Pages - Menu

Monday, October 12, 2015

Chito and Neri


Bisyo ang pagsilip sa Instagram accounts nila Chito at Neri. Bisyo kasi napakasarap gawin kahit masama para sa akin. Sabi ng isang kaibigan, nakakamatay ang inggit. Siguro kung mahina ang kapit ko sa tunay na buhay, matagal na akong natagpuang patay sa harap ng laptop. Last pages visited, The Mirandas. State of womanly affairs, PMS-ing. Ay naku, iba ang kulo ng utak kapag namamatayan ng itlog.

Don't get me wrong, wala naman kaming major-major marital problems ni Sir_Ko. Ako lang ang may problema with some very very very unrealistic expectations. Hindi pang-mundong ibabaw at lalong hindi pang-here and now. May kumag na nagtanong kay Chito. Ang sabi "Ng tatampuhan din po ba kayo? Abnormal din kasi ang sobrang sweet." Ang bagsik ng reply ni kuya.
"oo naman...pero inaayos namin sa mahinahon na paraan at hinding-hindi namin kilakalimutan na mahal namin ang isa't-isa. And no...hindi abnormal yun sa mundo namin yung sobrang sweet. Siguro sa mundo mo oo, pero sa mundo namin, hindi"

























Ang taray diba? Meron silang sariling mundo. Ang problema sa akin, meron akong tinitirhan na tatlong mundo pagdating sa pag-ibig. Yung mundo niya, mundo namin, saka mundo ko. Bawat mundo, iba't iba ang kultura at saligang batas. Ang katawang pantao ko ay nasa mundo namin- yung mundo ng compromise, bills to pay, children, work at kung anu-ano pa. Ang sinisikap kong maging at siyang origin ng aking mga pananakot sa sarili ay galing sa mundo niya. Ito yung mundo na may view ng version ko na naniniwalang I truly deserve him. Yung puso ko, nandun sa mundo ko. Kasama ng mga unicorn.

I guess only time will tell kung healthy ba ang ganito. Kunsabagay, lampas isang dekada na kaming magkasama, parang ok naman. Nawawala lang naman ako katinuan kapag namamatayan ng itlog (PMS) at saka kapag may nakikita akong mga kababayan ko, mga anak ng Planet Romantiko. In the meantime, song and dance na lang muna tayo.

Sirang Romantiko

Sa iyong ngiti at kislap ng iyong mata
At kilos ng iyong labi ako'y nabighani
Bawat galaw at kilos nitong daigdig
Ako'y sirang romantiko sa ihip ng hangin

Sana naman madama mo na rin ang
Ang iyong damdamin wag ng pigilin
Kita mong minsan lang maglalambing

Hawakan mo ang aking kamay wag pigilan
Tayong dalawa ay tutuklas ng hiwaga
Magtiwala ka naisulat na ng tadhana

1 comment :

  1. Hahahaha, ate, minsan sa mga ganyan natutuwa ako magbasa ng comments at hindi yung content ng post! Pareho po tayo, tila hopeless romantic pero hindi naman binibitawan ng ating mga partner in life. Pero ako, naka move on na di sa minsang kawalang ka-sweetan ng aking labidabs! Heheheh :)

    ReplyDelete

Yum-ment!