ito na iyon!" May moral lesson ang role playing
sessions na ito. Hindi nadedehydrate ang tao sa pag-iyak. At saka
kanina, dahil sumabay ang malakas na buhos ng ulan, nakaisip ako ng
bagong wedding concept. Pasadya ng ulan for a more dramatic effect.
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!